Ano ang Guardian Angel?

Reading Time: 4 minutes

Karamihan sa ating mga pinoy ay naniniwala na bawat isa sa atin ay mayroong guardian angel. Ang mga anghel ay kadalasang naiuugnay sa kristianismo at more specifically sa katolisismo. Pero sa katuyan hindi lang kristianismo ang may konsepto ng anghel, opati ang judaism ay meron din nito.

 

Ang anghel ay lumitaw din sa aklat ni job kung saan binigay nito ang idea na ang mga anghel ay pwedeng humingi ng tawad in behalf of the person, lalo na’t ito ang kanyang ginagabayan. Ayon naman kay plato, ito ay mga espiritu na binigay ng panginoon sa bawat tao at maraming relihiyon ang may kaperhas na motif kung saan ang isang deity o ancestral spirit ang gumagay dito.

 

Ang ibang mga kristiano ay naniniwala na kapag ang tao ay pinanganak, meron na itong nakatakdang guardian angel na syang gagabay dito. Ang anghel na ito ay magsisilbing tulay sa pagitaan ng panginoon at ng tao. Ang anghel ay kayang magdasal in behalf of the person at humingi ng proteksyon sa may kapal.

 

May iba namang naniniwala na ang mga bata lang ang mayroong guardian angels. Ang mga angels na ito ay narereassigned kapag ang kanilang binabantayan ay naging adult na.

 

Nuong 12th century si honorius of autun na isang christian theologian  ay naniniwala na ang bawat kaluluwa ay makakatangap ng isang guardian angel kapag dumating na sila sa lupa pero may mga debate patungkol dito, dahil may iba’t ibang klase ng anghel at may kanya kanyang rango din.

 

Although mas dominante ang idea ng anghel sa mga katoliko, mayroon ding ibang christan sects kagaya ng eastern orthodox na parehas ng paniniwala. May ibang naniniwala din na ang mga gurdian angels ay nagsisilbing konsensya ng isang tao. Binigay sila ng panginoon hindi lang para tayo ay protektahan kundi udyukin din tayo na gumawa ng mabuti at ilayo sa kasamaan.

 

Habang ang modernong interpretasyon ng anghel ay inilalarawan ito bilang isang normal na nilalang na anduon sa tamang pagkakataon. Halimbawa, tatawid ka na, hindi mo nakita ang isang sasakyang mabilis na humarurot, mabuti na lang at hinila ka ng isang tao na hindi mo naman kilala para maligtas o hindi naman kaya ung tipong problemadong problemad ka sa buhay at gusto mo ng bumigay pero isa sa mga katrabaho mo ang nakita ang paghihirap mo at kinomfort ka. Ang iba naman naniniwala na ang mga taong ito ay ginabayan ng kanilang guardian angel para tulungan ang taong nangangailangan.

 

Marami sa atin lalo na sa mga nagaral sa isang catholic school ay tinuruan ng dasal tungkol sa ating mga guardian angel. I wonder, do they still teach those? Naalala ko kasi bago mag start ang klase nuong gradeschool ako sa isang public school, lagi namin dinadasal un.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Pag sinabing cloud storage, sa ulap ba ang nakatago ang mga files?

Saan nagsimula ang Phoenix? Totoong nilalang ba ito?