Ano nauna itlog o manok?

Reading Time: 9 minutes

Topics

Sa dami dami ng problema sa mundo, ang dumagdag pa dito ang pinaka matagal nang tanong ng ilang tao. Kung ikaw ay nakakita ng isang manok o hindi naman kahit anong hayop na nangingitlog; ang tanong na pumapasok sa iyong isipan “Sino ang nauna? ang itlog o ang hayop?”

Ang tanong na kadalasaan ay maririnig mo sa iilan at hindi mo namamalayan na ikaw ay napapaisip na.

Kung titignan natin, ang itlog ay mula sa manok, ang manok ay mula sa itlog. Paulit-ulit ulit hanggang magsawa ka sa pakikipagtalo kung sino ba talaga ang nauna. Ito ang tanong na nagbibigay ng isang pagkalito sa isang tao, isa itong na kung saan minsan ay sinasagot na lamang base sa iyong paniniwala. Pero teka, ang lahat ng bagay ay kailangan may basehan.

Alamin natin ang paniniwala ng ilang mga eksperto, at ilang mga philosopher patungkol sa tanong na ito. Ang tanong na ito ay mula kay Gelacio at ito ang ask bulalord.

Ancient Paradox of a Chicken:

Physicists solve an age-old conundrum: the chicken or the egg ...

Ayon sa ilang mga research, ang tanong na ito ay isang ancient folk paradox na kung saan patungkol sa isang problema at kung saan nagmula ang problema o kung ano ang dahilan kung bakit nangyari ito. Sa sulat noon ni Aristotle noong 4th century BCE, pinaniwalaan nito na ang tanong na patungkol sa manok at itlog ay isang infinite sequence na kung saan wala talagang pinagmulan.

Sa sulat naman ng isang biographer at essayist na si Plutarch, na siya din nagpasimula ng katanungan na ito; inilarawan niya ang tanong na ito bilang isang napakalaki at napakabigat na problema. Kung mayroon mang simula ang mundo o wala. Noon namang 5th century CE sinulat ni Macrobius ang mga katagang, “should be regarded as one of importance.” Kahit na para sa atin ay wala naman kwenta ang tanong, sa iba isa itong mind boggling question. Pinaniniwalaan ng mga manunulat na ang tanong na ito ay mayroong kaunting kahalagahan para sa buhay ng mga tao.

Bago matapos ang 16th century, ang tanong na ito ay sinagot at ibinase ito sa bibliya na ayon sa mga Kristyano ang isang manok ang nauna. Dahil nga naniniwala ang mga taong ito na ang lahat ng nilalang ay ginawa ng Diyos, ang manok ay unang binuo ng Diyos upang makapaglabas ng isang itlog at upang makapagparami ng kaniyang lahi. Ngunit hindi ito basta na lamang tinanggap ng ilang mga eksperto at nang ilang mag philosopher kung kaya’t ang mga ito ay naghanap ng sarili nilang kasagutan.

Naniniwala ang mga ito na mayroong sapat na paliwanag ang tanong na ito.

Amniotic Egg:

Amniote origins - Prehistoric Earth - Fossil Hunters


Ayon sa ilang pag-aaral, ang isang itlog na inilalabas ng isang reptile, ibon at iba pang mga hayop na naglalabas ng isang itlog na kanilang lilimliman ay matatawag na Amniotic egg. Ang embryo o ang pinagmumulan ng itlog ay nabubuo sa loob ng tinatawag na amnion. Ang amnion ay ang inner cellular layer na kung saan pumapalibot sa isang fluid na puno ng mga embryo sac na dinadala ng mga hayop na nangingitlog.’

Ang itlog na kanilang nailalabas ay maaring isang calcium based o hindi naman ay isang leathery.

The Science about the Question:

Quantum Physics Responds to What Came First: The Egg or the ...

Ayon sa ilang mga research, ang sagot ay maaring makita sa evolutionary biology o ang paniniwala na ang nilalang ay nagbabago sa pagdaan ng panahon. Naniniwala ang ilang mga eksperto na ang isang manok ay hindi naman talaga isang manok noong nabuhay ito, ang tumitilaok na nilalang na ito ay nagmula sa ibang hayop na kanyang kikilalanin bilang kanyang ninuno.

