Ano ang Solar energy?

Ang araw ang pinakamalaking source of energy sa ating solar system. Gaano kalaki i hear you ask. Well to put it into persepective, ang ating mundo ay nakakatanggap ng 430 quintillion joules of energy mula sa araw kada oras yan mga boss. 430 with 18 0’s yan mga boss at per hour yan. Ganyan kalakas ang araw.

 

Kung icocompare natin, base sa US department of energy, tayong mga tao ay kumukunsumo ng 410 quintillion joules sa loob ng isang taon. So alam na natin na sobrang lakas ng araw pero papaano natin nahaharness ang power nito.

 

We have 2 methods mga boss, ang photovoltaic technology at ang thermal tecnology. Let’s start with photovoltaic first.

 

Nakakita na ba kayo ng mga solar panels? Kadalasan nakalagay ito sa mga pabrika, sa mga bubong o hindi naman kaya sa mga rooftop ng isang building. Ang kanilang main purpose ay kuhanin ang init mula sa araw at gamitini ito para mabuksan ang ating mga appliances, ang tanong eh, papaano ito nangyayari, anong meron sa mga solar panels na ito? Hindi naman pwedeng gumawa tayo ng isang window like solar panel at gagana na, so anong sekreto nito?

 

Photovoltaic Cells o PV cells, yan ang sekreto ng mga solar panels. kung saan ang liwanag ng araw ay macoiconvert sa electricty. Ang solar panel ay punong puno nito at bawat cell ng photovoltaic ay mayroong silicon atoms na nakakapagpakawala ng electron kapag ang sinag ng araw ay tumama dito.

 

So in laymans term mga boss, ang liwanag ng ating araw ay mayroong mga maliliit na particles na tinatawag na photons, ang photons ay capable na maalis o maknock off ang electrons sa silicon atoms ng photovoltaic cells.

 

Ang mga electrons na ito ay kayang magproduce ng DC o direct current. Pero sympre halos karamihan sa ating mga appliances ay AC o alternating current. Kaya’t para magamit ang enerhiya mula sa mga solar panels kailangan maiconvert ito mula DC papuntang AC. Dito na papasok ang tinatawag na Inverter mga boss.

 

Ang inverter ay kukuhanin ang mga excited electrons na gumawa ng DC current at icoconvert papuntang AC at ito ay magagamit na ng ating appliances. Kaya lang ang problema, pag walang liwanag ng araw, ibig sabihin walang extra power. Dito naman papasok ang battery mga boss.

 

Karaniwan sa mga solar panel set up ay kadalasan may sariling battery kung saan dito naiipon ang power na nakukuha mula sa sinag ng araw.

 

Ang pangalawa ay tinatawag na thermal technology and i’ll be honest, firt time kong marinig ito. Kung ang photovoltaic ay mayroong solar panels ang thermal technology ay mayroong flat plate at evacuated tube.

 

Ang flat plate, as the name suggest ay isang dark flat plate absorber na mayroong heat transport liquid habang ang evacuated tube naman ay mayroong evacuated glass tubes na mayroong absorber plate at transfer fluid.

 

So papaanong gumagana ang thermal technology i hear you ask. Altho magkaiba ang pangalan at itsura ng dalawa, halos same lang ang process nito. Ang liwanag ng araw ay papainitin ang solar collectors at ang solar collectors naman ay papinitin ang tubig o liquid na dadaloy dito. Ang mainit na liquid ay papasok sa heat exchanger liquid na nakalagay sa isang water tank. Matapos malipat ang init ng tubig sa tanke, uulitin nito ang process at dadaan muli sa solar collector para uminit hanggang ang desired temperature ay maachieve.

 

Pero just to be clear mga boss, walang electricity na mapproduce sa thermal technology. Dahil ang gingawa lang nito ay pinapainit ang tubig which can save energy lalo na pag nasa malamig na lugar ka. Sympre imbes na magpainit pa ng tubig gamit ang apoy o elektrisidad, ang araw na mismo ang magpapainit dito.

 

Ang solar energy ay isang napakalakas na source of energy at habang tumatagal ang panahon mas nahaharness natin ng mabuti ang enerhiya ng araw. Who knows, baka in the near future 100% na nating maharness ang energy nito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

One Comment

Leave a Reply

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit ba gustong gusto natin ng tsismis?

Bakit nga ba unique ang mga fingerprints?