Ano ang iba’t ibang klase ng memory ng computer?

Reading Time: 5 minutes

Sa mga IT jan basic na sa inyo to, pero para sa mga hindi pa masyadong pamilyar sa mundo ng computers, posibleng narinig nyo na ito pero hindi nyo talaga alam ang kanilang use.

 

Pag sinabing memory, ang unang papasok sa ating isipan kundi memory card, RAM. Well may iba’t ibang klase ang computer para makapagtabi ng data o memory.

 

Ang primary purpose ng memory, wheter ito ay tao o machine ay maitago o marecord ang isang impormasyon. Ang downfall lang sa ating mga tao ay may mga pagkakataong malilimutan natin ang isang memorya. Pero hindi ibig sabihin nito ay inferior tayo kumpara sa mga computers. Hindi mga boss. Ang mga computers ay hindi nakakalimot o nakakaalala ng isang memorya na katulad sa tao.

 

In other words, ang computer tinatabi ang information na ito via binary code.

 

Sa ating mga tao meron tayong short term memory at long term memory. Ang short term memory ay ang ating mga memorya tungkol sa aktibidad na ating ginawa halimbawa nag hugas ng plato. Pag tinanong ka ng nanay mo kung nakapaghugas ka na ng plato matapos ang ilang oras, masasagot mo siya, ito ang isang klase ng short term memory. Habang ang long term memory naman ay ang mga bagay bagay na ating naranasan.

 

Pumunga naman tayo sa computer, meron main memory. Itong memory na ito ay volatile. Ibig sabihin mga boss kapag pinatay mo ang computer, laaht ng nakastore na data ay mawawala. Ang volatile memory na ito ay tiantawag na RAM o Random Access Memory.

 

Ang pangalawang klase naman ay tiantawag na auxiliary memory. Isang magandang halimbawa dito ay ang hard drive. Hindi kagaya ng volatile memory, ang data na nakastore sa hard drive ay hindi mabubura basta basta kahit patayin mo pa ang computer. Now we understand the two types of memory pumunta naman tayo sa mas detailed function nito.

 

Ang compupter ay may dalawang internal memory. Ito ay ang RAM at ROM. Magkaibang magkaiba po ang dalawa kaya wag kayong malilito sa mga tests. pag sinabing RAM ito ung Random Access Memory, ang ROM  naman, Read only Memory. Kagaya nga ng nabanggit kanina ang RAM  ay volatile, pag pinatay ang CPU, mwawala na din ang mga data na nakalagay dito. On the other hand, iba ang ROM. ang ROM ay isang programmed na merong set of instructions na mababasa lamang ng isang computer.

 

Kapag sinabing RAM, may dalawang main types ito, ang DRAM at SRAM. Pero bulalord diba merong SDRAM, yees mga boss kaya nga sinabi ko pong main types dahil sila ang pinaka nanay at tatay, ang mga sumunod ay mga anak lang nila, ang SDRAM, SDR SDRAM at DDR SDRAM. Yan claro the third tayo jan ha.

 

Moving on, ang 2 main type ant DRAM at SRAM. Ang SRAM ibig sabihin Static Random Access ang ang DRAM, Dynamic random access. So annong pinagkaiba ng dalawa i hear you ask. Ang DRAM mga boss ay mas mura kumpara sa SRAM. Mas may mataas na density ito kumpara sa SRAM pero in terms of memory capacity, parehas lang sila.

 

Ang DRAM ay kadalasang nakikita natin sa mga PC, game console at iba pang devices. Ang SRAM naman ay mas mababa ang consumption pagdating sa power. Dahil dito, ang SRAM ay kadalasang ginagamit sa nga cellphones kung saan ang power consumption ay napakaimportante.

 

Sa Rom naman, meron ding dalawang klase, ang EPROM at EEPROM. Naalala ko nun naririnig ko lang to sa mga cellphone shop, kesyo rereprogram daw ung EPROM. Ang EEprom nga pala ay electrically erasable programmable ROM. Karamihan sa mga devices ngayong panahon natin ay may EEPROM.

 

Ang EEPROM ay kayang magtago ng data indefinetly. Ang paraan lang para mabura ito ay magpadala ng kuryente dito.

 

Ngayon pumunta naman tayo sa auxiliary memories. Ito yung mga static memory mga boss ibig sabihin kahit patayin natin ang computer, andun pa rin ang memory. Ilan na nga dito ang Hard drive, cdrom, usb at memory card. Hindi na ako magdedelve in pa sa auxiliary memory dahil self explanatory naman na ito.

 

Hanggang dito na lang muna mga boss, sana ay may bago kayong imprmasyong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit ang hirap matulog kapag nagcecellphone?

Ano ba ang pinakamalaking relihiyon?