Ano ang silbi ng Philtrum?

Reading Time: 10 minutes

Topics

Philtrum, ito ang bagay na makikita natin sa pagitan ng ating ilong at labi. Ayon sa ilang paniniwala, ang bagay na ito ay mayroong mahalagang kwento. Para sa iba, ito ay isa lamang bagay na parte ng ating mukha mula pa noong tayo ay ipinanganak. Sabi ng iba wala itong silbi.

Ngunit ano ba ang kwentong patungkol sa bagay na ito? Ang tanong na ito ay muka kay john laterus at ito ang ask bulalord.

Angels:

Are Angels Real? How Do We Know?

Ayon sa Jewish Lore, ang anghel na ito ang kinikilalang angel ng gabi. Ito din ang ginawang tagapag bantay ng mga ispiritong malapit nang ipanganak sa mundo. Ayon pa sa ilang paniniwala, ang anghel na ito ay nakipag laban kay Abraham noong kalabananin neto ang apat na hari na sina Amraphel of Shinar, Arioch of Ellasar, Chedorlaomer of Elam, at Tidal of Goiim

Ayon sa Jewish Telegraphic Agency, kahit na pinaniniwalaang karamihan sa mga anghel ay walang kasarian. Si Lailah ay inilalarawan bilang isang mahinhin na anghel.

Ayon sa paniniwala, ang anghel na si Gabriel ang nagsisilbing kaliwang kanan ng Diyos.Si Gabriel ang nagsisilbing ruler ng mga cherubim o mga maliliit na anghel at nagsisilbing taga protek ng Garden of Eden.Idagdag pa sa katungkulan ni Gabriel ang pagiging anghel ng Annunciation at Resurrection.Ito din ang kinikilalang Prince of Justice at ang magpapatunog ng trumpeta sa panahon ng paghuhukom.

Ang Archangel na ito ay anhel din ng  mercy, vengeance, death, revelation, purification, guidance at prophecy.

So anong silbi ng 3 ito sa philtrum? Wala lang, trip lang naming ilagay ditto. Joke lang, ikaw naman high blood ka agad. Next slide na nga.

Ayon sa paniniwala, ang philtrum ng isang tao ay hindi lamang basta tumutubo sa ating katawan. Ayon sa kwento, ito ay bigay ng isang anghel, ang anghel na si Lailah. Pinaniniwalaan na ang mga ispiritong binabantayan ni Lailah ay kanyang tinuturuan. Itinuturo neto ang buong kaalaman patungkol sa Torah na kung saan nakalagay ang mahahalagang turo at kailangan gawin ng isang tao. Matapos niyang ituro ito, kung ang isang espirito ay kailangan nang ipanganak; bibigyan niya ito ng isang maliit na kandila upang maging gabay sa madilim na lugar at marating ang dulo neto na makikita ang isang liwanag.

Pinaniniwalaang, matapos maipanganak ng isang bata, si Lailah ay nakabantay upang tapikin ang pagitan ng ating labi at ilong. Sa pagtapik niya dito, ang buong ala-ala ng isang bata patungkol sa lahat ng bagay at turo bago ito ipanganak ay mawawala. Pinaniniwalaan din na ito ang nagiging gabay ng mga kaluluwa matapos mamatay, upang ipanganak muli sa ibang mundo.

May ilang paniniwala din na ang gumawa ng philtrum ay ang anghel na si Gabriel. Tulad na lamang ng paniniwala patungkol kay Lailah, tinuturuan din ni Gabriel ang mga espirito ng mga batang nasa sinapupunan pa lamang. Itinuturo nito ang mga sikreto patungkol sa kalangitan, bago pa ito maipanganak hahawakan ni Gabriel ang itaas ng labi upang hindi maala-ala ng espirito ang lahat hanggang sa ito ay mamatay.

Person and Philtrum:

What is the difference between a nasal septum and philtrum? - Quora

Kung ang mga eksperto ang tatanungin kung bakit halos lahat ng tao ay mayroon ng bagay na ito ay walang siguradong sagot. Hindi alam kung ano ba talaga ang Main purpose neto para sa ating katawan.

Ayon sa natural wellness, para sa mga philtrum enthusiast ito ay mayroong nagagawa para sa ating katawan. Well, para lang naman sa mga taong ito. Ayon sa mga taong ito, ang philtrum ang nagsisilbing gabay upang maramdaman natin ang pagkain na madidikit sa labi ng isang tao. Nakakatulong din daw ito upang tumaas ang pag-articulate at upang ma stretch ng maayos ang ating bibig at labi. Sa tulong neto, mas malawak ang ngiting magagawa ng ating labi.

Ngunit hindi lahat ay nabiyayaan ng philtrum, well marahil ay mayroon ngunit hindi ito makikita dahil sa kanilang kalagayan. Tulad na lamang ng mga taong mayroong cleft lip o hare lip, na kinikilalang developmental problem. Ang mga taong ito ay hindi nakikitaan ng isang maayos na philtrum, mayroon sila ngunit hindi ito nabuo ng maayos.

Cupid’s Bow and Philtrum:

Why Cupid's Bow Procedures Are The Next Generation Of Lip ...

Ayon sa paniniwala patungkol sa tunay na katauhan ni Cupid, isa itong cherubim na mayroong dalang pana at sibat. Ngunit ayon sa paniniwala ng mga Griyego, si Cupid ay ang kinikilala nilang Diyos ng pag-ibig na si Eros.

Ang ilang mga kwento patungkol sa Diyos ng pag-ibig na palagi netong dala ang kanyang gintong pana at ang kanyang mabigat na pana.Ang gintong pana ay para pagsimulan ng matinding pagka-gusto sa isang bagay, habang ang mabigat na pana ay para naman pagsimulan ng pagkamuhi.

