47 Ronin

Reading Time: 3 minutes

Ang kwento ng 47 ronin ay kilalang kilala na sa japan kahit dito sa atin ay nakilala na din natin ang kwentong ito via movies and stories as well. Pero ito ay hindi fictional mga boss, ito ay real historical even na nangyari nuong 18th century. Ang 47 ronins ay squads ng mga samurai, na plinanong ipaghiganti ang knailang pinuno. Ayon sa japan’s rigid honor system, ang gagawin nilang paghihiganti ay magiging kapalit ng kanilang buhay still they did it anyway.

 

Nuong unang dekada ng 1700, dalawang japanese daimyo o feudal lords ang nainvolved sa isang argumento. Nainsulto ang isang daimyo na si asano at dahil dito nagpintig ang kanyang tenga at nilabas nito ang kanyang patalim at inatake ang kanyang kaaway na daimyo na si kira. Hindi yang kira ng death note ha.

 

Minor injuries lang naman ang natamo ni Kira pero isa itong grave offence dahil ang pangyayaring ito ay naganap sa bahay ng isang shogun, ang shogun mga boss ay isang high ranking official ng emperor. Dahil dito si Asano ay napwersang magcommit ng suicide sa paraan ng seppuku bilang penalty sa kanyang ginawa. Dahil sa pagkamatay ni asano, ang 47 samurai na nasa kanyang pangangalaga ay naging leaderless at kapag ang isang samurai ay walang master o amo, tinatawag itong ronin.

 

Ang 47 ronin ay gustong ipaghiganti ang kanilang amo. Pero pinigalan sila ng shogun. Ang 47 ronin ay hindi napaghiganti ang kanilang amo at naghiwahiwalay para ipakita sa shogun na sinunod nila ito at para luwagan din ni kira ang kanyang depensa. It took 2 years bago nila napasakamay ang inaasam asam nilang paghihiganti. Inatake nila ang bahay ni kira at pinatay ito. Gayunpaman, dahil nga sa batas ng japan, inutusan ng shogun na magpakamatay sila sa pamamagitan ng seppuku at ginawa naman nila ito. Sila ay nakalibing sa tokyo.

 

Ang kwento ng ronin ay kinikilala ng japan bilang isang honorable behavior.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang van allen belt?

Pinakamalakas na pagsabog ng bulkan