Syokoy

Reading Time: 11 minutes

Topics

Ang karagatan ay isang napakalaking lugar na pinamamahayan ng napakaraming nilalang. Mga nilalang na para sa ating mga tao ay kakaiba at kung minsan ay pinaniniwalaan na ang mga nilalang na ito ay delikado para sa mga normal na tao. Anjan na ang mga pating, ang mga dikya at iba pang mga nilalang sa ilalim ng dagat na talaga namang nakakatakot.

Pero minsan ba naisip mo nuong nasa dagat ka, parang mayroong humahawak sa mga paa mo? Parang merong mga kamay na humahaplos dito? O hindi naman kaya pagsisid mo sa dagat, sa malayo ha, hindi sa pampang, baka mamaya sa pampang ka lang sumisid, abay good luck sayo.

Yung tipong pagsisid mo sa dagat, nakagoggles ka, naghahanap ka ng mga gumagalaw sa ilalim nito, tapos all of a sudden may makikita ka, korteng tao nasa malayo. Anong unang papasok sa isip mo? Thats right, tropa mo, ay mali, i mean syokoy, syokoy ang paguusapan natin ngayon. Roll intro na nga.

History:

Sino ba ang nagpasimula patungkol sa nilalang na ito? Yan ang unang katanungan na naglalaro sa isip mo ngayon. Come to think of it, sa ibang lugar may sirena, pero bakit wala silang syokoy?

Ayon sa history, ang libro ni Terry Breverton na kanyang pinamagatan na “Phantasmagoria: A Compendium of Monsters, Myths, and Legends” ay nagpapaliwanag na bago pa magkaroon ng kwento patungkol sa mga sirena ay mayroon nang kinikilalang Merman.

Kinilala noong ang Babylonian god of sea na si Ea.Ang nilalang na ito ay pinaniniwalaan na tagapagtanggol, at tagapag turo ng iba’t ibang kaalaman patungkol sa iba’t ibang bagay.

Ayon sa ilang mga research, ang kwento patungkol sa mga nilalang na namumuhay sa karagatan ay mula sa isang Roman naturalist na si Pliny the Elder. Ang kinilalang Gaius Plinius Secundus o mas kilala bilang Pliny the Elder (AD 23/24–79)) ay siang Roman Author, naturalist at isa ding philosopher. Ayon sa ilang mga sinulat ni Pliny, ipinaliwanag niya kung ano ang Legatus ng Gaul o ang  pinaka mataas na posisyon sa militar noong unang panahon.

Ang Legatus na ito ay sumulat sa Emperor na kinilala bilang si Augustus. Ayon sa sulat ni Pliny, nakakita ang Legatus ng ilang katawan na nakakalat sa pampang ng karagatan. Idinagdag pa ni Pliny ang kwento patungkol  sa ilang “Sea-men” na sa tuwing sumasapit ang kadiliman, ang mga ito ay aakayat sa mga malalaking barko at doon ay uupo lamang at ilang oras lamang ay lulubog din sa karagtan.

Noong 16th century, ang kinilalang manunulat at isa ding cartographer na si Olaus Magnus, ay naglabas ng isang mahalagang mapa na tinawag na “Carta Marina”. Isa itong mapa na pinaninwalaan na magdadala sa lugar  ng mga taong dagat o ang mga nilalang kasama na ang mga mermen o merfolk.

Ayon din sa ilang mga sulat ni Magnus, nagpapaalala ito sa mga mangigisda na mag-ingat dahil ang mga makakita ng ganitong nilalang ay talaga namang mamalasin.

Noong kalagitanaan ng 16th century, isang French naturalist na si Guillaume Rondelet ang naniniwalang siya ay nakakuha ng dalawang specimens patungkol sa kaniyang pinaniniwalaan na sea monk at bishop Fish.

Ayon naman sa ilang mga research, ang kwento patungkol sa mga Merfolk ay nagmula sa isang legend na pinamagatang “Legend of Echra.” Ang kwento na ito ay hindi patungkol sa isang lalaki ngunit patungkol sa isang babae na ipinadala sa karagatan dahil sa kanyang pagtatangakang pagmamahal sa araw.

Ang naging tawag sa nilalang ay “Baovveche” at ang kanilang salita ay tinawag na Mermish at nagagamit lamang sa ilalim ng karagatan. Ayon sa ilang mga research, isa itong pidgin na kung saan dalawang salita na pinagsama. Ang lengwahe na ito ay ginagamit din na dialekto ng ilang mga tao na nakaitira malapit sa karagatan.

Ang paniniwala patungkol sa mga mukhang taong nilalang na nabubuhay ay makikilala din sa iba’t ibang  lugar. Ang mga siyokoy na nasa Pilipinas ay mayroon ding alamat sa Japan, mga kwento na makikilala sa Greek Mythology at ilang mga ancient folklore na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa din ng ilang mga tao.

Story:

Makikita ang isa sa kilalang kwento na nakapaloob sa One Thousand and One Nights, ang kwento na “Abdullah the Fisherman and Abdullah the Merman,”. Ayon sa kwento patungkol dito, ang kinilalang si Abdullah ay nagkaroon ng abilidad na makahinga sa ilalim ng karagtan.

Dahil sa kanyang kakayahan, nahanap niya ang isang siyudad na kung saan hindi tulad ng nasa ibabaw ng karagatan. Ang mga nilalang na nabubuhay dito ay walang saplot at hindi uso ang pera at hindi din uso ang pagdadamit.

