Ano ba ang leprechaun?

Reading Time: 4 minutes

Ano ba ang leprechaun? Ang iba pamilyar na sa atin dito, ang iba napanood na sa mga pelikula. Sabi pa nila sa dulo daw ng bahaghari ay mayroong pot of gold poer andito rin ang leprechaun.  Ang mga leprechaun ba ay mga fairies, spirits, dwarves o halimaw? Anong nilalang ang mga ito. Mga boss, overview lang po ito. Pwede pa po tayong magkaroon ng longer videos patungkol sa iang topic especially around mythology.

 

Ang leprechaun ay isang mythical creature ng irish folklore. Isa itong elf o faire na nakitara sa pagitan ng physical at spiritwal world. Fun fact pala mga boss, walang babaeng leprechaun, lahat sila mga lalaki ayon sa irish folklore. Alam ko na ang nasa isip ninyo, papaano sila dumadami? para ba silang gremlins na pag naulanan dadami? Ang mga leprechaun ay hindi katulad natin pagdating sa sexual reproduction. Ang mga ito ay mahilig manigarilyo, uminom at paminsan minsan nakikisalamuha.

 

Ang mga leprechaun ay mga pungok, sila ay may raas na 24 inches lamang. Mayroon itong pulang buhok at laging nakasuot ng sumbrero. Meron din itong pointy ears na karaniwan nating nakikita sa mga elves at dwarves. Meron din silang malapatilya ni FPJ, at may makapal na balbas. Meron din itong fair skin, mapula ang kanilang mga pisngi at ilong.

 

Ang suot nito ay moslty green at may mga pagkakataon na merong mga leather apron. Lahat ng leprechaun ay mayroong itim na sapatos at mind you, lagi itong malinis. Meron din silang silver na sinturon. Sila ay eksperto pagdating sa pagaayos ng mga sapatos. Ayon sa kwento, ang mga sapatos na nakikita natin sa mga ibang fairies ay sila ang maygawa.

 

Ayon pa sa kwento, nuong sinakop ng mga danes ang ireland, inutusan ng mga ito na bantayan ng mga leprechaun ang kanilang ginto. Kaya pinaniniwalaan na kapag nakakita ka ng isang leprechaun at sinundan ito, makakakita ka ng ginto sa likod ng bahaghari.

 

Kagaya ng ibang mga kwento, susubukan ka nitong suhulan. Bibigyan ka nito ng dalawang pouch, ang isang pouch may gintong barya habang ang kabila ay may pilak na barya. Ang pilak na barya ay paulit ulit na babalik sa pouch kung saan ito nakalagay, meaning to say, kapag pinili mo ang pilak na barya, magkakaroon ka ng cheat code, unlimited money dahil kapag ginamit mo ito, babalik ulit ito sa pouch na parang isang kalapating batcher. O mga nagbebenta ng kalapati may shout out na kayo. Namiss ko na mga comment nyo.

 

Ang gintong barya naman ay mawawala kapag ang leprechaun ay nakapagtago na. Kapag ang leprechaun ay nacorner kadasalan magbibigay ito ng 3 kahilingan pero sympre puro lang ito trickery o panggagantso.

 

Pinaniniwalaan ng mga leprechaun na ang mga tao ay mga sakim at hinding hindi ito magpapahuli sa mga tao. Kaya naman kapag sila ay nacorner, gagawa at gagawa ito ng paraan para matanggal ang tingin ng isang tao sa kanya at pag nangyari un, bigla na lang itong mawawala.

 

Bukod sa shoemaking, ang mga leprechaun ay naiuugnay din sa luck o swerte at sa 4 leaf clover.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Chronovisor?

Sino ang nakaimbento ng pagsusulat?