Bakit ang hirap matulog kapag nagcecellphone?

Reading Time: 4 minutes

Halos karamihan sa atin, ang cellphone ang huling nakikita bago matulog. Pag gising cellphone, bago matulog cellphone. Minsan sasabihin mo, last na talaga, last 15 minutes o kaya last round tapos mamukat mukat mo naka ilang rounds ka na o kaya nakaka 1 hr na pala ang nakalipas.

Napansin nyo ba natapos nyong biutawan ang cellphone nyo, parang ang hirap ng matulog kaya in the end mas lalong tumatagal ang pagbbrowse ninyo sa internet. Science can tell you why mga boss.

Kapag ang cellphone mo ay mayroong bright screen at nagbbrowse ka, ang katawan natin ay hindi nararamdaman ang antok. Bago tayo humiga, ang katawan natin ay unti unting magshushutdown. Subalit kapag humiga ka at nakatapat ang maliwanag na screen sa iyong mata, parang napakaimposible nitong mangyari. Ang pagbrowse sa facebook, 9gag, paglalaro ng ml bago matulog ay nakakadagdag stress sa ating katawan.

Isang stress hormone ang may dahilan nito mga boss, ito ay ang cortisol. Ang cortisol ay nirereleased sa ating adrenal gland para labanan ang midnight threats o ung flight and fight response natin. Ang katawan natin imbes na nagpproduce ng melatonin hormone, ang pinproduce nito ay cortisol. Ang melatonin mga boss ang hormone na tumutulong sa atin makatulog.

Ang pinakaissue dito ay hindi ang cognitive simulation na ating nakukuha dahil sa paggamit ng cellphone. ang talagang nakakaapekto sa atin ay ang bright bluish clear light na ineemit ng ating cellphone screens. thus ito ang nagiging dahilan kung bakit na wawala sa tama ang ating pagtulog.

Magulo ba? In a laymans term, after millions of years ng ating evolution, ang ating katawan ay nag adapt na sa nagaagaw na liwanag ng takip silim na ibig sabihin ang katawan natin ay handa ng matulog habang ang liwanag naman na nakikita natin sa umaga ay senyales na tayo ay dapat gising. In short kapag tayo ay nakatingin sa cellphone screens ang ating katawan ay inaakala na umaga pa rin at hindi pa maghahandang matulog.

Pero hindi naman ung tipong pag nagcecellphone ka di ka talaga makakatulog, hindi ganun mga boss. Mahihirapan ka lang lalo makatulog dahil mas kakaunti ang melatonin at mas maraming cortisol ang marerelease. In fact sa isang pag-aaral na ginawa sa loob ng 2 oras na exposure sa electronic display ay nakapagsuppress ng 22% ng melatonin.

Ang pagcecellphone habang nakakahiga ay binabago ang ating sleep cycle, alam mo na ito diba? pero ginagawa mo pa rin. Sa panahon natin ngayon, mahirap itong iwasan. Pero ano nga ba ang masamang epekto nito sa atin?

Well mga boss, ang disruption ng circadian rhythm ng ating katawan o ung sleep cycle ay nagpapataas ng posibilidad na tayo ay magkadiabeties at maging obese na din. Sa babae, mas tumataas ang posibilidad na mag karoon ng breast cancer lalo na’t naging regular na ito sa mga nakaraang taon, isang halimbawa ang mga call centers na nagttrabaho sa gabi. Kaya nga sila merong mga annual check up to avoid these issues.

So papaano natin ito masosolusyunan, well alam naman natin ang sagot. Wag mag cellphone  pag matutulog na. Pero kung hindi talaga mapigilan, merong mga pplications na kayang baguhin ang kulay ng inyong cellphone screen base sa oras. Kumbaga ififilter nito ang blue light. Ang inyong screen ay mas magiging reddish ang kulay. It will take some time bago kayo masanay dito but it will help.

 

 

 

 

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Sino ang kauna unahang email service provider?

Ano ang iba’t ibang klase ng memory ng computer?