Succubus

Reading Time: 12 minutes

Topics

Sa maraming taon na lumipas sa ating mundo, iba’t ibang mga nilalang na din ang naimbento o nagawa ng mga tao. Ang iba kathang isip, ang iba ay nangyari mismo sa kanila.

Sa tuwing may mga pangyayaring hindi maipaliwanag, mga pangyayaring hindi normal, dito na lalabas ang isang ideya na baka hindi tao o baka mayroong kakaibang nilalang na naging dahilan ng pangyayaring ito.

Kadalasan ay ang mga halimaw na pinaniniwalaan na nagiging dahilan kung bakit may mga taong namamatay sa kanilang pagtulog.Kilalanin natin ang Succubus.

Histoty of the Devil Woman:

Ayon sa ilang pag-aaral ng mga historian sa kilalang nilalang na ito, kilala na ito bago pa mabuhay ang iba’t ibang nilalang na nakilala ng mga tao. Ang salitang Succubus ay nagmula sa pinagsamang Latin word na ang ibig sabihihn ay  “To lie Down”. Marahil ito nga ang kanilang itinawag sa nakakatakot na nilalang na ito dahil ang lahat ng napapatay nito ay mga lalaking natutulog.

 

So, going back, ang salita na ito ay unang narinig noong Medieval English. Mas lalo itong nakilala noong 15th century ng mga eksperto at naging laman ng iba’t i bang usapan ng mga theologians. Mula sa pagpapaliwanag kung paano ito nagsimula, kung paano ito maiiwasan at kung paano ito pumapatay ng tao.

 

Sa pagtagal ng panahon, ang Succubi o ang Succubus ay naikabit din sa mga mangkukulam. Naniniwala ang ilan na ang mga babaeng mangkukulam ay sinusubukang mang seduce ng mga lalaki sa kaanyuan ng Succubi. Noong pumasok ang Renaissance at Romantic period, mula sa itsurang demonyo ng babaeng halimaw na ito; napalitan ang paniniwala na isa itong matalino at magandang babae na nang-aakit sa mga kalalakihan.

Lilith And the Succubus:

Mula sa paniniwala ng mga Summerian, Egyptian, Greek, Roman, Judaic, at maging mga Kristyano, nakilala ang  isang demonyong babae na pinangalanang Lilith. Si Lilith o Lilitu ay unang nakilala sa Sumerian culture bilang isang goddess ng fertillity at witchcraft. Ayon sa paniniwala ng summerian, si lilith ay maaring magbigay ng anak sa mga kababaihan at maari ding magturo ng ilang mahika.

 

Mula naman sa paniniwala ng mga Assyrains at mga Babylonians, si Lilith ay pinaniniwalaang kampon ng kadiliman kung saan isa din itong demonyo. Kung pupunta naman tayo sa paniniwala ng mga Griyego, si Lilith ay binigyan ng pagkakakilanlan bilang Lamia.

 

Para sa iba naman, si Lilith ay ang pinaniniwalaan na unang asawa ni Adam bago pa dumating si Eve. Dahil na din sa ayaw ni Lilith na pagsilbihan si Adam tulad ng utos ng Diyos, umalis siya sa pangangalaga ng Diyos at naglakbay ng mag-isa dahil ayaw nyang mapanigbabawan ni Adam dahil nga pantay naman sila.

 

Ayon sa kwento at paniniwala, mas nagustuhan ni Lilith ang mga demonyo kumpara sa kabaitan na ipinapakita ni Adam at doon nagsimula siyang makipagtalik sa mga ito. Pinaniniwalaan din na si Lilith ay nagluluwal ng halos o lagpas pa sa isang daang sanggol sa loob lamang ng isang araw. Ang mga sanggol na ito ay tinawag na Lilim.

 

Ang mga anak ni lilith ay pinaniniwalaan na mga babae lamang at dinala din ang kagandahan at ugali ng kanilang ina pero ang mga ito ay hindi tao kundi mga demonyo. Sa tagal ng panahon ay sila na din ang kinilalang Succubi.

Succubus Story:

Ayon sa mga kwento, ang Succubus ay kinikilala bilang Lilin Demon na kung saan makikita bilang anyong babae o hindi naman ay anyong demonyo pero kadalasan nagaanyo silang mga magagandang dilag para naman mas maakit nila ang kanilang biktima. Ang nilalang na ito ay pinaniniwalaan na dumadalaw sa panaginip ng mga lalaki upang sila ay maakit, kung minsan ay nakikipagtalik ang mga ito sa panaginip ng mga lalaki.

