Ano ba ang van allen belt?

Reading Time: 3 minutes

Ano ba ang van allen belts? Malamang sa mga moon apollo hoax conspiracist dyan narinig nyo na to, in fact isa ito sa mga pinanghahawakan ng mga consipracist kung bakit imposible ang moon landing. Pero ano nga ba ang van allen belts?

 

Ang van allen belts o van allen radiation belts ay dalawang charged particles na nakapalibot sa ating mundo. Dahil ito sa magnetic field ng mundo kaya’t ang radiation ay nanatili sa kalawakan, nakapaligid sa atin.

 

Ang magnetic field ng ating mundo ay nagisisilbing magnetic mirror na syang nagpapatalbog ng mga charged particles back and forth sa isang force line sa pagitan ng north at south magnetic poles.

 

Ang Van allen belts ay naiuugnay sa auraro borealis at aurora australis. Ito ung mga nakikita natin sa pelikula na magagandang liwanag na parang kurtina.

 

Ang van allen belts ay iniiwasan ng mga space stations at satellites dahil masisira ang kagamitan nito dahil sa charged particles over long exposure.

 

Nuong late 19th at early 20th century, ilang mga scientist kagaya nina Carl Størmer, Kristian Birkeland, and Nicholas Christofilos ang nakaisip ng posibilidad na merong charged particles na nakapalibot sa ating mundo. Take note mga boss, hindi pa alam na meron talaga. Dumating ang 1958, dito nakumpirma na totoo ang hinala ng 3 scientist sa tulong ng mga satellites na pinadala ng mga kano. Ang explorer 1 at explorer 3.

 

Ang project na ito ay pinangunahan ni Dr. James Van Allen ng University of Iowa at dahil dito, ang charged particles ay pinangalan sa kanya. After all,he is the one who discovered it, ung 3 scientist only speculated.

 

Mayroong 2 van allen belts mga boss. Ang inner at outer van allen belts. Ang inner van allen belt ay mayrhoong highly charged protons. Ang highly charged protons na ito ay kayang pasukin ang 1 milimiter ng lead at posibleng makasira ng kagamitan ng astronauts over long exposure. Habang ang outer belt naman ay mayroong energetic electrons.

 

Alam ko bitin ang impormasyon nyo, we are discussing only the van allen belts. Kung papaano ito nabuo at ano ito. Meron po tayong moon landing hoaxed video at duon po inaddress po natin yang hoax na yan.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang 4 states of processing ng mga CPU?

47 Ronin