Ano ang silbi ng gamot sa lagnat

Reading Time: 3 minutes

Kahit sino naman siguro ayaw magkasakit diba. Pero darating talaga ang araw na magkakasakit ka at isang common dito ay ang lagnat. Dahil nga ang lagnat ay common, karamihan sa mga gamot nito ay mabibili over the counter. Pero nakakabuti ba ito sa atin?

 

First off, ano nga ba ang lagnat. Ang lagnat ay isang kundisyon kung saan ang temperatura ng ating katawan ay tumataas. Ang tawag dito ay pyrexia sa medical terms.

 

Ang normal na temperature ng isang tao ay nasa 98.6 degrees Fahrenheit o 37 degrees celcius, average lang to mga boss ha. Ang ating body temperature ay pwedeng magflactuate depende sa ating edad at kung anong ginagawa natin, ang temperatura ng ating kapaligiran at iba pa pero ang 37 degrees celcius ang kinukunsidarang normal temperature. Kapag ang temperaturang ito ay tumaas ng matagal na oras dito na natin sinasabing may lagnat ang isang tao.

 

So ano nga ba ang lagnat? Sa katunayan ito ang response ng immune system ng ating katawan. Kapag ang bad bacteria ay pumasok sa ating katawan, ang ating immune system ay maglalabas ng tinatawag ng pyrogens. Ang pyrogents ay maglalakbay sa ating bloodstream hanggang sa marating nito ang hyphothalamus, ito mga boss ay parte ng ating utak. Ang hypothalamus ang nagsisilbing thermostat ng ating katawan at ang pagdating ng pyrogens ang nagiging dahilan ng pagtaas ng temperatura ng ating katawan at un nga ang nagiging sanhi ng lagnat.

 

Ayon sa pag-aaral, ang pagtaas ng temperatura ng katawan ay pinipigilan ang magdami o paglaganap ng isang bacteria at may mga pagkakataon na tumutulong din itong patayin ang bacteria na pumasok sa ating katawan.

 

So kapag nilagnat ka, kung ikaw ay isang magulang o nagttrabaho, bawal magkasakit kaya’t ang unang gagawin mo ay uminom ng gamot para hindi na tumuloy ang sakit pero ano ba talagang ginagawa ng mga gamot na to? Sila ba ay talagang nakakapagpagaling?

 

Ang mga gamot na nakakapagpababa ng lagnat ay tinatawag na anti-pyeritic. Masyadong maraming scientific terms ang article na nabasa ko so in laymans term, ang gamot ay kinkontrol at hinaharangan ang mga signals sa ating hyphothalamus at ang resulta nito, ang ating katawan ay baba sa normal temperature.

 

Ang lagnat kadalasan nawawala ng kusa kahit hindi ka uminom ng gamot. Pero may mga pagkakataon na kinakailangan mong inuman ng gamot lalo na’t kapag ang temperatura ay lumampas na ng 39 degree celcius. Posibleng makasama ito sa iyong utan kapag hinayaan lamang.

 

So ayan mga boss, alam nyo kung anong silbi ng mga gamot sa lagnat.

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

May connection ba ang stress sa pag lagas ng buhok?

Totoo ba ang multo ay mahal natin sa buhay or isa lang silang demonyo?