Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Ang idea na meron tayong kaluluwa ay talaga namang pinagaaralan na simula pa nuong sinaunang panahon. Iba’t ibang mga kultura ang sumubok na ipaliwanag ang existence ng kaluluwa o espirito sa kanilang mga paraan.

Ang kaluluwa ay isang importanteng parte ng relihiyon at naiuugnay ito sa afterlife, reincarnation at spiritual waorlds. Ibig sabihin ang konsepto ng kaluluwa ay halos nasa lahat ng relihiyon at karaniwan ang pagpapapaliwanag dito ng bawat relihiyon ay complex at detalyado.

Para sa mga naniniwala at hindi naniniwala, ang kaluluwa ay simbulo ng kanilang buhay at ang idea ng pagkawala ng kaluluwa ay nagamit na saiba’t ibang mga kwento at mga pelikula kagaya nga ng sikat na si Faust. Sa ibang kultura, kagaya ng skull hunter tribes sa indonesia. Naniniwala ang mga ito na ang kaluluwa ay nasa isang parte ng ating katawan kaya kapag nahuli nila ang kalabang tribo, hindi makakapunta ito sa kabilang buhay o magagamit ng kalabang tribo ang kaluluwa para sa kanilang advantage.

Ang mga sinaunang ehipto ay mayroon ding paniniwala tungkol sa kung saan gawa ang kaluluwa ng isang tao. Ayon sa kanilang paniniwala, ito ay nahahati sa 9 na bahagi. Ang chat, Ba, Ren, Shut, Ib, Ah, Sahu at Shechem. 8 dito ay immortal at ang pang syam ay ang pisikal na kaanyuan kung saan mananatili sa realidad.

Tuklasin natin ang paniniwala ng mga ehipto.

CHA (Body)

Ancient Egyptian conception of the soul - Wikipedia

Ang mga sinaunang ehipto ay naniniwala na ang pisikal na kaanyuan ng isang tao ay parte ng kanyang kaluluwa at ito ay tinatawag nilang Cha o Chat. Isa itong istrumento na ginagamit ng ating kaluluwa dito sa mundo. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mummification ay napakaimportante para sa mga egyptians, ang pagppreserve ng material body ay pinaniniwalaan na mappreserve din nito ang kaluluwa. Matapos ang kamatayan ng isang tao, mayroon pang mga sacrifice na ginagawa para sa pisikal na katawan at kaluluwa para patuloy itong makakuha ng lakas supernaturally.

Ba (Personality)

BA - the personality / energy personality essence | The Anci… | Flickr

Ito ay naglalaman ng lahat ng elemento para maging unique ang isang personalidad ng isang tao. Ito ay tinatawag na Ba ng mga ehipto at ito ay mayroong hugis ng isang ibon at may ulo ng isang tao. Hinahayaan nitong makapaglakbay ang isang kaluluwa sa mundo ng mortal at espiritwal.

Si Ba ay isang nilalang para sa mga ehipto na naglalakbay sa mundo ng mga mortal at ng mga dyos pero naniniwala din ang mga ito na parte ito ng kaluluwa ng isang tao kung saan binisita ng isang tao ang mga gusto nyang lugar.

Kumbaga ito ung mga lugar na mayroong special connection para sa isang tao na syang sumisimbolo sa dalawang mundo. Isang ispiritwal at isang pisikal.

Ren – real name

Nine Parts of the Human Soul According to the Ancient Egyptians ...

Ang mga pangalan ng sinaunang egyptian ay hindi alam ng mga tao well bukod sa kanilang mga diyos. Ang pangalan ay napakaimportante at makapangyarihan at isa din itong parte ng kaluluwa. Ito rin ang may hawak ng abilidad na makakasira sa kaluluwa ng isang nilalang. Which makes me think diba sa exorcism kailangan malaman ang pangalan ng demonyo? Could it be na nakadikit ang pangalan sa kaluluwa?

Sa buong buhay ng isang tao, ang kanyang pangalan ay isa lang alyas, walang may alam ng totoo nyang pangalan o ang REN dahil kapag nalaman ito, kaya na nitong sirain ang mismong kaluluwa nito. Hanggat ang REN ay nananitili, ang kaluluwa ay patuloy na mabubuhay.

NAniniwala ang mga taga ehipto na kapag naembalsamo ng maayos ang isang bangkay at nakumpleto ang mummification, ang Ren at ang kaluluwa nito ay patuloy na mabubuhay.

Isang text mula pa nuong 350 AD na tinatawag na Breath Book ang naglalaman ng pangalan ng mga sinaunang egyptians. Sa pamamagitan ng pagsusulat, naniniwala ang mga ito na ang kanilang mga kaluluwa ay mananatiling buhay.

Ang pagpreserve ng pangalan, kagaya ng ren ay isang importanteng proseso para sa preservation ng isang kaluluwa. Ang pagkasira ng ren ay ang pagkasira ng kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pinakaayaw na tao nuong sinaunang ehipto kagaya ni Akhenaten ay sinira o tinanggal ang kanilang pangalan sa monumento matapos nilang mamatay.