Ang Diyos na si Eros ay inilalarawan bilang mapaglarong Diyos, maging ang mga Diyos ay kanyang nagiging biktima.Pinapana niya ito ng gintong palaso upang magka-guato ito sa isang mortal na nabuibuhay sa lupa.Ayon sa paniniwala si Eros ay isang napakagandang lalaki na walang tao o isang Diyosa ang makakatanggi dito.

Kung ang mga griyego ang tatanungin, ang philtrum ay nagmula sa Greek word na “philtron ” na mula sa “Philein” na ang ibig sabihin ay To love at To kiss.

Ayon sa Hub Pages, ang pagkakaroon ng isang mahaba at malalim na philtrum ng isang babae o isang lalaki ay isang katangian upang masabi na ito ay kaakit-akit. Dahil a ng Philtrum ay nakakatulong upang mas mapansin ang labi na mayroon ang isang tao.

Lagi nang kasama ng Philtrum ang pagkakaroon ng tinatawag na Cupids Bow. Ang cupids bow ay ang korte ng labi ng isang tao na kaparehas ng pana ni Kupido. Para sa nakakararami, ang tawag dito ay pagkakaron ng kissable lips.

Ayon sa ilan, ang pagkakaroon ng ganitong korte ng labi ay nangangahulugan na ang isang tao ay malikhain at very productive o madami ang magagawa sa kanyang buhay. Ang taong ipinanganak na mayroong ganitong katangian ay natural na maganda, at matalino at pinaniniwalaan din na ito ay pinagpala sa kaniyang buhay.

Ayon sa pag-aaral, halos 0.4 percent lamang sa populasyon ng buong mundo ang mayroon ng ganitong labi. Sadly wala ako nyan.

Smooth Philtrum:

Examples of the FAS facial phenotype (small eyes, smooth philtrum ...

Ang ilan namang mga kaso ng mga tao na walang philtrum o smooth philtrum ay naiuugnay sa isang disorder. Ito ang Fetal Alcohol Disorder o FAS. Habang lumalaki ang isang taong mayroon ng kalagayan na ito, mapapansin ang mga bagay na hindi na nila maalis sa kanilang sarili. Nariyan ang kanilang pag-iisip, pagtingin sa isang bagay at maging sa kanilang ugali.

Dahil dito,ang  taong mayroon nito ay mahina ang memorya o pag-alala sa mga bagay, mabilis mawalan ng atensyon para sa iang bagay, impulsive at mahina pagdating sa reasoning. Ayon sa symptoms, ang mga batang may FAS ay hindi imposibleng magkaroon ng mental health problems. Ang mga ito ay maari din maging addict sa paggamit ng drugs at maaring maging agresibo habang lumalaki.

Ang bagay na ito ay pinainiwalaang nakukuha ng isang sanggol dahil sa ginagawa ng kanyang ina. Kung ang isang babaeng nagdadalang tao ay palaging umiinom ng alak, ang bata na nasa kanyang sinapupunan ay maaring magkaroon ng sakit sa utak tulad na lamang ng mga nasabi ko kanina.

Ngunit paano malalaman kung mayroon nang ganitong sakit ang isang sanggol.

Ayon sa pag-aaral, walang maayos na sagot upang malaman na mayroon ngang ganitong sakit ang isang sanggol. Ngunit kung ang isang bata ay nakitaan ng facial malformations, growth retardation, Central Nervous System abnormalities, at kasama na rin ang maternal alcohol consumption during pregnancy; maaring asahan na ito ay magkakaron ng FAS.

Ayon sa ilang mga kaso,ang mga batang mayroon neto ay mayroong short palpebral fissures na makikita sa ilalim ng mata; mayroong smooth philtrum o di naman kaya ay manipis ang labi nito. Habang lumalaki ang mga batang ito, ang kanilang timbang ay mababa kumpara sa normal na timbang ng isang bata na nasa kanilang edad.

Ang sakit na ito ay maaring  maiwasan kung ang isang magulang ay marunong sumunod sa mga ipinagbabawal sa kaniya habang ito ay nagdadalang tao.

Simbolo man ito ng pagkatahimik mula sa mga sikreto na itunuro sa atin ng mga anghel  o isa man itong simbolo ng kagandahan ng isang tao ay hindi pa natin malalaman sa ngayon. Ang philtrum ay isa pa rin sa pinagaaralan ng siyensya

Sources

Sources

  1. https://www1.biu.ac.il/indexE.php?id=15607&pt=1&pid=14388&level=0&cPath=43,14206,14372,14388,15607
  2. https://www.drstandley.com/angels_lailah.shtml
  3. https://www.jta.org/jewniverse/2017/lailah-the-angel-of-conception-left-her-mark-on-your-face
  4. https://www.wendag.com/forum/showthread.php/518-The-Archangel-Gabriel
  5. https://www.wendag.com/forum/showthread.php/518-The-Archangel-Gabriel
  6. https://www.jta.org/jewniverse/2017/lailah-the-angel-of-conception-left-her-mark-on-your-face
  7. https://www.naturalwellness.com/nwupdate/you-have-a-philtrum-on-your-face-what-the-heck-is-that/
  8. https://www.auntyflo.com/face-readings/cupids-bow-lips
  9. https://specialneedsprojecteec424.weebly.com/fetal-alcohol-spectrum-disorder-fasd.html
  10. https://www.symptoma.com/en/info/fetal-alcohol-syndrome

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit masakit sa tenga ang pagkiskis ng tinidor sa plato?

Lahat ba ng kalawang nakamamatay