Sino ang pinakaunang bampira?

Reading Time: 11 minutes

TOPICS

Ang bampira ang isa sa pinakakilalang halimaw, nakita na natin ito sa iba’t ibang pelikula kagaya ng twiglight, interview with a vampire at my favorite, ang van helsing. Mostly alam na rin natin ang mga ayaw at gusto ng isang bampira, alam na rin natin ang kanialng mga kahinaan. Pero ano nga ba ang bampira? Saan sila nagsimula? at more importantly, buhay, i mean, kasama pa rin ba natin sila ngayon?

Vampire:

First off, ano ba ang bampira? Dito sa atin, kadalasan kionacategorized ito bilang aswang, kayang magtransform mula paniki hanggang sa pangit na halimaw. Sympre karamihan sa atin alam ang kwento ni dracula kung saan nakipagkasundo daw ito sa demonyo at sya ang naging kaunaunahang blood sucker, pero alam nyo ba mga boss na hindi si dracula ang first vampire?

Ayon sa history, ang vampire ay isang klase ng revenant. Ang revenant mga boss ay isang patay na nilalang pero nabuhay muli ito dahil sa mga kasamaan na ginawa nito nuong sya ay nabubuhay pa, o hindi naman kaya meron pa syang unfinished bussiness. Nuong unang panahon, pinaniniwalaan na ang vampires ay isang klase ng revenant kung saan sinisip sip ng mga ito ang dugo ng kanilang biktima.

Ang kaunaunahang paglalarawan sa bampira ay hindi gwapo, hindi rin mukhang tao, hindi kagaya ng napapanood natin sa movies, im looking at you edward ng twilight. Ang mga sinaunang bampira ay mga bangkay. Nabubulok ang mga laman. Pinaniniwalaan din na sila ay bumabalik sa kanilang mga ataol tuwing umaga at lumalabas tuwing gabi para maghanap ng mabibiktima.

Ang isang senyales na may pagalagalang revenant o bampira ay kapay nakakita ka ng butas sa may libingan. Ang mga butas na to ang ginagwang lagusan ng mgabampira.

Hebrew and Greek:

By now, alam natin na ang bampira ay mostly sa european folklore at kumalat na lamang ito sa buong mundo. Pero ang bampira ay may kaparehas na nilalang sa hebrew at sa greek mythology.

Unahin muna natin ang hebrew,  Si Lilith at ang estries. Gumawa na din ako ng video ni Lilith, para sa mga hindi pa nakaakpanood, try to watch it after this. As an overview, si lilith ay isang babaeng demonyo na kumukuha ng mga bata. Gustong gusto nito ang mga dugo ng mga bata lalo na ang mga nasa sinapupunan pa lamang.

Habang ang estries naman ay isa ring babaeng demonyo pero ang mga ito ay walang pinpili, kahit sino aatakhin nito makakuha lang ng dugo.

Sa greek mythology naman, isang mortal na lalaki ang nagkaroon ng pagtingin sa isang babae kung saan ito rin ang babaeng gusto ni apollo, ang diyos ng araw. Gusto nyang pakasalan ang nasabing babae at dahil sa kanyang determinasyon, sinumpa sya ni apollo na maging isang bampira.

Early beliefs:

Nuong unang panahon, natatakot ang mga tao na ang mga taong namatay na masasama at hindi naniniwala sa diyos ay muling babalik bilang isang masamang nilalang.

Maraming mga kultura ang nagdokumento ng mga tao na tumaliwas sa simbahan at nuong namatay ay naging bampira. Ito rin ang paniniwala sa russia kung saan kapag ang isang tao ay lumaban sa russian orthodox church, kapag ang taong iyon ay binawian ng buhay, ito ay magiging revenant.

Ang isa pang paniniwala ay kapag ang isang tao ay isang mangkukulam. Kaya’t ang mga tao nuong unang panahon ay takot na takot sa mga ito, dahil nga kapag napatay mo ang isang mangkukulam, babalik ito bilang isang bampira at panigurado babalikan ka nito.

Ang mga bangkay din nuong unang panahon ay kinatatakutan lalo na’t kapag walang bantay. Ayon sa paniniwala, kapag ang isang tao ay namatay, ang espirito nito ay hihiwalay at kapag hindi binantayan ang katawan, posibleng pasukan ito ng masamang espirito at ito ang magpapanggap na yumao when in fact, isa na itong masamang nilalang.

May ibang pamahiin naman na kapag ang isang hayop, yung wild ha, tapos tumalon ito sa bangkay, ang bangkay ay mabubuhay at magiging bampira sa susunod na gabi. How or why it happened, hindi ko alam.

But wait, theres more, pamilyar naman kayo sa black plague diba? Well nuong middle ages, ang mga taong hindi nakapag-aral ay naniniwala na ang salot ay dulot ng bampira kung saan dumating ito ng gabi para bigyan ng sakit ang mga tao. Ito ay posibleng dahil sa mantsa ng dugo na nakikita sa kanilang mga bibig na kung hindi ka nga pamilyar sa sakit, iisipin mong supernatural ito.

Dahil sa paniniwalang posibleng maging bampira ang isang yumao, mayroong ginawang preventive measues ang mga sinaunang tao. Itoo mga boss ay ang pagpugot ng ulo sa namatay na. Sympre nga naman patay na so make sense na pugutin ang ulo para talagang hindi na bumalik pa.

Habang ang iba naman ay nililibing ang kanilang yumao ng pabaliktad ng sa gayon, kapag ang isang bangkay ay nabuhay muli, maghuhukay ito paakyat, pero dahil nga nakabaliktad, patuloy itong maghuhukay sa baba.

Meron pang isang method kung saan pinapako o tinatali ang mga bangkay ng sa gayon hindi makagalaw, habang ang iba naman ay sinisira ang mga tentons at mga buto sa tuhod para hindi na ito makalakad pa.

Those were the early days.

First Vampire:

Hindi man known o well known si ambrogio, posibleng isa sya sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng bampira. Remember the greek mythology mga boss na sinabi ko kanina? Let’s go to his detailed story.

Ayon sa mythology, si Ambrogio ay binibisita ang templo ni apollo, ang diyos ng mga araw at dito nya nakilala ang oracle ng templo na si Selena. Sa unang tingin pa lang nabighani na agad si Ambrogio sa dilag. Gusto nya itong pakasalan pero hindi alam ni ambrogio na si apollo ay may gusto rin kay selena.

Nalaman ni apollo ang saloobin ni ambrogio at bilang lalaki, sympre kailangan ielminate ang kanyang karibal. Sinumpa ni apollo si ambrogio na masusunog ang balat nito kapag nasinagan ng araw.

Nabadtrip si ambrogio dito, sabi nya, gago ka apollo, lumaban ka ng patas, suntukan tayo.

Dahil sa kanyang kalagayan, humingi ng tulong si Ambrogio kay hades at artemis. Pinakinggan naman ni hades ang request ni ambrogio pero binagyan nya ito ng pagsubok.

“Sige, tutulungan kita, pero kuhanin mo ang pana ni artemis, nagaarchery kasi ako kaya kailangan ko ng pana”

Nakuha naman ni Ambrogio ang pana ni artemis. Nalaman ni artemis na nawawala ang kanyang silver bow. Sympre nagalit si artemis at sinumpa nya si ambrogio na masusunog ito kapag nakahawak sya ng pilak bilang ganti sa pagnanakaw nito.

Sympre may pusong mamon si Artemis kaya’t di rin nagtagal ay pinatawad nya si ambrogio at tinulungan ito. Binigyan ni Artemis si ambrogio ng superhuman strength, immortality at pangil na pwede nyang pampatay sa mga halimaw.

Eventually, si Selena ay nakataas kay apollo at all this time, ang mahal nya pala si Ambrogio. Pero sympre, si selena ay isang mortal, si ambrogio binigyan ng immortality.

To the rescue muli si ninang artemis at sinabi nito kay ambrogio na inumin ang dugo ni selena. Si Selena ay mamatay pero ang kanyang espirito ay magigign immortal at makakasama nya na ito #4ever. Ayon pa sa alamat ang pinagsamang dugo ni Selena at Ambrogio ay kayang gawin ang isang tao bilang bampira.

Possible Explanations:

Isang posibleng source ng inspiration ng bampira ay ang kondisyon na tinatawg na porphyria. Ang isang taong merong ganitong kondisyon ay magiging sensitibo sa liwanag at magkakaroon ng reddish brown teeth.

Sympre isa itong red flag dahil nuong unang panahon, wala pang graveyard work, kadalasan morning talaga. Wala pang call centers nuon eh. Kaya’t kapag ang isang tao ay hindi lumalabas ng umaga tapos makikita nila reddish brown pa ung ngipin na posibleng pagkamalan na dugo, kaya ayon, akala mga bampira sila.

Ang isa opang medical condition ay tinatawag na hemeralopia kung saan ang isang nilalang na meron nito ay nagiging bulag kapag umaga. At kagaya ng nauna, sa gabi lang sila malayang nakakagalaw.

Dahil nga nuong unang panahon, nagisisimula pa lang ang science, ang kawalan ng kaalaman sa decomposition o pagkabulok ng katawan ng tao ay posibleng naging dahilan din sa paniniwalang ito.

So totoo ba ang mgabampira? Well yes they are, in fact hanggang ngayon existing sila,  marami sa kanila makikita mo online, nagtatago, hindi ung wampipti ang sinasabi ko ha, ung mga tao o grupo na bumibili ng dugo at iniinom nila. Some of them are normal people na sumasakay sa trend, feeling bampira, some of them… well who knows, baka nga totoo ang bampira.

Alam ko wala si vladimir putin jan, ay sorry, vlaf the impaler pala. We have a seperate video sa history nya. Sa ngayon general info muna tungkol sa bampira. Kayo mga boss, naniniwala ba kayo sa bampira?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Freemasons part 3 – Papaanong nagsimula ang Freemason sa Pinas

Hindi talaga nakalapag ang apollo sa buwan?