Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Featured Articles

Paalala! Naglalaman ng spoilers ang videong ito, kaya kung di mo pa nababasa ang manga, mas mabuting ibang videos na muna namin ang panoorin mo. Pero kung manga reader ka naman na naghahanap rin ng sagot sa mga tanong mo, o kung wala ka namang problema sa mga spoilers, e I like mo na ang videong ito at samahan na kami sa kwentuhan!
Sa Attack on Titan series, marami itong twist na talaga namang nagdala rin ng pagkalito sa mga fans, pero in a good way naman. Patapos na ang series na ito, kaya naman ay talagang nakasubaybay ang fans sa bawat chapter na lumalabas. At netong mga nakaraang chapters nga eh talagang nagdala ng matinding palaisipan sa mga fans. Naipakitang ang Attack Titan pala ay may kakayahan na hindi alam ng iba, at naging dahilan ito para magbago ang pagtingin ng ilang fans kay Eren. “Ang Attack Titan ay may kakayahang makita ang mga ala ala ng kaniyang mga susunod na tagapag-mana. Ibig sabihin, may kakayahan itong makita ang hinaharap.” Dahil doon, lumutang ang tanong na kaya ba ni Eren palitan ang hinaharap? Maging ang nakaraan? Well, tingin ko, technically, kayang baguhin ni Eren ang nakaraan, pero wala na ring sense iyon at hindi sa paraang gugustuhin ng sino man. Oo, mahirap maipaliwanag ang time travel sa Attack on Titan kaya gagawin ko ang lahat para maipaliwanag sa inyo ito sa pinaka simpleng paraan. Tingnan natin ang ibang pagkakataon kung saan namention ang mga pangyayare sa hinaharap. Madalas gawin ito sa Attack on Titan dahil di naman masyadong nakakasira iyon sa flow ng story, at kung ano nang mga nangyare sa nakaraan e hindi naman nababago. Kaya tingnan natin ang mga pangyayareng naaalala ko. Balik tayo sa episode 1. Sa kasong iyon, parang may vision si Eren sa parang panaginip na paraan. Hindi natin nakita iyon sa manga kaya sa Anime na muna tayo babase. Sa vision na iyon naipakita ang mga mahahalagang pangyayare sa Season 1 ng anime series, at ilang mga kaganapan sa season 2 at 3. So, ang mga imaheng iyon ay syempre sa hinaharap, at sa pagkakataong iyon, tila ba naka lock na iyon. Hindi na mababago. Mahirap maipaliwanag, pero para sa titan shifters, ang mga kaganapan o ang oras ay nangyayare sa iisang pagkakataon lang. Sabay sabay, ika nga. May kinalaman ang cosmic strings doon na nagkakabit sa mga Eldians, pero wala akong gaanong alam tungkol doon. Ibig sabihin lang niyon ay wala nang mababago, at ang mga pangyayare sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ay nakatakda talagang maganap. Ito ang magdadala sa atin sa pangalawang example, sa vision ni Eren Kruger o ang tinatawag na The Owl bago niya ipasa ang Attack Titan kay Grisha Yeager. Ngunit, hindi sila gumawa ng mga pagbabago para masigurong mangyayare ito dahil sa oras na nakita iyon, ibig sabihin ay talagang nakatalaga na iyon na mangyare. May teorya ako tungkol dito, pero ito  pa lang ang ebidensiya. Tingin ko ay kahit pa nakikita nila ang hinaharap, wala naman silang ideya o context tungkol dito. Sa dulo ng season 3, kung saan nabanggit ni Eren Kruger na nakita niya sa kaniyang ala ala sina Armin at Mikasa, pero wala siyang ideya kung sino ang mga yon. Hanggang ganon lang. Hindi niya alam kung ano ang pwedeng gawin sa mga impormasyong iyon, kaya di niya maaaksyonan at maiiwasan ang mga mangyayare. Ngayon, paano ito mai rerelate sa tanong? Tingin ko, kahit pa makita nila ang maintindihan ang hinaharap sa primary level, kahit pa nakita niya iyon ay hindi na niya mababago pa ang mangyayare dahil locked na ang pangyayareng iyon. Kung sakaling may magagawa man sya para mabago iyon, hindi na niya makikita pa iyon para baguhin dahil ibig sabihin ay hindi iyon locked. Gets ba? Basta nakita niya, ayun na yon. Wala nang baguhan. Ang problema lang kasi ay dahil si Eren ang bida, wala na tayong makitang ibang karakter na nakagawa ng abilidad na ito. Ang mga shifters ay nakakakita ng mga ala ala ng kanilang pinagmanahan, pero sa pag kakaalam ko e wala na silang magagawa doon kundi gamitin bilang impormasyon para matuto. Para bang eksena lang sa TV. May teorya ako kung paano nakita ni Eren Kruger sina Mikasa at Armin sa kaniyang isipan, at kung ano ang ibig sabihin niyon. Maaaring dahil ang future holder ng Attack Titan ay nakuha na ang Founding Titan, at nagkataong nagagamit na niya iyon. Ang dahilan siguro para mangyare ang nakaraan, para gawin ni Grisha ang dapat niyang gawin, dapat banggitin ni Eren Kruger sa kaniya sina Mikasa at Armin, para mamotivate siya. Sa pagkakataong iyon, walang kontrol si Kruger sa kaniyang nakikita. Siya na mismo ang nagsabi na hindi niya alam kung kaninong ala ala ba ang nakita niya. Kaya tingin ko, ang ala ala na nakita niya ay para bang pinasok ng isang external force, para masigurong magaganap ang lahat hanggang sa kasalukuyan. Sa tingin ko ay narealize iyon ni Eren Yeager sa future chapters na ang nangyayare ngayon ay dapat ngang mangyare, at dapat masiguradong mangyayare iyon sa pamamagitan ng pag bisita sa nakaraan. At maaaring iyon nga ang nangyare, naglagay sya ng impormasyon kay Eren Kruger. Wala namang malaking pagbabago ang magaganap sa nakaraan dahil sa ginawa niya. Nagaganap ang lahat sa paligid nila. Para bang nasa isang container ang shifter na naglalaman ng lahat ng impormasyon mula sa nakaraan at hinaharap niya, pero wala siyang kontrol kung paano babaguhin iyon. So, long story short, walang kontrol si Eren sa nakaraan at kasalukuyan. Maaaring maka impluwensya lamang siya para masigurado ang daang tinatahak ng shifter. Dahil kung iisipin mo, kung may kakayahan siyang baguhin ang nakaraan, naligtas na sana niya ang kaniyang ina. Kaya ayun. Nagustuhan niyo ba ang mga impormasyong naibahagi ko sa videong ito? Kung oo ay I like mo na ang video, mag subscribe, at pindutin na rin ang notification bell para maging updated sa mga susunod pang anime trivias! Hanggang sa muli, paalam!

Most Viewed Anime Articles

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend