Ano ba ang iba’t ibang klase ng artificial intelligence na meron ngayon?

Reading Time: 3 minutes

Ang AI o aritificial intelligence ay lumalaki na habang tumatagal ang panahon pero alam nyo ba na meron pa lang iba’t ibang klase ng aritificial intelligence na nasa merkado na ngayon?

 

Ito mga boss ang mga robotics, voice recognition systems at mga smart computer systems. Ang AI ay ang isang computer system na gumagamig ng logical process para matuto at magimprove base sa environment nito at ang mga maling nagawa.

 

Ang mga mordernong robot ay mayroon ng mga environment sensors na kayang malaman ang mga pampasabog at mga iba pang delikadong bagay.

 

Ang isang basic na AI robot na matatagpuan natin sa mga ibang bahay especially sa america ay ang automatic vacuum. Ang AI na ito ay inaalam ang mga pasikot sikot sa bahay, technically speaking gumagawa ng mapa. Ang automatic vacuum cleaner ay isang device na natuto base sa pagtama nito sa isang bagay. Kapag ito ay bumunggo sa isang pader o isang bagay halimbawa ref, ilalagay nya ang coordniates nito kaya sa susunod na paglilinis, hindi nya na ito mabubungo pa.

 

Ang isa pang AI tchnology ay ang mga voice recognition systems. Ito ang pinakamabili sa mercado. Karaniwan na natin itong nariring, sa computer natin, sa cellphone at kahit sa kotse. Ang voice recognition AI ay isa sa mga pinakamahirap gawin dahil meron itong specific characteristics na mahirap ma decipher. Ang mga modern voice recognition ay nalalaman ang mga commands base sa pananalita ng nagmamay-ari dito.

 

Ang chat bots ay isa ring klase ng aritificial intelligence at karaniwan natin itong makikita sa mga social networking sites. Ito ay mga computer automated na natuto base sa pakikipagchat nito sa mga totoong tao. Isa na dito ang clever bot.

 

Ang smart computer system ay isa rin dito. Isang gamit dito ay ang navigation. Halimabawa ang waze o google maps. Ang navigation system ang nagbibigay sa atin ng direksyon kung saan ang tamang kalsada na dadaanan natin, may mga options pa na iwasan ang mga toll gates. Kung sakaling magkamali ang isang driver at sumobra ng isang kanto, ang AI ay magrerecalculate kung saan ito pwedeng mag uturn o pwedeng lumiko na lang muli.

 

Ang artifical intelligence ay paganda na ng paganda sa panahon natin ngayon at eventually kahit iniisip pa lang natin ay mababasa na nito. Who knows baka mangyari nga yon. Kahit na ang mga AI ay matatalino at mabibilis, hindi pa rin nito matatalo ang kapasidad ng utak ng isang tao. Dahil ang AI ay kaya lamang matuto sa limited spectrum habang ang ating utak ay kayang magprocess ng thousands of variables para masolve ang specific problem.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pyramid nakita sa Antartica?

Bakit tumatakbo tayong nakatiklop ang mga kamay?