Bakit alam ng facebook ang ating sinesearch sa ibang websites?

Reading Time: 4 minutes

Alam mo yung nagsesearch ka sa google halimbawa mga cellphones, nagbabasa ka ng mga reviews at nanonood sa youtube. Tapos patingin mo sa facebook mo, mamukat mukat mo, meron ng advertisement ng mga cellphones sa news feed mo. Ibig bang sabihin nito ay nagsspy ang facebook? Definitely yes.

Welcome mga boss sa  mundo ng custom tailored internet advitisement!

So ano ba ang tailored tailored na yan.

First mga boss, bago maakapagcreate ng custom tailored advertisement ay kailangan nito ng impormasyon mula sayo.

Mayroong 4 na uri ng data na posibleng magprovide ng insights at preferences na makakatulong sa paggawa ng tailored advertisement. Ang una ay ang click stream data.

Pag sinabing click stream data, ito yung makikita mo sa history mo, mga websites na vinisit mo, youtube, wiki, pornhub, este cornhub.

Ang mga record ng webpages na ating binisita ay nasa isang text file na tinatawag na cookie. Para sa mga hindi pamilyar, pag bumisita kayo sa isang site, nagpapadala ito ng cookie, isang text file para matrack ang users activity sa webpage na yon.

Ang pangawalang data naman ay ang search data. Alam naman natin kung sino ang nangunguna pagdating sa search engine, oo nga pala, para sa mga nagsabi jan na anong source ko, google lang ba, hindi po pwedeng maging source ang google dahil search engine po ito. Sana malinawan kayo jan, sa mga nagtanong.

Okay mabalik tayo, ang google, yahoo, bing at ilan pang higanteng mga search engine ay nakakita ng revenue sa kanilang services. Lalo na’t isa sila sa mga search engiune, ang kanilang data ay sobrang laki.

Ang mga search engine kadalasan ay naglalagay ng mga targeted ads kasama sa natural search results. Ito ung mga nagbabayad kay google ng adverts. Halimbawa ng search ka ng huwaei, ang makikita mo kadalasan lazada, shoppee o ibang mga tindahan na nagbebenta nito.

Ang huling dlawang data ay ang purchase at profile data. Purchase data is self explanatory, ito ung mga websites kagaya ng lazada, shoppee at iba pa na bumibili ka online. Kapag nakabili ka ng isang produkto, makikita mo sa recommended ay ang mga kaparehas na produkto na binili mo o hindi naman kaya ang mga produkto na sinearch mo nuon. Habang ang profile data naman ay kinokolekta kapag nagcreate ka ng account sa social media platform kagaya ng facebook, twitter at iba pa. Sa mga ganitong websites kadalasan tinatanong ang iyong edad, paboriting palabas, hobbies at iba pa. Ito ay binibigay sa mga kumpanya para mas maging kaayaaya ang mga advertisement na lalabas sa newsfeed mo.

So tayo ba ay wala ng kontrol sa ating nilalagay sa internet, I would say yes, dahil sa mga simpleng cookies pa lang naipapadala na ang ating impormasyon, what more ang ating mga lokasyon, edad, at iba pang mahahalagang bagay. Kaya sa mga viewers nito, bago maglagay ng personal information sa isang website, isipin nyo munang mabuti kung dapat bang ilagay iyon. Ako, kadalasan ibang info ang nilalagay ko unless required kagaya ng sa trabaho.

Hannggang dito na lang muna mga boss, sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Papaanong nasusukat ang edad ng mga fossils at artifacts?

Bakit ang ibang mga tao feeling matalino?