Anong Silbi ng bukol sa mga kable?

Reading Time: 3 minutes

Mga boss nakakita na ba kayo ng mga wires na merong mahabang bilog sa dulo, ung bago mag saksakan, ung parang choking point. Alam nyo na abg use ng mga bilog na yan? Honestly mga boss nuong bata pa ako, alaka ko jan nakapaikot ang mga wires tapos kapag kailangan habaan, dun na lang kukuha. Although magandang idea, mali ang nasa isip ko.

Karaniwan mo itong makikita sa mga keyboards, saksakan and specially sa mga monitor cables. Ang mga bumps na ito mga boss ay tinatawag na ferrite beads o ferrite chokes. Ang goal ng mga ito kung bakit sila ginawa ay para mareduce ang EMI o electromagnetic interference at RFI, Radio frequency interference.

Ang ferrite bead ay gawa sa, well you guess it, ferrite. Ito ay mga semi magnetic na mula sa iron oxide. Kapag ginawa ang isang cable, kadasan nakakabit na ito at meron din naman nabibili na pwedeng ikabit. Kpag sinubukan mong hiwain ang ferrite bead para tingnan ang loob nito, well madidisappoint ka lang dahil ang nasa loob lang nito ay black cylinder, nothing special para sa atin, pero para sa computers and other devices, malaking tulong ito.

You see mga boss, ang mga computers ay mga maiingay na gamit, technically mga sound na hindi natin basta basta maririnig. Ang motherboard sa loob ng computer ay may tunog mula 300 to 1000 Mhz. Ang keyboard may sarili ding frequency, ang video card at iba pa. Lahat ito ay may potential na magbroadcast ng radio signals.

Ang isa pang source ng mga tunog ay ang mga cable. Ang mahahabang cable na ito ang nagsisilbing antenna para sa mga signals na kanilang dinadala. Ang mga cables na ito ay kayang maginterfere ng mga signals ng radio at TV. Posible ding magkaroon ng issue lalo na’t direcho ito sa Casing ng computer.

Ang ferrite bead ay may kakayahang pigilin ang mga broardcast signals kung saan pinapahinto nito ng mga RFI transmissions kaya kung mapapansin ninyo, ang mga ferrite beads ay laging nasa dulo ng kable.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Dunkleosteus

Bakit kapag kumakain tayo ng maaanghang na pagkain sinsipon tayo?