Paring Pugot

Reading Time: 7 minutes

Topics

Naranasan nyo naman na siguro ung nagbrownout tapos ung lola o lolo mo biglang magkkwento ng nakakatakot, tapos tayong mga bata kukuha ng kumot pang talukbong para kapag nasa nakakatakot na part na, magtatago tayo kunwari.

Halos karamihan sa mga kwentong nakakatakot, hindi nawawala ang paring pugot na ulo, o di naman kaya pugot na ulo, pero mostly mga pari ang kwento. Bakit nga ba? Saan ba sila nagmula? Meron ba ito sa ibang bansa?

Origins:

Ang pugot is not your everyday ghost. Well actually may dalawang paglalarawan ang pugot. Ang isa ay ang pugot na pari which is ito ung dinidiscuss natin ngayon habang ang isa naman ay ang pugot mamu.

Parehas silang walang ulo pero magkaiba sila pag dating sa paglalarawan dahil ang pugot na pari ay multo lamang. Habang ang pugot o pugot mamu ay isang nilalang, nakakatakot na nilalang na pwede kang kaninin. Sa ngayon, isantabi muna natin ang pugot mamu. Dito muna tayo sa pugot na pari.

Hindi na iba ang mapugutan ng ulo sa mga pari lalo na nuong world war 2. Ginawa itong panakot sa mga tao. Marahil ang isang nagpatibay ng paniniwala dito ay dahil sa nasakop tayo ng mga espanyol at napalaganap ang kristianismo. You see, hindi rin iba sa kristianismo ang mapugutan ng ulo dahil sa kanilang paniniwala. Ang christianity ang nagpatibay ng kwento tungkol sa mga paring pugot dahil kahit sa bibliya ay nangyayari ito kagaya na lamang ni st. John the baptist.

Description:

Ang mga pugot na pari ay kasama na sa kwento ng mga eskwelahan, sinaunang gusali at kahit na simbahan. Ayon sa kwento, sila ang mga paring pinagutan ng ulo, hence the name.

Karaniwan silang nakikitang nakasuot ng itim o hindi naman kaya nakasuot ng katulad sa mga friars, ung kulay brown na kasuotan. May mga paglalarawan na ang kanilang dugo ay umaagos na para bang kamamatay lang.

May mga paring pugot na hawak hawak ang kanilang ulo kapag nakita mo ito, habang ang iba ay wala naman, pinaniniwalaan na kaya sila nagmumulto ay para hanapin ang kanilang nawawawalang ulo.

Gayunpaman, hindi natin alam kung bakit ang mga paring nakita na ang kanilang ulo o hawak hawak ang kanilang ulo ay nagmumulto pa rin. Marahil hindi na sila makapunta sa kabilang buhay dahil sa tagal nilang nanatili dito o hindi naman kaya hindi nila matanggap ang kanilang kamatayan. Habang ang ibang kwento naman, ang kanilang hawak hawak ay hindi nila talaga ulo, bagkus ulo ito ng ibang tao.

Similar Myths:

Hindi lang naman sa atin ang pugot na ulo, sa katunayan halos sa buong mundo ata meron nito. Laganap kasi nuong unang panahon ang pag pugot ng ulo. Sympre pag isang tao ay namatay ng pinugutan ng ulo, aakalain ng mga ibang tao na magmumulto iyon ng pugot din ang kanyang ulo.

Mayroong kwento sa south america kung saan merong isang pari na nagmumulto kapag hating gabi at tinatakot ang mga makakasalubong nya na naggagala pa rin kahit hating gabi na. Kagaya ng kilala nating pugot, wala ding ulo ang pari na ito although in some cases, nakitaan ito ng ulo pero ito ay bungo na lamang.

Ayon sa kwento, mahilig daw mag prank ang pari na ito at medyo may kamanyakan. Kadalasan binibisita nya ang mga babae at tinatago ang kanyang ulo nang sa gayon, kung sakaling makita man sya, hindi makikita ang kanyang mukha dahil nga nakatago ang ulo nito. Ikaw ba naman makakita ng paring walang ulo tapos nakaharap sayo ung katawan, ewan ko kung di ka magtatakbo.

Ayon naman sa alamat ng El Savador at iba pang Central American Countries. Ang headless priest ay isang paring namatay dahil sa kasalanan, hindi nya naconfess ang kanyang pagkakasala at ang kanyang kaluluwa ay mananatili dito sa mundong ibabaw.

Sa japan naman ang nukekubi ay isang headless monster. Pero ang pinagkaiba nito sa pugot na alam natin ay ang mga nukekubi ay tao sa umaga at nagttransform lamang ito sa gabi kung saan tinatanggal nya ang kanyang ulo at maghahanap ng mabibiktima.

Pugot sa Litrato:

Nuong unang panahon, when i mean unang panahon nuong wala pang mga photo manipulation software, kapag nakakita ka ng isang pugot na ulo sa litrato talagang kakabahan ka para sa taong un dahil ito raw ay nagbabadya na ang taong un ay mamatay o magkakaroon ng matinding sakit. Pero ngayon, pag nakakita tayo ng pugot na ulo sa litrato, anong unang papasok sa isip natin? Thats right, photoshop. Kaya mahirap ng maniwala ngayon dahil halos karamihan ay namamanipulate na, itong kapitbahay lang namin di ko mamanipulate na tumigil na sa kakatsismis eh.

Anyway idiscuss natin ang pugot na ulo sa litrato. I am sure 99.9% pamilyar kayo dito, para sa mga 1%, hoy anong ginagawa nyo sa buhay nyo! Di kayo updated.

All right, narinig nyo na ito sa mga kwento kesyo si burdagol daw nalitratuhan tapos nung nadevelop pugot ang ulo at ilang buwan matapos nito ay namatay.

May kwento pa nga na isang estyudyante daw ang sumakay sa isang jeep, magisa na lang daw sya sa jeep nuon ung driver tingin ng tingin sa side mirror tapos nung pumara sya hindi sya binaba sa kanyang bababaan bagkus direderecho ang driver. Natakot ang estyudyante para sa kanyang buhay. Makaraan ang ilang minuto binalik sya ng driver sa kanyang bababaan at binalaan ng driver na sunugin ang damit nito dahil nakita nya sa kanyang salamin na pugot ang ulo ng babae.

Could be na kwentong barbero, could be na totoo. Who knows. Isa ito sa mga paniniwala nating mga pilipino na hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin. May mga eksplenasyon kung bakit pugot ang ulo sa litrato, it could be angle, it could be lightning, maraming forces na naglalaro para makuha ang effect na ito. Pero para sa atin, isa itong totoong babala. Babala na dapat ay seryosohin.

Sources

Sources

  1. https://scribbles.rarejob.com.ph/archive/philippine-japanese-mythological-creatures-part-2/
  2. https://www.aswangproject.com/pugot-mamu/
  3. https://filipiknow.net/filipino-urban-legends/
  4. https://www.yourghoststories.com/real-ghost-story.php?story=2514
  5. https://www.wikiwand.com/en/Pugot
  6. https://kami.com.ph/28729-five-filipino-superstitions-might-might-not-want-know.html

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo po ba ang mga Assassins?

Vassili zaitsev