Ano ang usog?

Reading Time: 12 minutes

Topics

Kung tayo ay mapupunta sa isang bahay ng isang kamag-anak, kakilala o di naman kaya ay kaibigan. Palagi natin naririnig ang salitang usog o ung sinasabing “Pwera Usog”. Halos lahat ng pamilya sa bansang Pilipinas ay alam ang bagay na ito. Mula sa sanggol at minsan ay pwede din sa mga matatanda.

Ngunit ano nga ba ang maaring mangyari kung sakaling mausog ang isang tao? Paano ba ito nagagawa? Ito ba ay nagagamot? Saan ito nagmula? Bakit kailangan lawayan kapag nauusog tayo? Ang tanong na ito ay mula kay Blue Red at ito ang Askbulalord.

Usog:

Ayon sa ilang paghahanap patungkol sa ilang impormasyon sa bagay na ito, ang usog ay nakikila mula sa iba’t ibang pangalan mula sa probinsya ng bansang Pilipinas. Ang tawag dito ay Balis, Hinsuokan at Buyag. Iba-iba man ang tawag sa bagay na ito, iisa lamang ang pinaniniwalaang sintomas na dala nito. Kung ang isang bata o ang isang sanggol ay nausog, ito ay iiyak ng walang dahilan. Para naman sa mga bata, ang ilang sintomas ay maari itong lagnatin, pagsakit ng tiyan at di kalaunan ay magkakasakit.

Tulad nga ng nasabi ko kanina, hindi lamang ito para sa mga bata at sanggol. Kahit ikaw ay malaki at matanda na, pinaniniwalaan na maari ka pa din tamaan ng bagay na ito. Ang ilang sintomas nito para sa mga matatanda ay mga biglaang pagsusuka, biglaang pagsakit ng ulo, pagkahilo at malala ay maari din itong lagnatin. Ngunit dahil pinaniniwalaan na ang isang bata ay mahina dahil ito ay bago pa lamang sa mundo, sila ang madalas tamaan neto.

Kahit na tayo ay nasa makabagong panahon na, ang bagay na ito ay patuloy pa ding pinaniniwalaan ng mga matatanda sa bawat pamilya. Ang paniniwala patungkol sa bagay na ito ay mula pa noong unang panahon, naipasa nang naipasa sa bawat henerasyon; kaya’t hanggang ngayon ay buhay na buhay pa din ang paniniwala patungkol dito.
Sa matagal na panahon, iba’t ibang pang-gamot na din ang nasabing maaring gamitin upang gumaling mula sa sakit na ito.

Evil Eye:

Ang “Evil Eye” ay isang kakayahan na maaring makapanakit ng kapwa ng hindi mo inaasahan. Sa isang tingin lamang ay maari nang magkaroon ng masamang epekto sa taong iyong tinitignan. Ayon sa research, ang evil eye ay isang paniniwala mula pa noong unang panahon mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Mula sa Greece, Rome, Jewish Islamic, Buddist at mga Hindu. Ang mga tao sa bawat probinsya at mga tagong lugar mula sa mga bayan na ito ay matibay ang paniniwala sa nagagawa ng evil eye.

Ayon sa paniniwala, ang mga taong nakakagawa ng bagay na ito ay mga hindi kilalang tao; mga taong may kapansanan sa katawan; mga babaeng hindi nabiyayaan ng isang anak at mga babaeng matatanda. Ayon sa paniniwala, ang pagkakaroon ng ganitong mata ay hindi kagustuhan ng kung sino man ang mayroon neto. Dahil minsan ang ilang tao’y napapatitig nang hindi nito napapansin at nagagawa nila ito.

May ilang kwento patungkol sa nasabing mata, halimbawa na dito ang kwento ng isang lalaki. Ayon sa isang kwento, binulag neto ang kanyang sarili dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang mga anak; at iba pang mga taong malalapit sa kanya.

Mula sa iba’t ibang kultura, nakagawa na ang mga ito ng ilang proteksyon upang hindi tablan ng masasamang mata. Mga anting-anting, ilang mga panabit sa pinto at ilang orasyon.

How does it works:


Ang tanong ay paano ba natin nakukuha ang isang usog?

