Ang pagpupuyat ba ay may epekto sa pagtangkad ng isang tao?

Reading Time: 11 minutes

Topics

Noong tayo ay bata pa, aminin mo na napapalo ka ng iyong magulang upang matulog ka lamang sa tanghali. Ang mga magulang lagi ay nagsasabi na matulog ung tangahali, matulog ng maaga at matulog k apag walang ginagawa upang lumaki.

Alam naman na natin ang pagtulog ng isang tao ay malaki ang bagay na naitutulong sa ating buhay. Mula sa utak, sa kalusugan at sa iba pang bagay. Alam na din natin na kung ang isang tao ay kulang sa tulong, masama ang dulot nito sa ating kalusugan at pag-iisp. Kung ang isang tao ay maliit kahit na ito ay matanda na, ang madalas sabihin dito ay “hindi ka natutulog ng tangahli noon no?”.

Isa na sa paniniwala ng mga tao sa Pilipinas na kung ikaw ay kulang sa tulog ay hindi ka tatangkad, ngunit mayroon nga bang katotohanan ang bagay na ito?

Ang tanong na ito ay mula kay Zack Fair at ito ang ask bulalord.

Pagtulog ng mga bata:

How to improve your child's sleep | TheHealthSite.com

Ayon sa pag-aaral, ang pagtulog ay mas mahalaga para sa mga bata nasa preschool, pababa. So kapag sinabi na mga preschool age, ito ang mga bata na nasa edad limang taon pababa. Ang pagtulog ng mga batang nasa ganitong edad ay malaki ang maitutulong mula sa kanilang kalusugan, sa paglaki at maging sa pagkatuto sa ilang bagay.

Ang pinaka kilalang panakot ng mga magulang sa tuwing ang mga anak nila ay nagpupuyat ay ang hindi pagtangakad. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, sa pagtulog sa gabi lumalabas ang tinatawag na growth hormone na kung saan tumutulong sa tao upang tumangkad. Kung ang isang tao ay minsan lang at hindi madalas magpuyat sa gabi ay hindi naman basta-basta liliit, ngunit para sa mga taong nagpupuyat ay maaring tumigil ang kanilang pag-tangkad.

Pero ang hormone na ito ay lumalabas lamang kung ang isang tao ay napunta na sa huling stage ng pagtulog kung saan malalim na ito. Ayon sa isang certified sleep consultant na si Maria Campos Lopez, sa tuwing ang mahimbing na tulog ay natitigil o nauudlot, ang growth hormone na ito ay tumitigil sa paglabas. Kailangan tandaan na ang mga sanggol at mga toddlers o ang mga bata na nasa edad isa hanggang dalawang taon na bata ay dapat makakuha ng sapat na tulog.

Pero teka, ang pagtulog ba sa tanghali ay makakatulong upang tumangkad? Ayon sa pag-aaral, imbis na patulugin ang mga bata sa tangahali o sa hapon. Ang pagtulog sa gabi ang kailangan upang mas makakuha ito ng malalim na tulog. Kapag ang isang bata ay pinapatulog ng mahimbing sa tanghali at ito ay napasobra, maaring mahirapan itong kumuha ng tulog sa gabi.

Pero hindi naman sinabi na kailangan ay hindi na ito paidlipin o patulugin ng kaunting oras sa tanghali. Lumabas sa pag-aaral na kung ang isang bata ay nakakakuha ng idlip sa tanghali ay mas nagiging active sa lahat ng gawain pagka-gising nito. Ang mga ganitong bata ay hindi nakakaranas ng palagiang tantrums. So may positive effect ang pagpapatulog sa tanghali. Mga momshies jan, patulugin nyo mga anak nyo sa tanghali para iwas tantrums.

Kung ayaw naman matulog ng isang bata ay maaring pagawain na lamang ito ng mga activities na hindi hinahaluan ng pagtakbo takbo, upang ang katawan nito ay mapahinga at marelax.

Malamang ay mayroon ka din kilalang magulang kung saan, pinaglalaro o hindi naman ay pinapagod niya ang isang bata bago matulog. Naniniwala ang ilang magulang na kapag ginawa ang bagay na ito, mas hihimbing ang tulog ng isang bata.

Ayon sa pag-aaral ng mga doktor, hindi ito nakakatulong at mas magiging problema pa ito sa sandaling kailangan nang matulog ng isang bata. Tulad ng isang matanda kung saan kapag ang mga ito ay nakakaramdam ng excitement ay mas naglalabas ang katawan ng adrenaline dahilan upang mas lalo pang maging active ang mga batang ito. Dahil sa paglalabas ng labis na adrenaline sa gabi, mas mahihirapan matulog ang mga ito.

Sa tuwing natutulog ang isang bata, ang pituitary glands ang naglalabas ng growth hormones na kung saan idinadagdag ito sa blood stream ng katawan. Dahil dito, ang buto na mayroon ang mga ito ay kumakapal, tumitibay at humaba ng paunti-unti. Ayon sa mga eksperto, kung ang isang bata ay mayroong lahi na kung saan matangkad ang pinag-mulan nito ay maari itong tumangkad kahit na hindi nakakakuha ng sapat na tulog. So there you have it, hindi porket hindi natutulog ng tanghali eh babansot o hindi na tatangkad.

Kung ang isang bata ay nasa lahi ng mga, sorry for the word “Maliliit” o “hindi katangkaran”, kahit na matulog pa ito ng mahabang oras ay maaring mawalan ito ng kwenta.

Ano ang naidudulot ng tamang oras ng pagtulog?

Child Can't Sleep? Is It Because Of Too Much Blue Light?| Exigo ...