 

Ayon sa paniniwala sa nilalang na ito, mas gusto nitong bisitahin at biktimahin ang mga lalaking malakas ang pananampalataya sa may kapal. Mula sa pagtulog at panaginip ng lalaki na kanilang bibiktimahin, unti-unti nitong uubusin ang dugo, ang hangin, at ang enerhiya na mayroon ito hanggang sa tuluyan na itong mamatay sa kanyang panaginip.

 

Mayroong ilang paniniwala na kung saan hindi na kailangan pang puntahan ng Succubus sa mismong lugar na tinutulugan ng kanyang bibiktimahin na lalaki. Ang kapangyarihan nito ang nagbibigay sa kaniya ng kakayahan upang makapasok sa panaginip ng lalaki at doon niya gagawin ang pagpatay sa lalaki ng hindi man lang nito napapansin.

 

Ang kalimitan na napapanigipan ng mga lalaking kanilang biktima ay ang pakikipagtalik sa kanila, upang mas makuha nila ang loob nito sa panaginip. Pinaniniwalaan din na ang pagtatalik sa panaginip ng lalaking biktima ay syang magdudulot ng pagbubuntis ng isang succubus. Ang isang succubus ay mayroong kakayahang pumasok sa katawan ng isang namatay na babae. Kung gaano katagal, well hindi natin alam. Pero dahil nga wala ng lifeforce ang biktima, malamang ay saglitan lamang ito dahil hindi na rin mamamaintain ng isa succubus ang patay na katawan.

 

Kapag pumasok ang succubus sa katawan ng patay na babae muli itong mabubuhay at makakalakad muli sa lupa. Dito na sila maghahanap ng mga lalaking bibiktmahin upang kanilang makain. Tama, kainin ang laman nito. You see, Naniniwala din ang iilan na hindi lamang ito pumapasok sa panaginip, ngunit gusto din nito kumain ng laman loob upang magpalakas sa kaniya.

Succubus Characteristic:

Pinaniniwalaan na mula pa noong unang panahion, kahit na ang pagkakakilala sa nilalang na ito ay isang demonyo, makikita mo ito bilang isang magandang babae. Pero syempre, isang balat kayo lamang ang itsura na ito.

 

Makikita ito bilang isang babae na mayroong mahabang buhok, makinis ang balat, at maganda ang pangangatawan. Ang succubus ang magpapakita ng isang masasabing perpektong itsura ng isang babae. Ang nilalang na ito ay ipinapakita ang kanyang magandang kutis upang mas madaling maakit ang kanyang bibiktimahin na lalaki.

 

Noong Medieval age, ang mga succubus ay ipinapakita ang kanilang tunay na anyo, ang kanilang anyo na kung saan kapag nakita mo ay mapapatakbo ka kaagad. Ang mga ito ay iniilarawan bilang mas maliit pa sa isang normal na tao. mayroong pangil, mahahabang kuko at ang kanilang paa ay kulubot na para bang paa ng isang bayawak.

 

Kilala ang mga ito bilang mapanlinlang, malisyoso at magaling magmanipula ng mga lalaki. Ayon sa paniniwala, ang pagkakakilala sa Succubus noong unang panahon ay hindi naman talaga nila kailangan na akitin ang mga lalaki, ngunit kailangan nila ang pakikipagtalik upang makuha ang lakas ng lalaki at upang madagdagan ang kanilang lakas.

 

Para sa panahon ngayon, makikilala ang succubus na ginagamit ang kanilang kagandahan, katalinuhan at ang kapangyarihan upang makuha ang isang lalaki. Mula sa kanilang matatamis na salita, madali nilang mapapasok ang isipan ng lalaking kanilang bibiktimahin. Ayon sa paglalarawan, mayroon itong pakpak na katulad ng pakpak ng paniki, mayroon din itong baluktot na sungay at ang kanilang mata ay nagliliwanag sa gabi.

 

Sa ibang  paniniwala, ang nilalang na ito ay hindi diretso na kinikilala ang kaniyang biktima ;ngunit ito ay kaniya lamang susundan mula sa malayo at doon na din nito nagagawang pasukin ang isipan nito.Ang mga succubus na pinaniniwalaan na sumasanib sa patay na babae, hindi mo itong makikitang patay ngunit makikita mo ito bilang maayos at buhay na buhay.

 

Ngunit sa sandaling magutom at sa sandaling kakain na ang halimaw, ang dating magandang mukha ay magiging mukha ng halimaw at makikita mo na magbabago ang mata na mayroon ito. Ang bibiig nito ay lalaki at maglalabas ng malalaking pangil.

