Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 9 minutes
advanced divider

Kung naniniwala ka sa past life at reincarnation, ang kwento ni Dorothy Eada ay talaga namang magiging interesting sayo.

Si Dorothy Eady ay kilala din bilang om seti o omm setts. Isa syang cartoonist sa egyptian monuments authority at naging kilala dahil sa kayang contribution sa egyptology at ang research nya sa abydos. Bukod sa kanyang propesyonal na pagkakakilanlan, kilala din sya sa kanyang claim na dati raw syang egyptian priestress.

Ang kanyang trabaho at buhay ay laman na ng iba’t ibang documentaries, articles at biographies. Kahit ang new york times sinabi na “one of the most interesting and compelling cases of reincarnation recorded in the Western world today.”

Accident:

Dorothy Eady - Alchetron, The Free Social Encyclopedia

Si Doroth Eady ay pinanganak nuong blackdeath, sa London nuong 1904. Ang kanyang mga magulang ay sina Reuben Ernest Eady at Caroline Mary Eady. Nagiisang anak si Dorothy at ang kanyang tatay ay isang master tailor. Nuong sya ay tatlong taong gulang, nalaglag ito sa hagdanan at natakot ang mga doktor na hindi na sya makakasurvive. Pero ang aksidente na ito ang nagbago sa kanyang buhay dahil sa misteryo na dala nito.

Matapos maaksidente ni Dorothy, naging kakaiba ang kinikilos nito. Nagpakita ito ng foreign accen syndrome at laging sinasabing babalik sya sa kanyang tahanan. Para sa mga hindi pamilyar ito ung biglang magbabago ang accent ng isang tao. Ang pagbabagong ito ang naging dahilan naman ng ilan nyang problema sa buhay. Isa na nga dito ang pagkakatanggal nya sa religion classes matapos nitong ikumpara ang kristianismo sa sinaunang ehipto. Tinanggal din sya sa eskwelahan matapos nitong hindi kumanta ng isang hymn kung saan binabanggit ang isang sumpa para sa mga maiitim na egyptians. Hindi na rin sya dumalo ng catholic mass.

Visit:

Renovation of Egyptian Museum to include installing new lighting ...

Take note sa puntong ito hindi pa klaro ang memorya ni Dorothy kung saan ang kanyang tintatawag na tahanan. Isang araw, dinala sya ng kanyang mga magulang sa british museum. Habang naglalakad sa museum, pinasok nya ang isang kwarto na nakaexhibit para sa new kingdom temple at napansin nya ang litrato ni Pharaoh Seti I. Bigla syang napasigaw at sinabing iyon ang kanyang bahay.

Nilibot nya ang buong kwarto, tinitingnan ang mga artifacts na nakadisplay at hinahalikan ang mga paa ng mga estatwa. Naramdaman nyang kasama nya ang kanyang mga kalahi.

Matapos ang pagbisita na ito, lagi na syang pumupunta sa museum at nakilala nya din si EA Wallis Budge, isang kilalang Egyptologist at philologist. Namangha si Wallis kay dorothy at sinabing pag-aralan nya ang mga hieroglyphs at history ng egypt. Nuong World War 1, pumunta sya sa Sussex at nanirahan sa kanyang lola. Dito nya pinagpatuloy ang pag-aaral tungkol sa sinaunang ehipto sa pampublikong silid aklatan ng eastbourne.

Real Identity:

Omm Sety- The Reincarnated Priestess of Isis - YouTube

Nuong 15 si dorothy, binisita sya ng multo ni hor-ra sa kanyang panaginip at tinulungan nitong maalala ang kanyang nakaraan. Ayon kay dorothy, bago sya ipanganak bilang dorothy, sya ay isang egyptian woman na nangngangalang Bentreshit. Galing sya sa isang maayos na pamilya at ang kanyang ama ay isang sundalo na nagsilbi nuong namumuno ang pharaoh na si Seti I. Ang kanyang nanay naman ay nagbebenta ng gulay at namatay nuong sya ay 3 taong gulang pa lamang. Dahil na din sa trabaho ng kanyang ama, hindi sya kayang alagaan nito kaya’t pinadala sya sa Kom el, isang templo ng sultan.

