Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Kung mayroong babaeng makikita tuwing babanggitin ang Bloody Mary ng paulit-ulit sa harapan ng salamin. Nakilala o narinig mo na ba ang lalaking kinatatakuan na maari ding makita dito? Narinig mo na ba ang kwento patungkol kay Candy Man? Teka, hindi ito yung nagbebenta ng maraming candy na nakikita mo ha. Isa itong kwento patungkol sa isang lalaki na maari mong makita sa salamin.

Alamin natin kung ano ba talaga ang kwento dito,at kung saan ito nagmula.

History:

Taong 1992, lumabas ang isang horror movie patungkol sa isang urban legend. Ang kwento nga dito ay isang pinatay na alipin ang muling nabuhay upang maghiganti. Pinaniniwlaan na kung sasabihin mo ang salitang “Candyman” ng limang beses sa tapat ng salamin, ito ay iyong makikita.

Ayon sa screenrant, ang kwento ptungkol kay candyman ay mula sa dalawang urban legend. Sina Bloody Mary at si Hook man. Dahil nga ito ay makikita sa salamin at dahil na din sa hook nito na kanyang pinaniniwalaang ipinangpaatay niya sa kanyang biktima. Mula nga noon ay kumalat na ang kwento patungkol kay candyman at nakilala ito sa iba’t ibang lugar sa america.

Dahil ang kwento na ito ay sumikat sa mga kabataan sa America, ang pagtawag sa kaniya ay nagmistulang laro. May paniniwala nga na kung sasabihin mo ng limang beses ang salitang “Candyman” sa harap ng salamin, magpapakita ito sa iyo.

Urban Myths:

Ang paniniwala tungkol kay candyman ay isa itong black slave na nagngangalanag Daniel Robitaille na nagtatrabaho sa isang plantasyon. Dahil sa kanyang husay sa pagpinta, ipinatawag siya ng may-ari ng plantsyon na kanyang pinagtatrabahuhan upang iguhit ang anak nitong babae. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Nagalit ang may-ari ng plantasyon sa lalaki dahil sa nagkaroon ito ng relasyon sa kanyang anak na babae. Dahil nga noong unang panahon ay hindi tanggap ang mga maiitim na tao, hindi ito pinahintulutan ng ama.

Dahil hindi nya naman pwedeng swetuhin ang kanyang anak, pinagtuunan nya ng pansin ang alipin na lalaki. Ipinahabol niya ito sa kanyang mga tauhan at nahuli naman ito. Noong nahuli ang lalaki, ipinalagari ang kanang kamay nito saka tinapunan ng honey at itinapon sa pukyutan ng mga bubuyog.

Bago pa man ito mamatay, sumumpa ito na hahanapin niya ang taong pumatay sa kanya at maghihiganti. Pinaniniwalaan na ang ispirito nito ay hindi natahimik at nanatiling multo sa mundo. Pagala gala lamang ito hanggang sa mayroong tumawag sa kaniyang pangalan.

May paniniwala din na kung bubuksan at papatayin ang ilaw sa inyong banyo ng limang beses habang nakatapat sa salamin, makikita mo ang dalawang pulang mata. Magpapakita ito ng punong-puno ng dugo at wala itong ibang gagawin kung hindi patayin ang tumawag sa kaniya. Ang ilan ay naniniwala na kung mo sakaling makita mo ang pulang mata nito, tumakbo ka kaagad sa pinaka maliwanag na bahagi ng inyong bahay.

Bukod pa sa side story kung paano ba talaga naging “Candyman” ang isang “Candyman”. Pinaniniwalaan na ito ay isang kwento lamang din. Maraming tao at kwento ng mga tao ang nakakabit patungkol sa tunay na Candyman.

The Cyanide killer:

This is a true story. Taong 1974, isang bata ang namatay mula sa candy na kaniyang kinain mula sa trick or treat na kanilang ginawa kasama ang kanilang ama. Ito ay sina timothy at si Elizabeth at ang kanilang ama na si Ronald Clark O’Bryan.

