9 ba talaga ang buhay ng pusa?

Reading Time: 9 minutes

Topics

Kung ikaw ay mahilig sa isang pusa, malamang ay alam mo na ang isa sa pinaka kilalang pinaniniwalaang kakayahan ng mga hayop na ito. Ang pagkakaroon ng siyam na buhay. Alam mo ko Nakita mo na ung kawawang pusa na nalaglag sa mataas na lugar o di naman kaya ung nadisgrasya pero nakatayo pa ito at nakatakbo, kawawang pusa. Pero sa mga ibang hayop parang hindi nila ito kakayanin. Totoo nga bang mayroon itong 9 na buhay? Saan ba nagmula ang paniniwalang ito?

Halina’t ating alamin kung ang paniniwalang ito ay mayroon ba talagang katotohanan. Ang video na ito ay nirequest ni kryptonite at ito ang ask bulalord.

Cats:

Thinking of getting a cat? | International Cat Care

Kuting.,Pusa.,miming, Catriona, seriously ditto samin may pusa pangalan catriona. Ito ang mga alaga natin na sobrang lambing at may pagkakataon din na sobrang taray, parang mga babae lang. Minsan mabait, minsan diablo lalo na kapag gutom. Pero kidding aside,

Ayon sa ilang pag-aaral, isa sa pinaka independent na hayop ang mga pusa. Kaya nilang mabuhay at magparami kahit walang nag-aalaga sa kanila. Gamit ang iba’t ibang kakayahan ng mga ito, mabubuhay ito ng matagal kasama ng mga tao.

Ngunit ang lahat ng ito ay mayroong paliwanag. Kung kikilalanin nating mabuti ang kakayahan ng ating alaga, hindi na tayo magtataka kung paano nila ito nagagawa.

Ayon sa petplan, Dahil sa kanilang katawan, kayang bawasan ng pusa ang kahit anong pwersa mula sa pagkakabagsak , mataas man ito o  mababa. Ang mga ito ay natural na mabibilis at natural na nakakaakya’t sa itaas ng puno, sa bubong at sa iba pang gusali.

Kung may pusa ka, may pagkakataon na nilalaro mo ang iyong alaga at may mga pagkakataong binubuhat mo ito. Mayroon din pagkakataon na biglang magpipiglas hanggang sa makalmot kalmot ka na at ang mga ito ay bigla na lamang bababa, babalikwas ito mula sa iyong pagkakahawak. Nagagawa nila ito dahil ang mga ito’y may tinatawag na‘righting reflex’. Dahil dito, kaya nilang iikot-ikot ang kanilang katawan, makapasok mula sa masikip na eskinita, at mga maliliit na butas.

Dahil na din sa flexibibility ng kanilang buto at mga litid, may kakayahan din ang mga pusa na gumaling kaagad mula sa maliit na aksidente. Tulad na lamang ng pagkakahagip sa daan, pagkaka-ipit sa pinto at iba pa. Ang ilan nilang kakayahan na ito ang nagiging dahilan upang magawa nila ang mga kakaibang mga bagay na hindi natin nakikita sa ibang mga hayop.

Ang mga ito ay may kakayahan ding mabuhay hanggang labin’limang taon. Swerte na kung ang mga ito ay makakaabot hanggang dalawampung taon.

The Truth:

Cat Excessive Meowing and Yowling: Why Cats Meow

Para sa mga naniniwala patungkol sa bagay na ito, pagpasensyahan nyo kung sisirain ko ang inyong kinalakihan na paniniwala. Ang lahat ng nilalang na ginawa ng Diyos ay mayroon lamang isang buhay. Tao, halaman at maging hayop. Kung ang isa sa mga ito ay namatay, wala nang paraan upang mabuhay itong muli. Depende na lamang kung mayroon kang superpowers, kung malakas ang kapit mo sa maykapal at sa iba pang nilalang na maari kang buhayin mula sa pagkamatay.

Madaming pamahiin at paniniwala ang nakaka kabit sa isang pusa.Lalo na sa isang itim na pusa. Karamihan kung makakakita ng isang itim na pusa, ito daw ay malas o di kaya naman ito ay isang aswang. Kaya ang mga ganitong kulay ay kinakatakutan ng ilan. Ang ilan ay nakikita mismo kung paano nakakaligatas ang isang pusa sa bingit ng kamatayan nito.

Hindi lamang dito sa Pilipinas, ngunit maging sa iba’t ibang sulok ng mga bansa; magmula pa noong unang panahon ang mga pusa ay mayroon nang inaalagaang reputasyon. Kung pupunta tayo sa panahon ng ancient Egypt, ang mga pusa ay sinasamba na parang isang Diyos. Ayon sa paniniwala ng mga taga Egypt, ang mga pusa ay isang divine creature na mayroong kamangha-manghang kakayahan. Pinaniniwalaan din ng mga tao noong panahon na iyon, na mayroon nga itong siyam na buhay.