 

Paborito nitong kainin ang laman loob at ang puso ng kanyang bibiktimahin na lalaki.

Succubus and the Sleep Paralysis:

Kung minsan ang mga ito ang palaging ikinakabit sa mga pangyayari na hindi makagalaw ang mga lalaki sa kanilang pagtulog. Ang tawag ng mga eksperto dito ay sleep paralysis. Ang paliwanag ng mga eksperto sa pangyayari na ito ay dahil sa sporadic condition ng utak, nagkakaroon ng consciousness ang kanyang utak bago pa maramdaman ng kanyang katawan.

 

Mula sa ganitong kondisyon, ang isang tao ay nakakaranas ng hallucination na kung saan nararamdaman niya ang lahat ng senses na mayroon siya. Sa tuwing nangyayri ito, nakakaramdam din ang biktima ng isang malubahang takot. Ito ang dahilan kung bakit napagkakamalan na mayroong sa demonyo ang  pangyayari na ito.

 

Maraming paliwanag ang siyensya patungkol sa ganitong pangyayari, ngunit kung minsan ay mayroon pa din mga bagay na hindi masagot ang ilang eksperto sa medisina. Tulad na lamang ng ilang pagkamatay ng ilang lalaki sa pagtulog. Naniniwala ang ilang mga eksperto na dahil lamang ito sa kanilang pagkain bago matulog o komplikasyon sa kanilang katawan.

 

Mayroon ding ilang report patungkol sa isang 24 year old male na nagakaroon ng ilang hallucination dahil sa ilang pag take ng Cannabis o marijuana.

 

Ayon sa report na lumabas patungkol sa kaso na ito, nakaranas ito ng mga makakatotohanag hallucination, mula sa kanyang nararamdaman, nakikita at naririnig. Ayon sa lalaki, naririnig niyang nagco-confess ng pagtingin ang kanyang guro sa kanyang harap. Dito naramdaman niya ang iba’t ibang pakiramdam na para bang totoo ang lahat ng pangyayari.

 

Dahil na din sa pagtake ng drugs, dumaan din sa rehabilitation ang lalaki sa tulong ng panggagamot sa kaniya ng mga doktor at ilang mag eksperto. Matapos ang rehabilitation, ayon sa lalaki, naniniwala ito na lahat ng kanyang nararamdaman ay hindi totoo at dahil lamang ito sa halusinasyon na binigay ng gamot o droga sa kanya.

Similar Creature:

Ang nilalang na ito ay kilala sa iba’t ibang parte ng bansa, pero bawat bansa ay may ibang pagkakilanlan sa isang succubus. Nariyan ang Lamia na pinaniniwalaan sa Greek myhology. Ayon sa paniniwala ng mga Griyego, isa itong napakagandang reyna ng libya na naging isang demonyo na kung saan gustong gustong kumain ng mga bata. Pinaniniwalaan na ito ay anak ng kilalang Diyos ng karagatan na si Poseidon.

 

Ang kinikilala ding Yakshini sa India, ang Mogwai na nasa China at ang Deer Woman na pinaniniwalaan ng mga taga America ay maihahalintulad sa isang succubus.

 

Kung ako ang tatanungin, kung makikita ba natin ang mga nilalang  na ito sa panahon ngayon. Well, makikita pa din natin ito. Sa gilid gilid tuwing gabi.Maaring tunay na babae o hindi naman ay nagpapanggap na babae. O wag mo serysosohin , Joke lang, to naman.

 

Sa panahon ngayon ay madami nang palabas ang nagawa ng mga tao, nariyan ang  Jennifer’s Body, ang iba’t ibang palabas patungkol sa aswang at sa iba pang mga nialalng. Pinapakita din dito kung paano mapatay ang mga ito, kung ano ang mga dapat gawin upang malayo sa kanilang atensyon.

 

Demonyo man ito o hindi, halimaw man ito o kung anong nilalang, ang kaunting paniniwala ay hindi naman makakapekto ng masama sa iyong isipan at pangangatawan. Mag-ingat sa pagsunod-sunod sa mga babaeng magaganda at alamin muna kung totoo ba itong babae. Malay mo si mayla pala, may lawit.

 

Meron ba kayong mythological character na gustong itopic? How about ang mga urban legends na mayroong mga halimaw? Kung may naiisip kayo na hindi pa naitotopic dito sa channel, inaanyayahan ko kayo na magregister sa aming website at isubmit ang inyong request ng sa ganuon ay hindi mawala sa kawalan at maakit ng succubus ang inyong request.

Sources

Sources

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang taong may super power

Bakit Tayo nakakaramdam ng takot