Bago matulog, ang batang lalaki na si Timothy ay nanghingi ng isang candy sa kanyang ama at pinagbigyan naman ito ng ama. Pero sympre pagkatapos ay kailangang magsipilyo. Pero noong makain ito ng bata, nagsimulang bumula ang bibig nito at unti-unting namatay.

Base sa autopsy na isinagawa ng mga pulis, ang batang lalaki ay namatay sa fatal dose ng cyanide. Ang cynide din ay nakita sa kinaing candy ng bata. Kwinestyon ng mga pulis ang ama ng bata. Ayon sa ama na si Ronald, itinuro nito ang mga bahay na nagbigay sa kanila ng mga candy at ang isa dito ang nakalason sa kanyang anak.

Noong puntahan ng mga pulis ang bahay na itinuro ng ama ng bata, nalaman nilang walang nagbigay ng candy dito dahil sila ay naubusan na noon pa lamang 6:45 ng gabi. Ilang oras bago pa makapunta ang mag-aama dito. Dito napag-alaman din ng mga pulis na ang tatay ng dalawang bata ay mayroong halos 100,000 dollars na utang at walong buwan ng late sa pagbabayad ng kanyang sasakyan.

Napag-alaman ng mga pulis na si Ronald ay nagkaroon ng halos 21 trabaho ngunit hindi ito kumita at nabaon sa utang ang lalaki. Mas lalo pang nabawasan ang pera ng kanyang pamilya nang kuhanin niya ang life isurance ng kanyang anak na namatay. Ang 10,000 life isurance ni Timothy na kanyang anak.

Nagalit ang asawa ni Ronald noong tangkain nitong kuhanin maging ang life insurance ng kanyang anak na babae na si Elizabeth. Ikinagulat lalo ng asawa ni Ronald noong malaman nitong bago ang gabi ng pagkamatay ng anak niyang si Thimothy, tumawag si Ronald sa life insurance upang malaman kung ano ang mga policies at rules kung paano ito makuha. Ang ama ay kilala bilang devoted member ng second Baptist Church, mabuti at mapagmahal na ama sa kanyang pamilya. Ito ay nasiyentensyahan ng gulity sa pagpatay sa kanyang anak.

Noong makulong ang lalaking ito ay, binansagan itong “The Candy Man” ng kanyang mga kasama sa selda na nakalagay din sa Death Row. Ito ay namatay mula sa lethal injection.

Dean Corll:

Bukod sa kwento na ito, mayroon pang pinaniniwalaan na tunay na candyman. Ito ay si Dean Corll. Hindi ito basta-bastang lalaki ngunit ito ay kinikilala bilang isa sa “America’s Deadliest Serial Killer”. Kung sakaling narinig mo ang bansag na yan, alam mo na hindi lamang iisang tao ang napatay ng taong ito.

Mula sa kanyang tahanan sa Houston Heights, sa Houston Texas. Si Dean ay kilalang bilang mabait at ordinaryong lalaki lamang. Madalas itong makikita sa candy factory ng kanyang ina sa Houston heights at maganda ang pakikisama sa iba pang mga tao kanilang lugar.

Bukod sa pagiging mabait, kilala din ito bilang “Candy Man” sa kanilang lugar dahil sa pagbibigay niya ng libreng candy sa ilang mga batang pauwi galing sa eskwelahan. Ngunit sa lahat ng ito ay mayroong natatagong sikreto ang mabait na lalaking ito. Inilathala lahat ng isang 17 year old na lalaki na si Elmer Wayne Henley ang skiretong ito.

Ayon sa ilang report patungkol sa buhay ni Dean, mahirap sabihin kung bakit nito nagawang pumatay ng tao. Dahil nga naniniwala ang karamihan na ang lahat ng serial killer na walang awang pumapatay sa mga tao ay dumaan sa masamang buhay noong sila ay bata pa, si Dean ay nagkaroon ng magandang buhay. Kumbaga hindi naman sila naghihirap, maayos naman silang nakakakain at hindi kailangang magnakaw pa.

