in ,

Totoo nga ba ang Dogman o isa itong prank na naging totoo?

Isa na namang urban legend, pero this time, mas plausible ito mga boss. Dahil maraming sightings ang nilalang na ito. Pamilyar naman kayo sa dogman diba? Yung katawan ng tao pero ulo ng aso.

Kilala din ito sa tawag na cynocephali at maraming reports way way back na they really existed. Posible nga kayang mayroon pang specie na nakaligtas? Posible nga kaya na sila ang ninuno ng mga werewolf?

Oo nga pala, sa mga bagong viewers jan, gumawa po ako ng video ng taong aso o ung cynocephali, duon dinuscuss ko po ng mas detailed ang kanilang existence. Kung di nyo pa po napapanood, try to watch it after this mga boss.

Relative:

Ang michigan dogman ay nakilala dahil sa nasa isang lugar lang ito madalas nagpapakita, hence the name. Pero kagaya ng goatman, posible rin kayang meron itong kapatid o parehas na specie sa ibang lugar?

Sa wisconsin, kilala ang isang nilalang sa tawag na beast of bray road. Ang nilalang na ito, base sa paglalarawan ay isang werewolf.

Katulad ng dogman ng michigan, ang beast of bray road ay kaya ding tumalon ng mataas, tumakbo ng mabilis at kadalasan nagpapakita tuwing gabi.

Abilities:

Ayon sa mga reports, ang dogman ay may kakayahang tumalon ng napakataas. ayon pa sa mga witness, may kakaiba rin itong boses, parang isang sanggol na nagwawala, malakas at nakakairita.

Bilang part dog, mayroon din itong incredible speed. May isang account naman na nakita ito sa isang highway na sobrang bilis ng pagtakbo at kagaya ng mga wolf mga stealthy din ang mga ito. Kadalasan hindi gumagalaw hanggang sa ang hinuhunting nito ay malapit na sa kanya.

Warrior:

Nuong 1860, ang mga cheyenne ay nagtayo ng kanilang grupo ng mandirigma at tinawag nila itong dog soldiers o dog men. Ang mga native americans nuon ay nagaalay ng oras, possibly taon pa, para lamang maging isa sa kanilang spirit animal. Kadalasan ginagaya nila ang mannerism ng kanilang spirit animal, ang everyday life nito, ang way ng pakikipagsalamuha at iba pa.

Ayon sa kwento, ang mga cheyenne dog men ay pinaslang ng mga militar ng US sa pakikipaglaban. Ayon naman sa mga kwento na nagpasalinsalin sa mga tribo, hindi lahat ng miyembro ng cheyenne dog men ay napaslang, ayon sa mga matatanda ang iba ay nabuhay at nakaligtas dahil nag anyong mga aso ito.

Cook Song:

Nakilala ang cryptid na ito dahil sa isang april fools prank. Nuong 1987 ang mga DJ na sina Steve Cook at Jack O’Malley ay napatugtog ng isang kanta kung saan inimbento nila ang dogman sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng iba’t ibang kwento kagaya ng bigfoot at jersey devil.

Sinulat nila ang kanta at pinatugtog sa kanilang radio show. Nuong una walang reaction sa mga listeners. Pero matapos ang ilang araw may mga listeners na naghihintay na patugtugin nila muli ang kanta. Habang meron namang ibang listeners na nakita nila ang nilalang na isang prank lamang.

Again mga boss, itong mga details na ito ay prank lang, inamin ng mga DJ.

Ayon sa kanta, nagsimulang magpakita ang dogman nuong June 1887 kung saan nakita ito ng mga mangangaso at hinabol nila ito pero di din nila naabutan.

10 taon matapos nito, isang magsasaka ang natagpuiang patay sa kanyang sinasaka. Namatay sya sa atake sa puso at sa paligid nito ay mayroong bakas ng paa ng aso. Pitong taon matapos nito, isang biyuda ang napanaginipan ang isang halimaw na tumayo sa dalawa nitong paa.

Nuong 1917 naman, isang sherif ang nakakita sa isang karwahe ang natagpuan na mayroong bakas ng paa ng aso sa paligid nito. Ang 4 na tao ay natagpuang patay ng nakadilat ang mata. Ayon sa examinasyon, namatay sila sa sobrang takot.

and so on and so forth. Again mga boss, ito ay prank lamang ng kanta. But then again, papaano ang mga taong nagreport na nakakita sila ng ganitong nilalang? Hindi kaya ang kanta lang ang nagbigay daan para maliwanagan ang halimaw na ito?

Gable Film:

Ang pinakanakapagpalakas ng ebidensya na ang crpytid na ito ay ang Gable Film. Isang video recording ang natagpuang on sale sa isang box, nuong pinanood ito, dito nakita ang isang kakaibang nilalang. Nuong una mukhang normal naman ang lahat, normal na video recording. Pero sa bandang dulo makikita ang isang mabalahibong nilalang na para bang nakahiga, parang nagbabantay hanggang sa atikihin nito ang nagvivideo.

Maganda sanang evidence ito…. kaya lang…. proven na hoax ang video. Sayang….. Gayunpaman, marami pa ring naniniwala na authentic ang cideo na ito.

Kayo mga boss, naniniwala ba kayo na totoo ang mga taong aso?

Report

Written by bulalordyt

What do you think?

Leave a Reply

Ano ang dahilan bakit hindi agad nakabalik sa buwan?

LENTICULAR CLOUDS