Ayon sa ilang paniniwala, ang bagay na ito ay nakukuha mula sa iisang tao lamang. Halimbawa na lamang kung ikaw ay babatiin ng isang tao, nang bagong kakilalang mo lamang. Ayon sa isang research na mula sa mga aeta na galing sa Pampanga, ito ay isang malakas at masamang enerhiya na naipapasa sa paraan ng pagbati, paghawak at pagtingin.

Halimbawa na lamang, makikita ka nang iyong tita o mga bagong kakilala ung tipong kaibigan ng mama o papa mo tapos bigla kang pinakilala. Matapos ang ilang oras, mararamdaman na ang ilang sintomas. Ang isang pagtitig ng isang tao sa kanyang kapwa ay maaring pagsimulan ng usog, kahit hindi niya ito naawakan. Gamit ang mga mata maari mo ng maipasa ang isang masamang enerhiya.

Tulad ng paniniwala patungkol sa Evil eye, ganito din ang paniniwala ng mga matatanda. Ngunit ang usog na pinaniniwalaan dito sa pilipinas ay hindi nakakamatay. Well, kung malala para sa isang sanggol at hindi nalunasan kaagad ay maari itong maging dahilan ng pagkasawi neto.

Ayon sa mga matatanda maari din makaramdam ng ilang panlalamig sa katawan, ito ay ang pinagpapawisan ka ngunit malamig ang lumalabas na pawis sa iyo. May ilang mga paniniwala na huwag tayo babati kung tayo ay pagod dahil baka tayo ay maka usog ng isang tao o isang sanggol. Dahil pagod ang ating katawan mula sa paghawak at pagtitig sa isang tao, maari natin maipasa ang ating pagod dito.

May ilang pananaliksik na nagsasabing ang isang usog ng tao ay namamana mula kanilang magulang. May ilan namang, hinid nila alam na mayroon silang kakayahang mang-usog; dahil ang kakayahan na pang-uusog ay maaring makuha kung ang isang tao ay nadapuan na neto.

Sa madaling salita, kung ikaw ay nausog na; maari ka na ring makausog ng iyong kapwa.

Ayon sa ilang pananaliksik, hindi sadya ang pagbibigay neto. Hindi tulad ng ilang paniniwala upang mabigyan ng sakit ang isang tao, taliwas ang usog dito. Dahil hindi ito sinasadya, kung minsan ay nahihirapan hanapin kung kanino ito nagmula. May ilang paniniwala na hindi lamang tao ang maaring makapagbigay ng isang usog, ayon sa iba; maari din itong maibigay ng isang enkanto.

May ilang pagtatalo na ito ay maaring galing din sa isang maligno at mga engkanto. Tulad na lamang ng mga Duwende, kapre at iba pang mga kakaibang nilalang. Ngunit ayon sa iba, ang isang usog ay maibibigay lamang ng isang tao.

Cure:

Dahil ang usog ay hindi sinasadyang bagay, at mahirap hanapin kung kanino ito nagmula. Gawain na ng mga magulang, sa pagpasok pa lamang ng sino mang bisita sa kanilang bahay ay nagsasabi na sila ng mga katagang “Pwera usog” o di naman ay “Prewa Buyag”. Sa pagsasabi neto, maaring malayo ang sanggol mula sa masamang enerhiya upang hindi magkasakit. Kung minsan naman ay bago umuwi, pinapalawayan nito ang sanggol sa bawat bisita.

Teka, ang pagpapalaway ay hindi pagdila o pagdura ha, naalala ko nun lawayan daw sanggol tapos ikaw naman tong si kulokoy lalabas mo ung dila mo at didilaan talaga..

Well, kailangan lamang basain ng taong may usog ang kanyang isang daliri ng kanyang laway at ipapahid na ito. Ang ilan naman ay nagpapa-ihip sa bunbunan upang hindi na ito malawayan pa. Ang pagpapalaway sa pusod o sa noo ay isang paraan upang malayo sa usog, well matagal na itong paniniwala. Aminin mo na nagawa na ito sa’yo noong bata ka pa o di kayay pinagawa na ito sayo ng kakilala o kaibigan mo.