Kung aalamin ang kwento na pinaniniwalaan ng mga Pilipino sa ilang mga isla, ang siyokoy ay isang nakakatakot na nilalang na kung saan nanlulunod ito ng mga mortal na tao.

Matapos nilang malunod ang mga taong ito, ito na din ang kanilang magiging laman tiyan. Sila din ang pinaniniwalaang dahilan ng ilang kakaibang pangyayari na nangyayari sa gitana ngh karagatan.

Merfolk Charateristic:

Kung ang mga taga Pilipinas ang tatanungin patungkol sa itsura ng nilalang na ito, hindi ito isang mukhang tao ngunit isa itong halimaw. Kapag sinabing halimaw, mayroon itong nakakatakot na itsura. (Parang ung kapitbahay lang namin dito, nakakatakot na ang itsura, nakakatakot pa ang ugali). Ang kanilang katawan ay nababalot ng kaliskis, katulad ng mga isda, ngunit sila ay nakakatayo na para bang isang tao.

Ang kanilang katawan ay makikitaan ng mga hasang sa ilang bahagi ng kanilang katawan. Katulad din ng isang isda, ang mga ito ay mayroon ding palikpik o yung parang tusok na makikita sa likod ng mga isda. Ang kanilang balat ay pinaniniwalaan na kulay berde at ang kanilang mata minsan ay pinaininiwalaan na kulay pula o hindi naman ay katulad lamang ng isang tao.

Ang kanilang kamay ay magkakadikit. Katulad ito ng kamay natin pero parang katulad sa isang palaka kung saan matatawag na webbed hands and feet. Mayroon itong manipis na balat na nakadikit sa bawat bahagi ng kaniyang mga daliri. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay maaring kulay berde o hindi naman ay kulay kayumanggi.

Ang mga siyokoy ay lalaki lamang at hindi maaring isang babae. Dito sa atin pinaniniwalaan natin na ang babaeng syokoy ay mga sirena at ang lalaking sirena ay mga syokoy pero kung isasama natin ang ibang mythology, ang syokoy at sirena ay magkaibang nilalang. Oo parehas silang nasa tubig pero iba sila ng pamumuhay. Ang mga siyokoy ay nakakalakad at nakakatayo dahil na din sa dalawang paa nito na katulad sa atin.

Ang mga ito ay nagkakaroon ng ilang interaksyon sa ilang mga tao na nakatira lamang sa lugar na malapit sa kanilang tahanan, lalo na ang mga siyokoy na naninirahan lamang sa mababaw na bahagi ng karagatan.

Ang ilang mga paniniwala ay hindi naman masama ang lahat ng kanilang lahi pero ang mga siyokoy na namumuhay sa malalim na bahagi ng karagatan ay masama ang ugali at madali itong magalit. Ang iba ay nagbibigay ng tulong sa ilang mga tao lalo na ang mga nalulunod, o hindi naman kaya ang mga barko na na aksidente sa karagatan. Ang ilang tao naman ay nagbibigay ng alay upang mabayaran ang tulong na ibinigay sa kanila.

Ang ilang mga paniniwala ay ang mga siyokoy ay nakasama sa lahi ng mga Cecaelisa o yung mga halimaw na makikita sa karagatan na mayroong katawan ng pusit. Maari din na sa isang Locathahs na isa namang katawang isda; isang Alghollthu at isang iku-tursos na mga halimaw na pinaniniwalaan na nabubuhay sa karagatan.

Similar Mythology:

Tulad ng nasabi ko kanina, hindi lamang sa Pilipinas mayroong paniniwala patungkol sa ganitong uri ng mga nilalang. Makikilala sa Roman at Greek mythology ang kinikilalang anak ni Poseidon na si Triton. Noong una ay maroong ilang paniniwala na si Poseidon mismo ay pinaniniwalaang kalahating tao at kalahating isda.

Ngunit mas pinaniwalaan na ang anak niyang si Triton ang mayroong nagtatagalay ng ganitong uri ng katawan. Si Triton ang kinikilala bilang isa sa pinaka malakas na sea god. Makikilala din sa Scandanavia Mythology si Havfrue na isang merman, pinaniniwalaan ng mga tao sa German na ang isang ito ay mayroong maikling pasenya kung kaya’t madali lamang itong mainis.

Makikilala naman sa Russia ang isang water spirit na kinilala bilang si Vodyany na kung saan laging sumusunod sa mga manlalayag o hindi naman ay sa mga mangingisda na kanyang natitipuhan na biktimahin.

Dahil nga kilalang kilala na ang mga nilalang na ito sa iba’t ibang parte ng karagatan, naisipan na din itong hanapin ng mga eksperto o ng mga scienctist. Ang mga eksperto ay nililibot ang karagatan upang mahanap lamang ang mga nabubuhay na nilalang na ito, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakakita ng ebidensya na magpapatunay na mayroon ngang nabubuhay na siyokoy sa karagatan.

Kung ating titignan sa panahon ngayon, ang kanilang kwento ay nabubuhay pa din sa kaisipan ng mga taong nabubuhay sa isang isla o mga taong nabubuhay malapit sa karagatan. Hindi na natin ito maaalis at hindi natin ito pwedeng alisin. Kasama na ito ng ating kultura at pamumuhay.

Basta’t mag-ingat sa paglangoy sa tubig. Wag mo na silang hanapin pa sa ilalim ng malawak na karagatan dahil kapag nakita mo sila, tiyak na nakita ka rin nila at alam naman natin kung ano ang susunod na mangyayari. Magingat palagi.

 

 

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Laman Lupa

Ang 8 ulo ahas ng japan