Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Featured Articles

Kaya bang lumangoy ng mga titans? O malulunod lang sila?

Ang Attack on Titan ay isang anime at manga series kung saan ang kwento ay tungkol sa isang komunidad na nabubuhay sa loob ng isang teritoryo na napapalibutan ng naglalakihang pader para maprotektahan sila sa mga Titans. Si Eren Yeager, ang ating bida, ay nangangarap na makalabas sa nasabing walled community, at dahil doon ay nagsimula na ang kaniyang paglalakbay para sa kalayaan ng sanlibutan mula sa mga titans.

Nakita naman natin na may mga titans na maliliit, mayroong malalaki. May mga tinatawag na “normal” o yung tipong tumatakbo lang at nanghahabol ng tao para kainin, at may mga abnormal na minsan ay tumatalon pa. Pero, naisip mo na ba o pumasok na ba sa isipan mo kung nakakalangoy ba ang mga titan na ito? Anong mangyayare kung sakaling sundan nila sa anyong tubig ang kanilang biktima lalo na at wala naman silang malinaw na pag-iisip gaya nating mga normal na tao? Malulunod ba sila?

Kung gusto mo ng maikling sagot, hindi sila malulunod. Bakit? Kasi hindi naman sila humihinga. Isa iyon sa mga katangian ng isang titan maliban sa hindi naman talaga nito kailangan kumain ng tao para mabuhay. Kaya kung sakaling malulubog ito sa tubig, ganon pa rin ang gagawin niyon. Pero, siyempre ay may pero.

Sa mga latest chapters ng manga naipakita na may abilidad na lumangoy ang mga titans at manatili sa ilalim ng tubig sa loob ng mahabang panahon. Pero, duda ako na kaya ito gawin ng mga pure titans lang dahil sa gusto nila, malamang ay nakakalangoy lang sila dahil inutusan sila ni Eren gamit ang kapangyarihan ng founding titan.

 

Ngayon, balik sa tanong kung malulunod ba sila. Halos kaparehas lang din ng organs ng tao ang mga titans. Di man talaga sila humihinga, dahil sa pagnganga nila sa tubig ay maaaring mapuno ng tubig ang kanilang katawan dahilan para ma stuck sila sa tubig dahil di na rin sila makakagalaw.

Ngunit….

Posible rin na dahil sa mas mataas ang temperatura ng mga titans, sa oras na mapasok sa katawan nila ang tubig ay maaaring mag evaporate lamang ito, dahilan para masabi nating makakapag travel nga sila sa tubig. Dahil na rin sa magaan sila para sa kanilang laki, maaaring lumutang lang din sila sa dagat, at anurin patungo sa isa pang lugar at doon ipagpatuloy ang kanilang trip sa buhay.

Base sa ilang litrato, kung mababa naman ang tubig para makatayo ang mga titans, patuloy lang sila na maglalakad. Pero may limit din kung hanggang saan sila aabot ha? Tandaan na habang lumalalim ang dagat halimbawa, mas tumitindi rin ang pressure doon, at hindi na umaabot minsan ang sinag ng araw na integral para sa mga titans.

Ngayon, paano naman ang mga shifters? Kung nasa loob ng kanilang titan body, posible na makaligtas ang shifter sa ilalim ng tubig. Pero eto ang tanong.

Nakakahinga ba ang mismong titan nila sa tubig??

Habang nasa loob sila ng kanilang titan, hindi sila fully functional. Ibig sabihin ay umaandar ang utak nila kakonekta ng katawan ng titan, pero ang katawan nila mismo ay hindi gumagalaw. Sa tingin ko ay ang pag hinga ng mismong titan nila ang nagbibigay sa kanila ng oxygen para mabuhay. Kaya, sa totoo lang ay hindi ko rin alam ang sagot kung makakahinga ba ang titan nila sa tubig dahil hindi naman kasi talaga binanggit iyon sa series. Maaaring ang beast titan na nakabase ang anyo sa mga hayop, maaaring may tiyansa iyon. Pero ang iba? Hindi ko alam.
Kaya to summarize the answer, hindi nalulunog ang mga titans, kung pure titans ang pag-uusapan natin ha? Dahil nga hindi naman nila kailangan ng hangin para mabuhay, kundi sinag lang ng araw, kaya theoretically? Oo mabubuhay sila sa ilalim ng tubig. Kung makakapag function ba sila gaya ng kung paano sila sa lupa? Yun na ang ibang usapan.

Nagustuhan mo ba ang mga impormasyong naibahagi ko ngayon sa videong ito? Kung oo ay mag like, subscribe, at pindutin mo na rin ang notification bell para maging updated sa mga susunod pang anime facts at trivias! Hanggang sa muli, paalam!

Most Viewed Anime Articles

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend