Bakit ang ibang mga tao feeling matalino?

Reading Time: 5 minutes

Malamang narinig nyo na ang qoute na to:

“The problem with the world is that the intelligent people are full of doubts, while the stupid ones are full of confidence.”

Malamang marami na kayong nakasalamuhang mga tao na feeling nila napakatalino nila, mas matalino sa isang average na tao pero sa totoo lang hindi naman. O hindi naman kaya ung tipong naguusap kayong magbabarkada tapos sisingit isang tropa mo at feeling alam ang topic tapos pag tinanong mo hindi naman pala.

Pero merong isang side ng coin, ang mga taong talagang marurunong tapos pag tinanong mo kunwari walang alam. Hindi dahil sa nagpapahumble ha, iba un mga boss. Ang tinutukoy ko ay ang mga matatalinong tao na walang kumpyansa sa kanilang kakayahan.

Ito mga boss ang tinatawag na Dunning Kruger effect. Isang cognitive bias kung saan inaasses nila ang kanilang cognitive abilities ng mas mataas sa kanilang normal na abilidad.

Ang Dunning Kruger effect ay mula sa dalawang social psychologist na sina David Dunning at Justin Kruger kung saan pinagaralan nila ang phenomenon na ito. Nakilala ang kanilang pag-aaral nuong inanalisa nila ang kaso ni Mr. McArthuir Wheeler.

You see mga boss, ang kaso ni McArthur wheeler ay talagang kakaiba, hindi kakaiba na mysteryo, kundi kakaiba na i would say katangahan.

Nangyari ito nuong 1995, Si McArthur Wheeler ay isang 44 taong gulang at nagdesisyon itong pagnakawan ang isang banko. So Mr. Wheeler nuon ay nakabasa ng isang artikulo tungkol sa properties ng lemon juice at ito ay hindi nya intindi ng mabuti.

Ang lemon juice ay mayroong chemical properties na kaperhas ng isang invisible ink. Sympre, ang ginawa nya, bumili ng sandamakmak na lemon at pinahid sa mukha nito ang katas ng lemon. Inaakala nya na magiging invisible ang kanyang mukha sa camera dahil nga sa properties ng lemon.

Dala dala ang dalawang balls niya hatak hatak nito ang napakabigat na kumpyensa na eepekto ang lemon. Nilooban nya ang dalawang banko ng hindi naglalagay ng disguise, walang takip, walang kahit ano, kundi katas lang ng lemon.

 

Sympre nahuli sya sa camera. Obviously hindi naman ganuon ang properties gn lemon. Nagtaka sya na mabilis syang natagpuan ng mga pulis samantalang ginawa nya naman ang inaakala nyang epektibong pang disguise. Kaya kayo, lagi kong sinasabi sa inyo, wag kayong basta bastang maniniwala kahit na sa video ko pa. Kailangan icheck nyo din hindi ung agad agad kayong maniniwala.

Base sa pag-aaral nila Dunning at Kruger, ang mga incomptent na mga tao ay walang idea kung gaano sila ka incompetent o unskilled. Ang mga taong nakakakuha ng mababang grado sa isang test, alam nila na mababa ang kanilang grado pero hindi nila naiisip kung gaano ito kababa. Nagets nyo ba mga boss? Halimbawa, ang nakuha mo sa test 15 out of 40, ang iisipin mo ay okay lang hindi naman ako ung lowest. Kung ganyan kayo magisip mga boss, i suggest you change it. do not compare yourself sa mas mababa sayo, compare yourself sa mas mataas sayo para mag strive ka pa magpursigi.

Teka nawawala na tayo sa topic. Ayon sa pagaaral ang overestimation ay dahil nakakaranas sila ng dual burden. Hindi lang sila nagkakamali sa kanilang konklusyon at gumagawa ng maling desisyon, ang kanilang pagiging incompetent ang nagiging dahilan kung bakit hindi nila narerealize na sila ay hindi skilled.

Sa madaling salita, ang mga incompetent na mga tao ay sobrang incompetent na hindi nila narerealize na incompetent na pala sila.

Now pumunta naman tayo sa isang side ng coin, ang mga skilled na tao. Pag mas competent o mas experienced ang isang tao sa isang subject o field, mas narerealize nila ang gaps at limitasyon ng kanilang kaalaman. Kaya’t mas naigiging less confidence sila sa kanilang skills.

Pagtinanong mo ang isang tao, malalaman mo kaagad kung saang side sya ng coin. Kapag nagtanong ka ng, marunong ka bang gumawa ng computer? at sumagot ng, oo, marunong ako pero hanggang format lang alam ko, pag repair hindi ko na alam yan. That mga boss is a competent person, ineestablish nya na agad ang expectation.

Pero pag ang reply ay, anong sira, naghung ba? blue screen? lagging? Dalhin mo at kayang kaya ko yan. Tapos pag dating sa bahay, di pala alam magreset ng bios. I am not saying all ha ang iba lang.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit alam ng facebook ang ating sinesearch sa ibang websites?

Sino ang kauna unahang email service provider?