Pinalaki sya sa templo hanggang sya ay naging isang priestress. Nuong sya ay 12 taong gulang, nagkaroon daw sya ng 2 option. Ang lumayag sa mundo o maging isang birhen at manatili sa templo. Dahil hindi pa alam ni Bentreshit ang kahulugan nuon, mas pinili nyang manatili sa templo at wala din naman syang ibang option bukod duon.

Ilang taon matapos nito, nakilala nya si Pharaoh sEti I at naging magkasintahan ang dalawa. Dahil sa pagmamahalan, nabuntis si Bentreshit at wala silang choice kundi sabihin sa high priest ang kanilang relasyon.

Nuong marinig ito ng high priest, nagalit ito at sinabing isa itong malaking kasalanan para kay isis at isa itong seryosong kasalanan at ang katumbas ay kamatayan. Dahil ayaw nyang ipangalandakan ang relasyon nila ng pharaoh, nagdesisyon si Bentreshit na magpakamatay na lamang para hindi na ito magkaroon ng trial.

Return:

Dorothy Eady and the Reincarnation of Omm Sety | Historic Mysteries

Si Dorothy ay gumuhit ng mga larawan at nagsulat ng articles para sa Egyptian PR Magazine sa London. Habang nagttrabaho, nakilala nyya ang isang egyptian student na si Eman Abedel Meguid. Nagkagustuhan ang dalawa at nagkaroon pa rin sila ng komunikasyon matapos umuwi ni Meguid.

Nuong 1931 si Meguid ay naging isang english teacher at tinanong kung gusto ba syang pakasalan ni dorothy. Tinanggap naman ito ni dorothy at tumira ito sa egypt kasama ang kanyang asawa. Pagdating nito sa ehipto, hinalikan nito ang lupa at sinabing sa wakas, nakauwi na sya. Nagkaroon ng lalaking anak si Dorothy at Meguid at pinangalanan itong Seta.

Pero hindi nagtagal ay nagdivorced din sila ni Meguid nuong 1935 at nagkaroon din ng trabaho sa office for monuments at lumipat sya sa Nazlat al-Samman. Matapos nag paghihiwalay, nakilala ni Dorothy ang egyptian archeologist na si Selim Hassan na nagttrabaho din sa monument office. Hinire sya nito bilang technical draftsman at secretary.

Si Dorothy ang kauna unahang babaeng empleyado ng departamento. Naging great asset sya ng opisina dahil na din na isa syang native english speaker. Dito gumawa sya ng mga articles, essays at monographs. Isa sa mga masterpiece nya ay ang archaeilogical research sa giza. Pinasalamatan sya ni Hassan sa kanyang gawa dito. Marami syang nakilalang mga egyptologists sa kanyang trabaho at nagkaroon ng maraming karunungan sa archeology. Matapos sumakabilang buhay ni Hassan, kinuha sya ni Ahmed Fakhry na nageexcavate sa Dashur nuong panahon na yon.

Matapos manirahan sa Cairo ng 19 na taon, si Dorothy ay lumipat sa Abydos at nagtayo ng bahay malapit sa mount pega the gap. Sa mga panahon na ito nakilala sya bilang “Omm Sety” na ang ibig sabihin ay “Sety’s Mother”.

Nagpublished sya ng maraming libro at nagkaroon ng malalim na pagintindi sa bansa. Ang isa sa pinakatinutukan nya ay ang temple of seti na nasa abydos. Sya din ang tumulong para madiskubre ang isang hardin kung saan ayon sa kanya, sya at si seti nuong nakaraang buhay nya ay nagtatagpo.

Si Dorothy ay namatay nuong 1981 sa edad na 77 at nilibing sa coptic cemetery sa abydos. Gayunpaman, ang kanyang legacy ay nanatiling buhay hanggang sa ngayon.

Posible nga kaya na isa syang reincarnation ng isang egpytian priestress? Kayo ano sa tingin nyo?

SOURCCES

Sources

  1. https://thoughtcatalog.com/christine-stockton/2018/05/everything-you-need-to-know-about-the-incubus-demon/
  2. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1
  3. https://www.deliriumsrealm.com/incubus/
  4. https://mythology.net/demons/incubus/
  5. https://mythology.wikia.org/wiki/Incubus
  6. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1
  7. https://www.timelessmyths.com/arthurian/merlin.html
  8. https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Incubus#cite_note-1
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.