Ayon sa very well health, kung ang pagtulog ng isang sanggol o ang isang bata ay hindi nakakakuha ng sapat na tulog maaring maging umpisa ito ng malalang kondisyon. Ang mga batang laging nauudlot ang tulog ay maaring bumagal ang paglaki. Ang tinatawag na sleep apnea ng mga bata o ang hindi pagbabago ng galaw ng isang bata sa paghinga ay isang masamang kondisyon.

Ang mga batang mayroon ng ganitong kalagayan ay maririnig na humihilik, kahit na hindi naman pagod ang mga ito. Madali din magising ang mga batang nakakaranas ng ganitong kalagyan, sa kaunting ingay ay maabala kaagad ang kanilang malalim na tulog. Tulad ng nasabi ko kanina, kung palaging ganito ang mangyayari ay maaring bumagal at magkaroon ng pagkukulang sa pagtangkad ng isang bata.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto, halos 50,000 na bata ang nakitaan ng obesity dahil ang mga ito ay nakakranas ng kaunting tulog. Ang halos 8,247 na may edad na anim hanggang pito na bata sa Japan na kung saan hindi nakakakuha ng sapat na tulog ay nakakaranas ng childhool obesity o labis na pagtaba.

Ang ganitong uri ng sakit ay hindi pa nahahanapan ng sapat na gamot kung kaya’t ang payo ng mga doktor ay bantayan at maging maingat ang mga magulang sa pagpapatulog nila sa kanilang mga anak, upang hindi ito maiwan sa pagtangakad ng kanyang mga kaibigan.

Bago tayo magpatuloy, nakasubscribe ka na ba? Kung hindi pa, magsubscribe ka na at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated.

Kelan hihinto sa paglaki?

At What Age do Girls Stop Growing? - Famlii

Maari tayong magpasalamat sa pagpapatulog sa ating ng maaga ng mga magulang natin, dahil sa kanila ay nakakuha ka ng sapat na tangkad at sapat na laki noong ikaw ay tumanda. Ngunit dahil matigas ang ulo mo at minsan o madalas ay nakakasanayan mo nang gawin na sumuway sa kanilang payo. Gabi-gabi ka pa din nagpupuyat at hindi nakakakuha ng sapat na tulog sa umaga, ang resulta ay ang laki mo ngayon, joke lang to naman di ka na mabiro.

Ayon sa medical news today, karamihan sa mga kalalakihan ay nagsisimulang tumigil ang pagtangkad sa edad na 16 pero para sa iba ay humihinto ito pagdating ng edad na 18. Para naman sa mga kababaihan , ang kanilang pagtangakad ay titigil sa panahon na sila ay datnan na o sa panahon na sila ay dumanas na nang menstruation. Ang edad na ito ay maaring sa edad na 14 o hindi naman ay edad na 15.

Ngunit minsan ay mapapansin na, karamihan sa mga babae ay mas matangakad sa lalaki noong sila ay bata pa. Pero makalipas lamang ang ilang panahon ay makikita na nila ang malaking pagbabago. Ayon sa pag-aaral, ang mga babae ay mas nauunang dumaranas ng puberty kumpara sa mga lalaki at dahil dito mas nauuna silang nagbabago at tumatangkad kumpara sa mga lalaki.

Ang mga babae ay nagsisimula nang magbago sa edad na 8 o hindi naman sa edad na 13, samantalang ang ibang lalaki na matatawag na late bloomer ay magsisimula pa lamang magbago ang ilang bahagi ng katawan sa edad na 9 o hindi naman ay 14. Ito ang dahilan kung bakit ang dating maliit at payat na batang lalaki na inaasar ay malaki ang ipinagbago kapag dumatin na ito sa puberty stage.

Ayon nga sa iilan “When puberty stages hits you”.

Para sa mga taong nais pang tumangkad kahit na nasa tamang edad na, mayroon naman ilang gawain na maaring makatulong. Mga excersise, mga vitamins, at ilang gamot ang makakatulong. Ngunit ingat lamang sa mga iinumin na gamot upang hindi mapahamak.

Ayon nga sa kasabihan, “You really can’t have it all”. Kung minsan ay kulang sa tangkad ang isang tao ngunit sobra naman ito sa iba pang bagay. So, huwag kang malungkot kung maliit ka, be proud, hindi mo na kailangan yumuko sa tuwing ikaw ay sasakay sa jeep.

So in laymans term Zack Fair, nakakaapekto ang hindi pagkuha ng sapat na tulog sa paglaki ng isang bata. This is scientifically proven. Kaya kung ikaw na nakikinig na bata, baguhin na ang iyong sleeping pattern para di ka asaring bansot ng iyong mga kaibigan.

Sana ay nasagot naming any iiyong katanungan Zack Fair.

Sa mga may ganitong katanungan, maari lamang na pakifillup ang form na nasa description. Mahirap po kasing kumuha sa comment section, kadalasan ay natatabunan na. Para sigurado na matopic ang inyong katanungan, pakifill up na lamang po kapag may time.

Kung nagustuhan ninyo ang video, wag kalimutang ilike at ihit nyo na din ang subscribe at wag kalimutang iturn on ang bell notification para lagi kang updated sa mga bagong videos.

Tandaan, kung gusto nyo ng bulalo na hitik sa impormasyon. Hanapin nyo lang si bulalord. Maraming Salamat sa panonood. Bulalord out.

Sources

Sources

  1. https://kidshealth.org/en/kids/boys-puberty.html
  2. https://www.verywellhealth.com/how-sleep-problems-affect-growth-in-children-3015073
  3. https://www.uratex.com.ph/grow-taller-youre-asleep/
  4. https://www.smartparenting.com.ph/health/your-kids-health/sleep-myths-explained-nido-adv-con

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano nauna itlog o manok?

Bakit tayo nagkakasakit?