May kanya kanyang paniniwala din ang ibang bansa, pero medyo malapit din sa paniniwala natin katulad na lamang sa Spain,Brazil,Italy at Germany; pinaniniwalaan ng mga mamayan dito na ang mga pusa ay mayroon lamang pitong buhay. Iba din ang kwento at paniniwala ng mga tao sa Arab at mga taga Turkish; ayon sa paniniwala, ang mga pusa ay mayroon lamang anim na buhay.

Ngunit ang karamihan ay naniniwalang siyam talaga ang buhay ng mga nilalang na ito. Pero bakit nga ba siyam? Bakit hindi 10? May mga ilang paliwanag ngunit ang mga ito ay hindi tiyak kung ito nga ba ang dahilan kung bakit “Siyam” ang ginamit na numero.

Bumalik ulit tayo sa panahon ng  ancient Egyptian, ang paniniwala ng mga ito patungkol sa Diyos ng Araw na si Atum-Ra. Ayon sa paniniwala, ang Diyos na ito ay nagkakatawang pusa kung ito ay bababa at bibisita sa underworld o sa mundo ng mga kaluluwa. Ayon sa kwento, ang Diyos na ito ay nagbigay ng buhay o nagluwal pa ng walong Diyos. Mula sa kanyang katawan, nagmula ang walong buhay at ang kanyang natitirang buhay bilang pang siyam. Gets ba mga boss? In laymans term, 9 ang buhay ni Ra at dahil nagkatawang pusa sya, pinaniniwalaan na ang mga pusa ay may 9 din na buhay taken from ra himself.

Kung tayo ay lilipat sa China, pinaniniwalaan ng mga mamayan dito na ang numerong siyam ay may dalang swerte. Lumipat naman tayo sa Greece na para sa mga tao ditto, ito ay sumisimbolo sa tinatawag nilang “trinity of all trinities”.

Para sa ibang bansa naman, ang numerong ito ay may kaakibat na mahika at iba pang kakaibang kakayahan.

Ayon nga sa isang old English proverb

” A cat has nine lives. For three he plays, for three he strays, and for the last three he stays”.

Ayon sa pagpapaliwanag sa mga katagang ito, dahil sa kakayanan ng isang pusa na maging maliksi, ang buong buhay neto ay iginugol niya sa paglalaro, at paghahanap ng kanyang pagkain. Matapos ang lahat ng bagay na kanyang nagawa, ito ay mananahimik na lamang sa loob ng iyong tahanan dahil sa katandaan at dahil ito ay mahina na.

So, ang buhay ng isang pusa ay isa at isa lamang. Hindi naman masamang maniwalang siyam nga talaga ang buhay ng mga ito, kung ito ang ikakasaya mo. Pero paalala na huwag mo itong gawan ng kung ano-ano upang mapatunayan lamang na siyam talaga ang buhay na tinataglay nila. Wag mga boss kawawa ang mga pusa.

Tandaan na ang anumang pananakit sa isang pusa at maging sa iba pang hayop ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang mga ito ay walang muang sa kanilang ginagawa at nais lamang din nilang mabuhay.

Ang mga nilalang na ito ay malalambing at mababait na nilalang. Well, para sa iba ay makukulit dahil lagi nitong ninanakaw ang ulam na isda na nasa lamesa. Ngunit para sa nakakararami, ito ang nagtatanggal ng kanilang pagod mula sa isang napakahabang araw. Ito ang nagsisilbing taga-huli ng daga na gumagala at namemeste sa kanilang mga bahay.

Alagaan na lamang natin ang mga ito at mahalin upang magtagal pa ang kanilang buhay sa mundo.

Sana ay nasagot naming ang iyong katanungan boss kryptonite. Sa may ganitong katanungan maari lamang na paki fill up ang form sa may description ng video para po malagay sa listahan. Hindi po kasi ako kumukuha sa comment section ng requests dahil natatabunan po sila.

Sources

Sources

  1. https://www.petmd.com/blogs/thedailyvet/jcoates/2011/aug/how_long_do_cats_live-11496
  2. https://www.petplan.co.uk/pet-information/blog/the-facts-behind-a-cats-nine-lives/
  3. https://www.wonderopolis.org/wonder/do-cats-really-have-nine-lives
  4. https://www.petplan.co.uk/pet-information/blog/the-facts-behind-a-cats-nine-lives/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Shroud of turin

Magka-align ba ang zone of silence, pyramid of giza and bermuda triangle?