Ang pinaka unang amniote egg ay ang shell ang prumuprotekta sa nilalang na nabubuhay sa loob. Ang mga itlog na ito ay dapat lamang ipanganak sa isang lupa at hindi sa isang karagatan na katulad na lamang ng mga isda at nang ibang amphibians na mga nilalang na nabubuhay mula opa noong 312 million years ago.

Ayon sa mga eksperto, ang isang normal na manok ay ninuno ng isang red. Ang mga ito ay nabuhay nitong lumipas na walong libong taon o mas higit pa.

Ayon sa ilang mga pag-aaral, ang pinaka unang manok ay maaring mula sa isang genetic mutation katulad nang nasabi ko kanina. Maaring mula sa zygote na nagagawa o nailalabas ng dalawang “two almost-chickens” o hindi naman “proto-chickens” o sa madaling salita ang mga nilalang na muntikan nang maging isang manok, ngunit hindi.

Ang dalawang proto-chickens na ito ay nagtalik dahilan upang magsama ang kanilang DNA at doon din nabuo ng pinaka unang cell ng pinaka unang manok. Ngunit ang manok na ito ay hindi pa din isang ganap na manok, pero dahil pa din sa genetic mutation na nangyari sa pinaka unang cell. Ang mga mutation na ito ay kinopya ang kanilang sarili mula sa isang body cell na kung saan lumalaki na ang embryo ng tunay na manok.

Dahil sa ganitong pangyayari, lumabas na sa mundo ang pinaka unang manok.

Pero may mga ilang eksperto na naniniwala pa rin na ang manok ay mas nauna kumpara sa itlog. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga Britist scientist noong 2010, ang mga ito ay nakapagbigay ng isang saktong sagot base sa kanilang pinaniniwalaan. Gamit ang isang supercomputer, nakita ng mga eksperto ang isang protein na kinilala bilang ovocleidin-17 o Ov-17 na kung saan makikita lamang sa ovaries ng isang manok.

Ang protein na ito ang nagiging dahilan kung bakit nagiging mabilis ang pagkabuo ng isang itlog sa loob ng isang manok. Ayon sa kanilang pag-aaral, sa sandaling mabuo na ang mga itlog na ito, sa loob lamang ng bente kwatro oras ay maari na itong ipanganak o ilabas ng isang manok. Naniniwala ang mga British scientist na kung walang manok ay walang ov-17 at kung walang ov-17 walang itlog ng manok na mailalabas.

Kung titignan natin ang dalawang kasagutan na ito, babalik na naman tayo sa pinaka unang tanong na kung saan o ano nga ba ang nauna? Ayon sa isang eksperto, kahit saang angulo pa ang tignan, ang itlog ang nauna kumpara sa isang manok. Dahil nga ang pinaka unang manok ay mula sa nilalang na nag evolved lamang, ang manok ay galing pa din sa isang itlog bago ito dumami at makagawa pa ng madaming pang kauri nito.

Again, dahil nga nalaman din ng mga eksperto na ang pinaka unang manok ay hindi naman talaga nagmula sa isang tunay na manok, nalaman din natin na bago pa ito lumabas sa mundo. Ito ay galing sa isang itlog.

Mayroon naman tayong iba’t ibang paniniwala, ang ginagawa lamang ng iba ay maghanap ng ilang patunay upang mas kapani-paniwala ang pinaniniwalaan nila. Ang mga eksperto ay nakapagbigay na nang kanilang saloobin at nakapagbigay na din ng mga patunay upang masabi na ang isang manok ay mula talaga sa isang itlog.

Nasa sayo na lamang ito kung ikaw ay maniniwala io hindi.

Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan. Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://www.encyclopedia.com/science/dictionaries-thesauruses-pictures-and-press-releases/amniotic-egg
  2. https://www.encyclopedia.com/literature-and-arts/literature-other-modern-languages/spanish-and-portuguese-literature/amnion#1O6amnion
  3. https://www.wikiwand.com/en/Chicken_or_the_egg#/Ancient_paradox
  4. https://www.mnn.com/earth-matters/animals/stories/finally-answered-which-came-first-the-chicken-or-the-egg
  5. https://www.foxnews.com/science/ask-a-science-teacher-which-came-first-the-chicken-or-the-egg
  6. https://www.science.org.au/curious/earth-environment/which-came-first-chicken-or-egg

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Sino ba si Nikola Tesla?

Ang pagpupuyat ba ay may epekto sa pagtangkad ng isang tao?