Featured Articles

Ano ang Otsuksuki Karma at ang Anim na Kapangyarihan Nito.
Malaking pagbabago ang dinala ng Otsuksuki Karma sa buhay ni Naruto, Boruto, at ng Hidden Leaf. Pero ano nga ba ang kapangyarihang meron dito?

Nang maipakilala ang Otsutsuki Clan sa Naruto Storyline, isang bagong mundo ng posibilidad ang nabuksan, dahilan para maging mas interesante ang Boruto: Naruto Next Generations. Ang isa sa mga talagang ‘tumatak’ na bagay mula sa kapangyarihang ito ay ang marka na tinatawag na Karma.

Ang kapangyarihang ito ang naging central topic sa kwento, dahil ang dalawang main characters na si Boruto Uzumaki at si Kawaki ay parehong mayroon niyon. Ang ilan sa mga missteryong bumabalot dito sa Karma ay nabunyag na sa ating mga fans, at sa videong ito ay samahan nito ako at isa isahin natin ang mga powers na naibibigay nito sa isang Karma user.

Ano nga ba muna ang Karma?

Ang Karma ay isang kapangyarihan na nagagamit ng mga miyembro ng Otsuktsuki Clan sa Boruto Series. Binibigyan rin nito ng abilidad ang user na maglagay ng marka sa katawan ng kahit sino at gamitin ito bilang isang Vessel.
Sa seal nakapaloob ang mga biological data ng isang Otsutsuki at nagsisilbing backup nila kung sakaling makatamo ng matinding pinsala sa labanan. Ibinigay ni Momoshiki Otsutsuki ang Karma kay Boruto ilang sandali bago siya mamatay. Ganon din ang ginawa ni Isshiki Otsutsuki kay Jigen.

Paano ito naibibigay/naipapasa?

Para maibigay ang Karma seal sa isang tao, kailangan ng physical contact. Hinila ni Momoshiki itong si Boruto at ang biological data nito ay naimarka sa kaniyang palad ilang sandali bago mamatay si Otsutsuki.
Samantalang si Isshiki naman ay inatake ni Kaguya at naiwang halos naghihingalo na. Isang monghe na nagngangalang Jigen ang saktong napadaan, at gamit ang akniyang shinking power ay pinasok niya ang katawan ni Isshiki para mabuhay ng matagal, at kalaunan ay binigay niya ang karma niya kay Jigen.

Ngayon, paano nga ba gumagana ang Karma?

Nagbibigay ang karma ng matinding kapangyarihan sa taong mayroon niyon. Ngunit, syempre lahat ng magandang bagay ay may kapalit. Dahil sa karma seal, unti unti nitong nilalamon ang taong namarkahan nito. Dahan dahang ineextract ng karma ang biological data ng Otsutsuki member na naglagay ng karma seal, at ginagawa niyang recipient nito ang katawan ng nasabing seal bearer.
Sa paglipas ng panahon, ang katawan na may karma seal ay nagbabago at nagiging kawangis o kamukha ng Otsutsuki member na nagmamay-ari ng karma, at pag umabot na sa puntong iyon masasabi na kumpleto na ang transformation. Mawawala na rin ang karma, at tila nabuhay na muli ang nasabing Otsutsuki member.

Ngayon, punta na tayo sa mga skills o powers na kaloob nito.

Power 1: Ninjutsu Absorption

Kahit na masasabi nating delikado ang karma sa user nito, matinding kapangyarihan naman ang kapalit na kadalasan ay natitrigger kapag kinakailangan na. Ang isa sa mga pinaka basic na ability ng karma ay ang kakayahan na higupin o mang absorb ng chakra-bases ninjutsu.
Ang ibang abilities na nanggaling sa totoong elements, gaya ng summoned flames, ay hindi maaaring mahigop dahil hindi sila jutsu. Pero maliban doon ay applicable na ang nasabing ability sa lahat ng technique.

Power 2: Flight o paglipad

Lahat ng Otsutsuki clan members ay may kakayahang lumipad kaya naman ay natural nalang din ito sa karma seal bearers. Hindi man sila makalipad agad sa unang stage ng karma, kapag naactivate naman na nila ang second stage ay makakalipad na sila.
Nagamit ni Boruto ang ability na ito nang kalabanin niya si Boro. Nag take over si Momoshiki sa kaniyang katawan noon, at dahil doon ay natalo niya agad ang Kara Inner sa loob lamang ng ilang segundo.

Power 3: Chakra Stealing

Ang ability na ito ay kamukha ng Preta Path ng Rinnegan, kung saan ay nagkakaroon ng kakayahan ang user na magnakaw ng chakra direkta mula sa katawan ng ibang tao. Isang beses palang naipapakita sa series itong ability na ito nang nakawin, o hiramin, ni Boruto ang chakra ng tatay niyang si Naruto para tapusin si Boro.
Matindi ang ability na ito dahil hindi lang niya nirereplenish ang chakra ng user, kundi nag de-drain din siya ng chakra ng target, dahilan para talaga namang katakutan ang move na ito.

Power 4: Chakra Rods

Lahat ng Otsutsuki clan member ay may kakayahang gumawa ng itim na chakra rods na ginagamit nila pantama sa vital points ng target, dahilan para masira ang flow ng chakra nito. Pinakita ni Momoshiki at ni Isshiki ang move na ito.
At dahil nga nagiging vessel ng Otsutsuki clan members ang mga karma seal bearers, kalaunan ay magagamit din nina Boruto at Kawaki ang nasabing ability.

Power 5: Space-Time Ninjutsu

Isa pang malupet na ability ng Karma ay ang pagbibigay nito ng ability sa user na makagawa ng Space-time ninjutsu at makasira ng ano mang barrier nang walang kahirap hirap. Nagka access si Jigen sa maraming dimension dahil nga sa siya ang bearer ni Isshiki.
Parehas na kayang gawin ito ni Boruto at Kawaki, ngunit dahil sa sobrang baba pa ng chakra levels nila para gamitin ito mag-isa, kailangan pa nilang magtulungan at pagsamahin ang kanilang karma para magamit itong ability na ito.

 

Power 6: Otsutsuki Level Strength

Gaya nga ng nasabi ko kanina, nagiging vessel ng isang Otsutsuki clan member ang isang Karma seal bearer. Iyon din ang dahilan kung bakit habang nawawala ang kanilang identity e siya namang pagtaas ng kanilang power level.
Ganito nalang, isipin mo, ang isang tao na may Karma ay may kakayahang sirain ang buong planeta. GANON KATINDE basta ba kaya nilang ma contain ang chakra ng isang Otsutsuki. Nang ipaubaya ni Boruto ang kaniyang katawan kay Momoshiki ay biglang lakas niya, dahilan para matalo niya si Boro sa ilang tirahan lang. Imagine kung makukuha niya ang full potential nito. Sobrang taas ng power level niyon.

Most Viewed Anime Articles

Report

Back to Top
Share via
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend