Narinig nyo na ba SnallyGaster?

Reading Time: 6 minutes

Snallygaster, ang cute ng pangalan diba? Parang napakafriendly… names can be deceiving, parang ako, bulalord, pangalan parang ulam o di naman kaya satanista pero mabait po ako at masarap, ung bulalo ung tinutukoy ko. Tong mga to talaga.

Karamihan sa inyo hindi pa ito narinig habang ang iba napanood na ito sa mga pelikula kagaya ng harry potter at fantastic beasts o kaya naman sa mga gamers, nakalaban nyo na ito sa fallout. Ang snallygaster ay nailathala na hundreds of years ago at may mga sightings daw ito.

Tara mga boss, tuklasin natin ang kwento ng snallygaster.

Origins:

Ang snallygaster ay hindi na bago sa kagubatan ng maryland. Sa katunayan ang mga sightings sa halimaw na ito ay nagimula nuong 1700’s.

Ang Area na kilala na ngayon sa tawag na frederick country ay minsang ginawangng settelment ng mga german immigrants nuong 1730’s  at kasama ng mga ito ang kanilang mga alamat at kwento.

Isa na nga dito ang kwento ng isang halimaw na inaatake ang kanilang komunidad at tinawag nilang itong “Schneller Geist”. Ang ibig sabihin ng Schneller Geist ay quick spirit.

Iniliarawan nila ito bilang isang multo, demonyo o hindi naman kaya aswang. Ito mga boss ang origins ng name ng snallygaster.

Sightings:

Ang sightings ng snallygaster ay sporadic pero patuloy itong nagpasalin salin sa mga henerasyon at nuong 1800, ginamit ang halimaw na ito bilang panakot sa mga alipin para hindi umalis.

Ayon sa kwento, ang snallygaster ay paborito ang mga negrong bata na pumupunta sa kakahuyan. Dahil dito, natakot ang mga african slaves para sa kanilang buhay at buhay ng kanilang mga anak kaya’t hindi ito lumalabas ng kanilang mga bahay kapag sumasapit na ang dilim. Although ginamit itong panakot, may iba na naniniwala na ito ay totoong nilalang.

Sa katunayan, Isang newspaper article na pinublish nuong 1909 ang naglathala na ang halimaw na ito ay dinala ang isang lalaki sa may paanan ng bundok kung saan nya ito kinain.

Ang kwento ng snallygaster ay nagpatuloy at naging popular nuong early 1900’s kaya naman ang presidente ng us nuon na si theodore roosevelt ay naengganyong hanapin ito.

Si president roosevelt nuon ay nagplanong pumunta sa african safari para maghunt, pero nuong narinig nya ang kwento ng snallygaster nagdalawang isip ito. Pero eventually natuloy pa rin ito sa Africa.

Isang local newspaper ang nagpalabas ng artikulo na meron na namang nabiktima ang snallygaster at ang smithsonian institution ay nag offer ng reward para sa katawan ng nasabing halimaw.

Pero hindi pa natatapos jan ang sightings, matapos maglabas ng reward ang smithsonian, nanahimik ang snallygaster, malamang nalaman nya din na shoot to kill na sya. Pero joking aside mga boss, ang kwento ng snallygaster ay lumitaw muli nuong 1953 at ayon sa kwento, ito daw ay napaslang ng mortal na kalaban nito, ang Dwayyo.

Dwayyo:

Hindi lang ang snallygaster ang nakakatakot na halimaw sa Maryland. Ito ay may mortal na kalaban na isa ring malaking halimaw at kaparehas nya ay kumakain din ng mga hayop at mga tao.

Ang Dwayyo o Dewayo ay isang napakalaking wolf, pero medyo may twist dito mga boss, dahil ang wolf na ito ay parang wolf sa red riding hood, nakatayo ito sa dalawang paa na kaparehas ng tao.

Ayon sa mga kwento, ang halimaw na ito ay nakita sa middleton. Nakita rin ito sa mga lungsod kung saan nakita ang snally gaster. Ang dalawang halimaw ay naglalaban na centuries ago at sa tuwing magkakatagpo sila, nagkakaroon sila ng matinding labanan.

Ang pinaka recent sightings ng dwayyo ay naireport nuong 1965.

Depiction:

Ang paglalarawan sa snallygaster nuong una ay isang multong ibon na lumilipad, o hindi naman kaya isang siren, hindi ung siren na sirena ha, ung halfbird tapos ung kalahati imbes na human, half demon ito. Pero habang tumatagal ang panahon, nagiiba ang appearrance ng nasabing halimaw, mas naging aquatic ito at more dragon like, may iba pang paglalarawan na para itong pterodactyl.

Dahil ang maryland ay coastal area, maraming mga manlalakbay ang pumpunta dito, both land and sea. Ang mga mandaragat ay humihinto sa port Baltimore at sympre kwentuhan ng kanilang mga naranasan. Kaya’t di malabong mangyari na ang snallygaster, mula sa isang multong ibon, naging demonyong halimaw dahil na rin sa pasalin salin ng kwento.

Ayon sa kwento, ang snally gaster ay matakaw. Kinukuha nito ang isang buong hayop at saka kakainin ng buo at may mga pagkakataon na kapag nakakita ng tao ay kakainin din nito. Mayroon pang mga kwento na ang halimaw na ito ay nakakapagsalita ng lengwahe ng tao.

Ang Snallygaster at ang bampira ay mayroong pagkakaparehas. Dahil ang dalawang halimaw na ito ay gustong gustong uminom ng dugo. Naalala nyo ba ung kaninang news article? Ayon dito, si Bill Gifferson ay inatake ng snallygaster at natagpuan itong sunog at wala ng dugo.

Habang ang iba naman ay naniniwala na ang snallygaster ay isang dinosaur na nakaligtas sa extinction. Ito marahil ay sa pagkakapareha ng structure ng nasabing dinosaur at ng snallygaster kung saan parehas silang lizard at bird like hybrid. Worth mentioning din na ang mga fossils ng mga flying dinosaurs ay natagpuan sa marland, so posible nga ba na ito ay isang klase ng specie ng pterodactyl?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Crystal skull

Bakit mahilig ang tao sa alak?