Pero ayon sa report, ang kanyang mga magulang ay hindi nagkaroon ng magandang pagsasama. Madalas ang mga ito ay nag-aaway at ang kanyang ama ay sobrang istrikto. Walang may alam kung ano bang kasleng disiplina ang nakkuha ni Dean sa kanyang ama mula noong ito ay ipinanganak noong 1939 hanggang sa tuluyan nang iwanan sila noong 1950.

Ang ina ni Dean ay ikinasal muli sa ibang lalaki na kinilala bilang isang traveling salesman at sila ay nanirahan sa Vidor,Texas. Ayon sa kanyang mga naging guro, isa itong masunuring bata at ang kanyang grado ay maganda at tulad ng isang normal na kabataan, nakikipag date din ito sa ga kabataang babae.

So,ano nga ba ang nagawa ng isang Dean Corll?

Well, pumatay lang naman ito ng halos 30 na kabataang lalaki na nasa edad 13 hanggang 20. Ang mga ito ay naireport na nirape, pinahirapan at bandang huli ay pinatay din. Ang lahat ng ito ay nangyari lamang sa loob ng dalawa at kalahating taon.

Taong 1964 ay nagserve sa US army si Dean ngunit ito na discharge dahil sa hardship exception. Noon pa lamang ay nagakroon ng report mula sa isang trabahador ng kanyang ina sa kanyang candy shop na ito ay kanyang minomolestya. Dahil sa ganitong paratang, ang lalaki ay tinanggal sa trabaho ng kanyang ina.

Bukod pa sa mga trabahador na lalaki na nagtatrabaho sa candy shop, ang mga kabataang lalaki na tumakas sa kanilang tirahan at mga kabataang lalaki na wala nang matirahan ay tinaggap na magtrabaho dito. Isa lamang ang gawain na ibinigay sa kanila ni Dean, ang magbigay ng candy sa mga bata na nag-aaral sa lokal na eskwelahan. Nagkaroon din ng report na masyadong malapit si Dean sa ilang batang lalaki. Noong una ay pamomolestya lamang at pagbibigay ng pera at iba pang bagay upang tumahimik ang mga bata sa ginagawa ni Dean.

Kinilala si Jeffrey Konen bilang pinaka unang biktima ni Dean noong 1970. Mula noong 1970 hanggang 1973 ay halos 28 na kabataang lalaki ang nadala kay Dean ng kanyang dalawang kabataang katulong sa paghahanap ng kanyang bibiktimahin at pagsasamantalahan.

Sina David brooks at si ELmer Wayne Henley na dahil sa kahirapan ay sumusunod sa kanyang mga utos. Ang lahat ng kanilang mga nakukuhang kabataan ay pinapasulat sa kanilang mga magulang upang ang mga ito ay hindi mag-alala. Ngunit ang mga lalaking ito ay hindi na makakabalik sa kanilang mga tahanan.

Noong 1973 ay natapos ang lahat noong barilin ni Henley si Dean ng anim na beses sa katawan dahil sa muntikang pangmomolestya sa dalawang babae na kanilang magiging biktima. Dahil sa hindi na nakayanan ni Henley ang lahat ay napatay niya si Dean.

Dahil sa krimen na nagawa, sina Brooks at henley ay nahatulan ng habang buhay na pagkakakulong dahil sila ay tumulong sa pagkuha at pagpatay ng mga naging biktima ni Dean na hanggang ngayon ay hindi sigurado kung ilang ang tunay na bilang ng napatay nito.

Si candy man ay maaring gawa ng imahinasyon o maaring mula talaga sa isang tao. Ang alam natin ay may mga taong pumatay at gagawin ang kanilang gusto para sa kanilang ikakasaya at mya mga taong isusugal ang sariling pamilya para lamang makatakas sa kanilang problema.

Kung nais mo mang tawagin si Candyman sa inyong banyo, well, it’s your choice. Maari mo na din isabay si BLoody Mary upang malaman kung sino ang unang magpapakita sa kanila.

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/p_fS_8Zl3Xc

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend