Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 9 minutes
advanced divider

Maraming mga kwento kwento tungkol sa tibet. Ilan na nga dito ang lost countries kagaya ng shangri-la, hindi shangri na mall ha. Isa pa sa mga kwento ay ang mga tibetan monks o ung mga lamas na mayroon daw supernatural abilities. Ilan lang yan sa mga kakaibang kwento ng mga tibet pero alam nyo ba na sila ay pinaniniwalaang descendant ng isang alien na mula sa sirius solar system?

Now before you react, pseudo science ang channel na ito which means the idea of alien and alike will not be contested, nasa viewer na yan kung anong take nya. Tara na at simulan na natin.

Shambhala:

Description of the Kingdom of Shambhala – Mandalas Life

Ayon sa buddhist legend, mayroong tinatawag na napakangandang kaharian, nag shangri la. Isa itong sacred place at kadalasan tinatawag din na shambahala. Ang lugar na ito ay punong puno ng bulaklak at napapaligidan ng bundok na natatabunan naman ng mga nyebe.

Ang shambala ay imbakan ng mga sinaunang kaalaman mula sa pinakaunang sibilisasyon. Dito nagpunta si buddha at naintindihan ang sinaunang karunungan.

Ang shambala ay tinitirahan ng tinatawag na enlightened supermen at sila ay nakatago sa mata nating mga mortal. Ang shamabala ay hindi nakikita kagaya ng wakanda, kahit lumipad ka pa sa eroplano, hindi mo ito makikita. Pero merong isang lugar na konektado sa shambala. Ito ang potala.

Ang potala ay lugar kung saan ang mga dalai lama ay naninirahan sa lhasa. Pinaniniwalaan na ang potala ay may sikretong lagusan sa ilalim na syang magdadala sa shambala.

Ayon sa mga eksperto ang shambala ay hindi sa sentro ng tibet bagkus sa likod nito. Kagaya ng sa Thai Mythology, ang misteryosong lugar ng Te-bu ay pinaniniwalaan nasa pagitan ng tibet at sichuan. Ayon anman sa historian na si Jeffrey Ash, matapos nyang pag-aralan ang central asian at greek texts, napagtanto nya na ang shambala ay nasa norte, di kalayuan sa altai mountains.

Ayon naman kay Helen Blavatska, founder ng theosophical society, ang shambala ay posibleng nasa gobi desert. Habang ang hungarian philolohist naman na si Kosma de keres ay naniniwala na ang shambala ay nasa silangan sa may kazhakstan. Kahit na ganito ang mga pananw ng ibang eksperto, marami ang naniniwala na wala talagang pisikal na lugar ang shambala. Kumbaga wala dito sa ating mundo bagkus nasa ibang dimension o nasa higher level of conciousness.

Vril:

50 Years of Conspiracy Theories - Nazis and the Vril Society ...

Ang shambala ay nakokonekta sa ibat ibang kwento at mitolohiya, isa na nga dito ang kilalang agartha. Pinaniniwalaan na mayroong mga underground tunnels sa ibat ibang kontinente na syang nagkokonekta sa potala.

Ayon naman sa libro ni Alec Mclellan na the lost world of agartha, ipinaliwanag nya ito na ang agartha ay ang tahanan ng mga sinaunang tao na nakatago sa mundo pero ang mga ito ay kinokontrol ang mundo ng pasekreto, meaning hindi natin alam. Ang pwersa na kanilang ginagamit ay “vril”

Maraming mga occultist na manunulat ang naglabas ng kanya kanyang libro tungkol sa isang sibilisasyon na hindi nakikita at nakatira dito sa mundo kasama natin. Pero ang pinaka kilalang tao na naniniwala sa mga misteryosong tao na ito pati na rin ang kanilang lokasyon sa ilalim ng mundo ay walang iba kundi si hitler. You see, so adolf hitler ay obsessed na ma master ang secret power ng mga agharans at ito ang nakikita nyang paraan para magtagumpay sya sa kanyang plano na world domination at matayo ang tinatawag na Millennium Empire.

Ang isang kompanya na tinatawg na Vril Company ang isa sa main occult society sa nazi germany. Sa katunayan si Hitler ay nagpadala ng ilang scientific expedition para hanapin ang sinasabing lagusan pero wala silang nakita.

Tumo:

Is that normal in Norfolk? Self-styled Norwich Ninja takes to the ...

Ang mga tibetan buddhist monks ay mayroong superhuman achievements na hindi pa naipapaliwanag ng siyensya. Isa na nga dito ang tumo kung saan ang mga monghe ay kayang pataasin ang kanilang body temperature to the point na kaya nilang magtagal sa isang kweba na napapaligiran ng nyebe sa buong winter at wala silang ibang damit kundi ang pang monghe lang, ang iba kaya pa na walang damit.

Ang Tumo skills ay nakukuha sa pagpraktis ng yoga at mga test kung ang isang monghe ay na master na ang skill na ito. Isa sa mga test ay ang pananatili ng buong gabi sa isang ilog na sobrang lamig at walang saplot. Pero hindi pa natatapos dyan kailangan ang kanyang tutulugan ay kaparehas din ng temperatura ng kanyang katawan kumbaga sobrang lamig, pag bumaba ang temperatura, kailangan nyang basain ang kanyang tutulugan hanggang sa matapos ang buong gabi. So in short bawal matulog.

The Flash:

Lung-gom-pa - Wikipedia

May tinatawag na Running lung gom ang mga monghe ng tibet at ito ang mabilis na pagtakbo kahit na nasa snow pa. Imaginine ninyo ang bigat ng snow. Ito marahil ay dahil sa kanilang extreme training kasama na ang pagbawas ng timbang at matagalan na konsentrasyon.

n sa mga eksperto kayang tumakbo ng isang tibetan monk ng 19 kilometers sa loob ng 19 minutes. Sobrang bilis nun kumpara sa normal na takbo. Ayon sa libro na Mystics and mages of tibet, ang researcher na si alexandra david neal ay nanahan sa tibet ng 14 years at nakita nya ang aktwal na pagtakbo ng isang tibet monk. Gusto nya itong kuhanan ng litrato pero ito ay pinagbabawal. Ayon sa escort ni alexandra, kapag nagambala ang conciousness ng tumatakbo, magagambala din ang lama sa kanyang deep concentration at posible nitong ikamatay.

Alien:

Simple math shows how many space aliens may be out there

Napakaraming misteryo ng tibet ano? From Agartha to super powers, one might think na baka hindi sila dito sa mundo natin. Well, ayou sa isang kakaibang libro na  “The Gods of the sun in Exile” na pinaniniwalaang sinulant ni Karyl Robin Evans na nanatili sa tibet nuong 1947 at namatay nuong 1974 ang mga tibetan race ay tinawag nyang dzopa o dropa at sila ay degenerate offspring ng mga aliens mula sa sirius star system. You see, ayon sa libro, ang sasakyan ng mga alien na ito ay nag crash dito sa mundo natin 10,000 BCE specifically sa tibet at nakipaghalubilo sa mga tao dito sa atin.

Hati ang mga eksperto sa libro dahil ang iba sinasabi na totoo ang libro habang ang iba naman ay skeptical tungkol dito. Honestly ako skeptical din ako dito dahil kung ibabase natin ang science ang 2 magkaibang DNA. O di naman kaya ang mga anak ng alien ay naiwan dito satin. But still, hindi pa rin sila makakapagreproduce dahil iba ang sets of DNA. Anyway, nasa inyo na yan kung anong paniniwalaan ninyo.

 

advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.