Bakit ang mantsa ng kape maitim sa gilid nito?

Reading Time: 2 minutes

Papasok ka na sa trabaho o school, nagkakape ka tapos aksidenteng natabig mo ang kape at tumapon ito sa puti mong damit. Nagpalit ka at pumasok na. Paguwi mo ng bahay at lalabhan mo na ang isang unipormeng natapunan ng kape, mapapansin mong mas maitim ang mga edges ng natapon na kape. Bakit hindi sila kumalat ng pantay, bakt sa mga edges parang mas maraming kape ang naipon duon.

On the early days mga boss this remains a mystery until recently lang, nadiskubre kung bakit ganun kumalat ang kape, alak o ink. Ang theory of coffee ring formation ay naipublish nuong 1997 ng grupo ng mga phycicist sa universty of chicago. Aakalain mong simpleng problema lang ito, pero ito mga boss ay real world problem pagdating sa fluid dynamics lalo na sa mga inkjet printers.

Ang tubig ay mas nageevaporate sa exposed edges ng natapon na kape, dahil dito ang tubig sa gitna ay pumupunta sa gilid para maaccomodate ang mabilis na evaporation. Ang mga molecules at mga solid bits na nasa tubig ay kasamang umaagos papunta sa gilid at habang sila ay kumakalat, ang mga ito ay naiipon hanggang sa matuyo.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit bawal ang chocolate sa mga aso?

Ano ang 4 states of processing ng mga CPU?