Ano ang pinakamalalang ice age?

Reading Time: 4 minutes

Pagsinabing ice age, malamang ang nasa isip ninyo ay ang pelikula nila Sid at Diego. Pero have you ever wondered mga boss, ilang beses na bang nakaranas ng ice age ang ating mundo? Probably ang karamihan sa atin, isa ang sasabihin. Sympre ito ang mga napapanood natin sa mga pelikula. Perp alam nyo ba mga boss na ang ating mundo ay nakaexperience na ng 5 ice age. Yes you heard me right.

First ice age, 2.4 to 2.1 Billion years ago at tinawag itong Huronian Glaciation.

717 to 643 million years ago ang Sturtian/Marinoan glaciation

450 to 420 mya ang Andean-Saharan glaciation

Ang Karoo Ice Age naman ay 360 to 260 mya.

At ang pinakahuling ice age ay ang kilala na nga natin where as meron ng mga tao.

Kapag sinabing ice age, ito mga boss ang pagbaba ng temperature sa buong mundo at kasabay nito ang pagbubuo ng mga bloke ng yelo.

Ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ice age ay hindi pa ganuon kakonklusibo pero merong mga factors na nailathala ang mga siyentipiko. Kasama na nga dito ang mga position ng kontinente, atmospheric composition kagaya ng greenhouse gases, volcanic activity, Ang reflection ng ating mundo, Ang layo sa araw, ang mga pagbagsak ng asterod at ang lakas ng init ng araw.

Kapag ang mga tamang variables ay nagsabay sabay dito na magsisimula ang ice age, at ang pinakamlakas na feedback nito ay ang reflection ng mga yelo kung saan mas malakas ito kumpara sa lupa o sa kabundukan. Dahil dito magkakaroon ng pagbaba sa ating temperature at ang yelo  ay mas kakapal ng kakapal.

Ang 2 pinaka kilalang ice age ay ang Sturtian/Marinoan glaciation at ang pinaka huling ice age. Sobrang tindi ng epeketo ng Sturtian/Marinoan glaciation, to the point na kahit ang equator ay napagyelo nito. Ang average global temperature nuon ay bumagsak ng -30 degree celcius. Ito ay mas malamig pa sa temperatura ng antartica mga boss. May mga ibang eksperto na naniniwala na ang ating mga dagat ay nagyelo, hindi lang ang itaas nito kundi pati hanggang baba, ito rin ang panahon na ang buong mundo ay nagyelo.

Pero bulalord kung nagyelo ang buong mundo, eh di ibig sabihin walang nabuhay nuon. Well, meron pa rin mga boss, sa mga hydrothermal vents ng ilalim ng dagat.

Ang kahuli huling ice age ay mas popular sa atin dahil nuong mga panahon na yun, mayroon ng mga tao. Sa panahon natin ngayon, normal na ang makakapal na yelo sa antartica, pero almost 10,-15,000 years ago, ang yelo ay natakpan ang ibang kontinente kagaya ng chicago at paris. Nuong mga panahong ito, ang mga tao ay iniiwasan pumunta sa europe o northern asia dahil nga malamig at nagyeyelo duon. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga fossils ay kadasalang nakikita sa africa, middle east, china, south east Asia at australia.

Source 1
Source 2

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Papaano nalalaman ng lamok ang target nito?

Papaanong nasusukat ang edad ng mga fossils at artifacts?