Ano ba ang panaginip?

Reading Time: 4 minutes

Ano nga ba ang panaginip? Naranasan na natin ito, sobrang himbing ng tulog tapos nasa isang panaginip na pakiramdam mo totoo talagang nangyayari at some point may mga naglalakad pa. May mga bangungot din na nagbibigay sa atin ng malalamig na pawis at mabilis na pagtibok ng ating puso, o hindi naman kaya isang masayang panaginip kasama ang paborito mong artista. Ayon kay sigmund freud, ang panaginip ay bintana ng ating unconcious minds at binigyang linaw ito ng modernong pag-aaral.

So ano nga ba ang panaginip? Generally speaking mga boss, ang mga panaginip ay mga imahe, tunog, boses, iniisip at sensasyon na ating nararamdaman pag tayo ay natutulog. Pwede mong mapanaginipan ang mga taong nakilala mo o hindi mo kilala, ang mga lugar na napuntahan mo o hindi mo pa napupuntahan. May mga pagkakataon pa na mapapanaginipan mo ang nangyari nuong araw na yon. Kasama din dito ang nga deepest secrets o darest fear mo pati na rin ang mga pantasya mo sa buhay.

In short mga boss, wala itong limit, lahat pwede mong mapanaginipan. Walang trend, walang reason basta mapapanaginipan mo na lang ito. Ang mga stress sa ating buhay ay posibleng mag manifest sa iyong panaginip, katulad na lamang ng hinahabol ka ng isang mabangis na hayop, o hindi naman kaya isang tao. Ang humahabol sayo ang naglalarawan ng stress, kung sakali naman nanaginip ka na nakakulong sa isang madilim na lugar ay posibleng naglalarawan na hindi ka makawala sa kalagayan mo, posibleng relasyon, trabaho o sakit.

Ang mga panaginip ay kadalasang nangyayari sa stage ng REM o rapid eye movement. Ito ang punto na nasa malalim ka nang tulog. Kapag ang mata mo ay mabilis na gumagalaw, ang iyong paghinga at tibok ng iyong puso ay magiging inconsistent at dito na papasok ang paralysis para hindi mo masaktan ang iyong sarili kapag nanaginip ka. Sa mga bago pa lang po na nanonood, gumawa po ako ng video regarding sleep paralysis. Pasearch na lang po sa channel o kaya icheck ang description.

Pinaniniwalaan na lagi tayong nanaginip subalit hindi natin ito maalala ng tuluyan. Considering na nanaginip tayo ng maga 6 to 8 hours kada gabi pero pag gising mo iilan lang ang maalala mo dito. Pero kapag nagising ka during an R.E.M cycle, mas maaalala mo ito ng mabuti.

Ang mga eksperto ay naniniwala na ang pag gising ay may malaking impact sa ating mga panaginip, pero hindi nila alam kung gaano ito kaepektibo o consistent sa tao. Sa isang pag-aaral, ang mga participants ay pinasuot ng red goggles bago matulog at ayon sa kanila nuong nanaginip sila, mas marami silang naalalang kulay pulang imahe.

Ayon naman sa isang teorya, ang panaginip ay ang pagsubok ng ating utak na intindihin ang mga meaningless stimuli, ung mga random messages sa ating utak. Ang iba naman nagsasabi na ang panaginip ay ang pagpapadala ng utak natin ng mga signals habang inaayos ang ating mga ala-ala sa araw na yon. Ang problema sa mga theory na ito ay hindi pwedeng ma prove o madisprove ang bawat isa. Posibleng ang ating mga panaginip ay ang mgacombination ng nasabing theorya.

Marami pa tayong hindi alam sa ating sariling utak, papaano ito nagooperate, ang paggising oo pagtulog nito para mapinpoint kung ano talaga ang mga panaginip at kung ito ba ay makabuluhan sa ating pang-araw araw na buhay. Sabi nga ng kanta, dream on.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit tayo nagsasabi ng bless you?

Bakit tayo na LSS?