Ano ang Trojan Horse?

Reading Time: 2 minutes

Karamihan sa atin pamilyar na sa trojan horse. Hindi ung sa greek story ha, ang trojan horse na tinutukoy ko ay ang malware. Bakit ba ito tinawag na trojan horse bakit hindi malware horse?

 

Well mga boss ito ay dahil sa function ng nasabing malware. Ano ba ang story ng greek regarding trojan horse? hindi ba binigyan ng greek ang mga trojans ng kabayong gawa sa kahot bilang peace offerring, unknowingly sa loob nito ay mayroon palang mga sundalo ng greek.

 

Ganitong ganito ang trojan horse malware, magpapakita sayo ito bilang application kadasalan nagdidisguise bilang isang program para linisin kuno ang iyong pc pero ang gagawin nito ay iinfect ang pc mo.

 

Sa mga hindi pamilyar, ang trojan horse ay hindi virus. Magkaiba po sila. Ang virus ay nirereplicate ang sarili nito habang ang trojan horse ay hindi.

 

Kapag naactivate na ang application, magkakaroon na ito ng access sa mga files, folders at buong computer system mo. Kadalasan gumagawa ito ng backdoor o trapdoor kung saan dito dumadaan ang impormasyon para ipadala sa gumawa ng application na yon. Kadalasan mga personal information ito.

 

So papaano mo mapprotektahan ang iyong pc dito? Simple lang, wag kang maginstall basta basta. Ang trojan horse ay hindi magkakaroon ng access unless pinayagan mo ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nagiging brown ang mansanas kapag binalatan?

Ano ang Guardian Angel?