Ano ang Chronovisor?

Diniscuss na natin ito sa isa kong video, ang time travel. Pero hindi tayo masyadong nag delve in sa topic ng chronovisor at mas nagfocus tayo sa kwento ng time travel.

Ayon sa french priset at paranormal author na si Francois brune, ang chronovisor ay isang device na pagmamayari ng vatican kung saan kaya nitong makita ang hinaharap o nakaraan.  Ayon sa libro nitong The vatican’s new mystery, ang chronovisor ay ginawa nuong 1950 ng italian scientst at priest na si father pellegirno mari ernetti at kasama nito ang 12 world renowed scientist. Isa sa mga scientist na ito ay ang kilalang si enrico fermi at rocket scitnist na si wernher von braun. Sa mga hindi pa po nakakapanood, gumawa po ako video regarding fermi paradox. Magandang topic din po un kung tayo ba ay nagiisa talaga sa mundo at ang mga rason nito.

Ang chronovisor ay inilarawan bilang isang malaking cabinet na mayroong antenna at gawa mula sa alloy ng hindi kilalang metal. Nakakonekta ito sa cathode ray tube at meron itong control panel at lever.

Ayon sa librong the vaticans new mystery, sinabi ni father ernetti na ang chronovisor ay pwedeng maprogram ng specific date at time para makita ang kaganapan nuong panahon na yon. Dagdag pa nito, ang chronovisor ay gumagana sa pamamagitan ng pagprocess ng electromagnetic radiation residue sa mga past events.

Mismong si father ernetti ay sinabing nakita nya ang mga ilang importanteng historical events mula sa chronovisor at isa nga dito ang pagkakapako sa krus ni hesu kristo.

Nuong 1972, ang may issue ng italian weekly news magazine na  “La Domenica del Corriere” o (Courier’s Sunday) ay nagpakita ng mga litrato na naglalarawan ng pagpako ni kristo sa krus at ito ay kuha mula sa chronovisor. Pero kinundena ito ni father ernetti at sinabing ang clarity at proximity ay malayo sa photographic capabilities ng chronoviosor. Hindi rin nagtagal ay nalaman ang pinagmulan nito, isang reverse image ng iskulptura na gawa ni Cullot Valera.

Nuong 2003 ininterview si francois brune, sinabi nito na bago pumanaw si father ernetti nuong 1994, nakupagpulong ito sa vatican at ang mga natitirang buhay na scientist na nagtrabaho sa chronovisor. Ayon kay father ernetti, napagdesisyunan na kahuyin o idismantle ang chronovisor.

Nuong nasa death bed na si father ernetti pinabulaanan nito ang chronovisor pero hindi naniniwala si brune dito. Ayon sa kanya napilitan lang si father ernetti na magbigay ng false conession.,

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Dragons…

Ano ba ang leprechaun?