May kasabihan tayong mga Pilipino ewan ko kung pamilyar kayo, na aamo ang isang tao kapag nalawayan mo. Marahil ito ang dahilan kung bakit nilalawayan ang isang nausog. Lahat tayo ay mayroong sari sariling magnetific field. Pinaniniwalaan na kaya nauusog ang isang tao ay dahil sa mahina ang magnetic field nito nung mga oras na yon. Pero bulalord kung magnetic field bakit kapag nilwayan eh gumagaling. The answer would bne exposure, dahil nga sa nagkaroon ng distortion ang magnetic field ng taong nausog, kappag lumapit muli ang nakausog ditto, makakaadjust na ito at maibabalik sa dating stable magnetic field, hence gumagaling ang isang bata o nausog. In short, hindi mo kailangan lawayan ang isang sanggol o tao, lumapit ka lang kung ikaw ang nakausog then voila. Pero again, this is just a hypothesis, hindi pa ito proven but it holds a valid argument.

Ang ilang mga amulet at ilang mga maliit na gamit na isinusuot sa mga sanggol ay ginagawa din ng ibang mga magulang pangontra sa usog. Gamit ang mga amulet na ito, hindi lamang ang usog ang mapipigilan neto, kahit anong klase pa na nilalang maaring lumapit sa mahinang bata yaan ang paniniwala ng ating mga magulag at mga ninuno.

Ayon sa ilang pag-aaral, para sa mga bata naman na nausog. Dahil hindi malilikot at hindi na alam ng mga magulang kung sino man ang mga nakakasalamuha ng kanilang anak. May ilang paniniwala na maari itong painumin ng isang espesyal na halamang gamot.
Para sa mga aeta, ito ay ang kanilang kinikilalang “Amyong”. Ito ay gawa mula sa balat ng isang punong kahoy. Maari itong pakuluaan sa tubig at maari nang ipahid sa isang bata pero sympre hindi ung pagkatapos kumulo ipapahid agad, naku gulpi de gulat ka sa asawa o nanay mo pag ginawa mo yan.

Ang puno kung saan nakukuha ang Amyong ay hindi sinabi, ang paglalarawan lamang dito ay hindi ito minsanan lamang kung mamunga, isa pa ito ay mayroong kakaibang amoy. Ang isa pa sa kanilang pinang-gagamot ay ang tinatawag na “Dalaw”, tulad ng Amyong, ito ay mula din sa isang puno na maaring ipanggamot sa ubo. Ang iba ay gumagamit ng dahon ng bayabas na mas kilalang panggamot sa kahit anong sakit. Papakuluan lamang sa tubig ay maari na itong inumin ng kahit sinong may sakit.

May ilang paniniwala na, kung hindi pa gumaling ang isang tao gamit ang mga halamang gamot na ito. Maaring komunsulta sa isang albularyo again, ito ay paniniwala. Para sa mga hindi nakakakilala ng isang albularyo, ito ay isang tao na maalam sa orasyon, ilang ritwal at iba pang gawain kung ikaw ay mayroong kakaibang sakit na hindi nagagamot ng siyensya.

Titignan at oobserbahan nito ang isang tao, gamit ang ilang langis, kandila at tubig. Malalaman neto kung sino mana ang nakausog sa bata.

Ang ilang mga paalala na ito ay hindi namang masamang gawin. Ang mga ito ay kasama na natin mula pa nong tayo ay bata at hanggang ngayon ay ating pa din nakikita sa iba. Kahit na ayaw mong magpalaway , wala kang magagawa ngunit sumunod na lamang sa iyong mga magulang.

Ngunit paalala lamang na kung ang isang bata o sanggol ay nakitaan ng anumang sintomas ng isang sakit, maari na itong dalhin sa isang ospital o di naman clinic upang ma check up kaagad. Hindi naman sa hindi tayo naniniwala sa ating sariling kultura ngunit mas mabuti na din ang makasigurado. Painumin agad ito ng ilang gamot upang gumaling at hindi na lumalala pa ang nararamdaman neto.

Mas mabuti pa din na humingi ng tulong sa isang ekperto sa sakit upang malaman ang tunay na dahilan at makita pa ang ibang komplikasyon na mayroon ang iyong anak.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss blue red. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  1. https://www.onetribeapparel.com/blogs/pai/meaning-of-the-evil-eye-symbol
  2. https://www.britannica.com/topic/evil-eye
  3. https://sigma.nursingrepository.org/bitstream/handle/10755/623747/Martinez_Usog_Aetas_Manuscript.pdf?sequence=3&isAllowed=y
  4. https://www.academia.edu/27482819/Ang_Paniniwala_sa_Usog_mula_Noon_hanggang_sa_Kasalukuyan

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit laging may butal ang presyo sa mga mall?

Psychedelic experience