Ka – essence of life

Ang Ka ay ang life essence ng isang tao. Ayon sa mga egyptians, Si Ka ang nagluwal kay heket isang fertility goddess o si Meschenet. Si Ka ang nagbigay buhay sa mga bagong silang na sanggol at ang buhay na ito ay namamaintain sa pamamagitan ng paginom at pagkain.

Kaya ang katawan natin o ung cha ay nangangailangan ng nutrients at ang Ka naman ang kumukuha ng nutrients dito supernaturally. Kumbaga ang katawan natin ay ang bahay lamang ng ating kaluluwa. Yan ay ayon sa mga ehipto.

Shut – Shadow

Here Is How Shadows Are Formed

Ang mga sinaunang ehipto ay naniniwala na ang anino natin ay parte ng ating kaluluwa. Dahil ang anino ay hindi nawawala, kasama natin ito saaan man tayo magpunta kaya naniniwala ang mga taga ehipto na ito ay parte ng ating kaluluwa.

Si Sut ay isang tagapaglingkod ni anubis ang dyos ng mummification ng ehipto. Ang paglalarawan kay Shut ay isang maitim na tao. Parang isang anino if you will.

Ang ibang mga ehipto ay nilagyan ng shadowbox ang mga funeral ng mahal nila sa buhay para si ssut ay manirahan dito. Ayon sa book of the dead ng mga taga ehipto, ang kaluluwa ng isang tao ay umaalis sa libingan sa form ng isang anino.

Ib – heart

Heart - Wikipedia

Kagaya ng mga tao ngayon, ang mga sinaunang ehipto ay alam na ang puso ay ang sentro ng emosyon ng isang tao. Ito rin ang sentro ng intensyon, kagustuhan at pagiisip. Ibig sabihin, ang Ib o ang puso ay isa sa pinakaimportanteng bahagi ng kaluluwa.

Sa panahon natin ang paglalarawan na ito ay isa na lamang metaphor pero sa mga taga ehipto ito ay ang pisikal na puso. You see, naniniwala ang mga ito na kapag namatay ang isang tao, ang kanilang puso ay titimbangin sa pen of truth, panigurado napanood nyo na ang gods of egypt kung saan tinitimbang ang isang tao laban sa isang balahibo. Sa sinaunang ehipto literal na puso ang titimbangin hindi tao. Kapag mas mabigat ang puso, hindi ito pwedeng pumasok sa kabilang buhay at kakainin ang kaluluwa ng demonyon si ammit. Kapag mas magaan naman ito sa balahibo, hahayaan itong makatawid sa kabilang buhay.

Para maprotektahan ang IB, ito ay iniimbalsamo sa mas espesyal na paraan at tinatabi kasama ng katawan. Kasama din ang tinatawag na heart scarab. Isa itong amulet na magbibigay proteksyon sa puso.

Oh – the eternal self

Ito ay ang magical combination ng Ba at Ka at nirerepresenta ang enlightened immortal being. Ang magical union ng Ba at Ka ay posible lamang sa pagbibigay ng tamang uneral rites.

Ang oh minsan tinatawag din na Ah ay hindi kagaya ng ibang parte ng kaluluwa ay hindi nanantili sa cha o sa katwan bagkus ito ay nakatira sa mga diyos kasama ang mga bituin at pumupunta lamang sa cha kapag kinakailangan. Ito rin ang nagrerepresenta ng katalinuhan at kagustuhan ng isang tao. Ito rin ang nagbibigay koneksyon sa mga taong yumao at sa mga mahal nila sa buhay sa pamamagitan ng panaginip.

Sahu – judge and spiritual body

Ang sahu ay isang aspeto ng Oh. Kapag ang kaluluwa ay napatunayang pwedeng pumasok sa kabilang buhay, ang Sahu ay mahihiwalay sa ibang mga parte nito.

Kagaya ng Ah, ang sahu ay kaya ding lumitwa sa panaginip. Ang pinagkaiba nito sa Ah it kunukunsidera na isa itong espiritu na naghahanap ng paghihiganti at kadalasan ito rin ang sinisisi sa kamalasan ng mga tage ehipto nuon.

Sechem – life energy

Chakras are Entry Gates of the Universal life energy.

Hindi ganuon kakilala ang sechem pero kinukunsidera ito na parte ng enerhiya ng isang buhay. Kapag pumanaw na ang isang nilalang at tanggap nya ito at napatunayan na sya ay makakapasok sa kabilang buhay, ang sachem ay mananatili sa mundo ng mga patay. Ayon sa book of the dead ng mga taga ehipto, ang sachem ay inilalarawan bilang pwersa at lugar kung saan ang diyos na si horus at osiris ay nananahan.

Ang mga sinaunang ehipto ay hinati ang kaluluwa sa iba’t ibang bahagi kung paano nila ito pinapahalagahan. Ito ang nagrerepresenta ng core ng kanilang paniniwala. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng mummification.

SOURCCES

Sources

  1. https://thoughtcatalog.com/christine-stockton/2018/05/everything-you-need-to-know-about-the-incubus-demon/
  2. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1
  3. https://www.deliriumsrealm.com/incubus/
  4. https://mythology.net/demons/incubus/
  5. https://mythology.wikia.org/wiki/Incubus
  6. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1
  7. https://www.timelessmyths.com/arthurian/merlin.html
  8. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend