Aso nakakadetect ng cancer?

Reading Time: 3 minutes

Alam natin na ang mga aso ay mayroong malalakas na pang-amoy. Sa sobrang lakas ng kanilang pang-amoy, posible nga ba na makadetect din sila ng cancer gamit ang nasabing pang-amoy?

 

Nuong 2009 si Dr. Claire Guest, isang animal behaviour expert ay sinama ang kanyang 3 alagang aso para gumala. Binuksan nya ang likod ng kanyang sasakyan para makalabas ang mga ito at makagala. Ang dalawa agad na tumakbo palabas, tuwang tuwa habang ang isa, nanatili lang sa kanyang posisyon.

 

Ang asong ito ay si Daisy, isang labrador. Maya maya pa lumapit ito kay claire at binunggo bunggo ang dibdib ni clair gamit ang ilong nito. Narealized ni Claire na sumasakit ang parteng iyon na binunggo ni Daisy. Hindi dahil sa binunggo ng ilong ng aso mga boss ha.

 

Nagdesisyon si Clair na mag pacheck up at dito nya nalaman na meron syang breast cancer.

 

Dahil sa pangyayaring ito, naging confident si Clair na ang mga aso ay posibleng makatulong sa pag detect ng mga cancer. Sa katunayan isa sya sa mga nagtayo ng Medical Detection Dogs nuong 2008. Isa itong charity kung saan kinukuha ang mga inabandonang aso at tinuturuan silang makadetect ng iba’t ibang sakit.

 

Ang charity na ito ay inaprubahan ng british hopsital para sumailalim sa mga trials. Matapos ang initial trial, ang mga specially trained dogs ay successful sa pag detect ng protate cancer sa pamamagitan lamang ng pag-aamoy ng mga ihi ng mga pasyente. At hindi lang basta basta ito mga boss dahil ang success rate ng mga medical detection dogs ay nasa 93%!

 

Okay, so since na prove na natin na nakakadetect nga sila ng cancer, ang susunod na tanong ay papaano ito nalalaman ng aso?

 

Alam natin na ang aso ay may malakas na pang-amoy na kayang matect ang mga substance sa hangin na tayong mga tao ay hindi biologicaly capable. Ang mga aso ay kayang makadetect kahit kakaunting VOC o volatile organic compounds sa hangin. Ito rin ang pinaniniwalaang dahilan kung papaano silang nakakadetect ng cancer, diabetis at kahit na ang mood ng isang tao ay nadedetect din nila.

 

Sa trials nila, kung saan nadetect ang prostate cancer sa mga ihi, pinaniniwalaan na ang mga volatile molecules na ito ay associated sa tumor at ito ay narereleased kapag ang isang tao ay umihin. Ang mga molecules na ito ang naamoy o nadedetect ng aso. In a sense mga boss, ang mismong tumor ang kanilang naamoy.

 

Ang mga specially trained cancer detecting dogs ay mayroong mataas na success rate sa pagdetect ng cancer kumpara sa ibang traditional tests. Pero sympre marami paring skeptical tungkol dito. Who knows baka dumating ang panahon kung saan ang aso ay normal na nating makikita sa mga hospital.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nga ba unique ang mga fingerprints?

Bakit nilalagyan ng sapatos ang mga kabayo