Nakita nyo na ba ang Hatman?

Reading Time: 8 minutes

TOPICS

Sa madalim na gabi, kapag nagising ka, may mga pagkakataon na para bang makakakita ka ng isang anino ng tao, pero kapag nakapagadjust na ang mga mata mo, marerealize mong, wala naman pala, baka namamalik mata ka lang. O baka naman totoo itong nilalang?

Panigurado narinig nyo na ang mga shadow people. Ang mga anino. May iba’t ibang klase ng shadow people mga boss at ang pinaka kinatatakutan ay ang hatman.

Ano nga ba ang mga shadow people? May iba’t ibang theorya sa kung ano ang mga ito, from time travellers to aliens, demons or spirits. Walang nakakaalam kung papaano o saan sila nagsimula.

Pinaniniwalaan na ang hatman ay isa sa mga shadow people, ayon sa paglalarawan, mayroon itong taas na 6 feet at laging nakasuot ng top hat. Ito ay lumilitaw sa isang taong depress o stress at kadalasan makikita ito sa isang sulok, pionapanood ang biktima.

Description:

Ayon sa mga nakakita sa hatman, isa itong itim na nilalang, parang isang anino pero mas maitim pa dito. NAkasuot ito ng top hat habang ang iba naman sinasabing nakita nilang nakasuot ito ng fedora hat.

Kadalasan makikita itong nakasuot ng trench coat o cape, at ang iba namang nakakita ay para daw isang old fashion na damit ang suot nito.

Hindi makikita ang facial structures ng isang hatman pero ayon sa mga nakakita meron itong kulay pulang mata, hindi katulad ng ibang mga shadow people. May mga reports din na nagsasabing ang hatman ay mayroong golden watch na nakasabit sa kanyang belt at may pagkakataon na tumitingin ito sa kanyang orasan.

Violence:

Ang hatman ay kadalasan satisfied ng panuorin ang isang nilalang matulog. Pero may mga reports na inatake daw sila ng hatman. Ang iba sinasabing sinasakal sila nito, habang ang iba naman nakaramdam ng init sa kanilang sikmura o hindi naman kaya humahaplos sa kanilang mga ulo.

Kadalasan makikita ang hatman sa mga salamin, nakatingin sa biktima at nakangiti ito. Pero un ang mas nakakapangilabot dahil hindi mo alam kung anong susunod na gagawin nito, lalo na’t nakangiti pa sayo.

Medyo may pagkakaiba din ang shadow people kay hatman. Dahil ang mga shadow people ay bigla na lamang mawawala kapag aalis na sila. Pero iba si hatman, parang meron itong solid form, dahil ayon sa mgareports, nakikita nila itong nakalutang at kadalasan lumalabas ng pinto.

Demon:

Ang hatman ay kadalasang lumilitaw sa mga lugar na mayroong negative emotions, kagaya na lamang ng mga bahay na mayroong deomestic abuse, laging nagaaway o hindi naman kaya pag depressed ang isa sa mga kamaganak.

May ibang naniniwala na ang hatman ay isang demonyo na lumilitaw sa mga biktima kapag sila ay mamatay na. Habang ang iba naman naniniwala na isa syang demonyo.

Ayon sa kwento ng isang german soldier, nakita nya ang hatman at tinanong nya kung sino ito. Nagsalita ang hatman at sinabing scratch, isa itong pseudonym sa salitang devil. Habang ang isang lalaki naman ay nakita nya ang hatman nuong sya ay nasa hospital, ayon sa kwento, nuong nagising ang lalaki, unti unting nawala ang hatman pero nagsalita ito ng “i almost had you” indikasyon na kumukuha din sya ng kaluluwa.

Maraming mga tao in fact, kahit tayo, minsan nararamdaman natin na parang may nanonood sa atin. And its 3 am here habang sinusulat ko ito at feeling ko merong nanonood sa akin. Ang creepy.

Well anyway, ang hatman ay kadalasang nageemit ng mabigat na enerhiya, ung tipong parang ang hirap huminga. Kadalasan magpaparamdam ito sa biktima para mas lalong matakot. Naniniwala ang iba na ang takot ang kinakain nito.

Sleep Paralysis:

Ang sleep paralysis ay isang sleep disorder na syang dahilan ng pagbabago ng sleep cycle. Ang mga taong nakakaranas ng sleep paralysis ay concious sa mga nangyayari pero hindi magalaw ang kanilang mga katawan.

Posibleng ang shadow people ay isa lamang hallucination na dala ng sleep paralysis. Dahil na din sa takot at di makagalaw, nagkakaroon ng manifestation na para bang mayroong isang nilalang na nakamasid o hindi naman kaya papalapit ng papalapit.

Sa mga bagong subcribers at viewers, gumawa po ako ng sleep paralysis video, duon dinuscuss ko po ang sleep paralysis in much detail, kaya kung interesado po kayo, try to watch it after this video.

Mabalik tayo sa topic, sure posible ngang sleep paralysis ang dahilan kung bakit mayroong shadow people at hatman, pero ang mga ito ay nakikita pa rin, regardless kung natutulog o gising ang isang tao.

Sightings:

Nuong 2001, ang idea ng mga shadow people ay napakilala sa mainstream media via Radio specifically coast to coast AM. Matapos ang broadcast, maraming mga tagapakinig ang nagpadala ng mga drawing at nagshare ng sarili nilang naranasan para sa shadow people.

Kahit na si Hatman ay pwedeng magpakita sa kahit anong oras o kahit anong lokasyon, kadalasan ang mga enkwentro kay hatman ay nangyayari sa kwarto pero mas madalas itong makita sa mga bahay na may basement.

Marahil kaya maraming nakakita sa basement ay dahil sa aura nito, sympre nga naman madilim at pag sinabing basement, anjan na ung mga naglalaro sa ating imahinasyon.

Madalas makikita ang hatman kapag ang isang tao ay matutulog na o hindi naman kaya ung kagigising palang.

Hindi inaasahan na marami ang lilitaw at magshshare ng kanilang mga experiences tungkol sa shadow people o sa hatman. Kapag nagsearch kayo sa intenernet specifically sa reddit, marami kayong makikitang mga kwento tungkol sa hatman.

May isang encounter din kung saan nakita ito kasama ang isang batang babae. Ayon sa kwento, nagising ang biktima ng 2 o 3 ng madaling araw at sya ay nagsasalita ng kakaibang lengwahe, sa paligid ng kanyang kama ay mayroong 4 na shadow people at sa sulok ng kanyang kwarto, andun ang hatman nakatingin na para bang natutuwa. Ang batang babae ay bubulungan sya at sya naman ittranslate nya sa ibang lengwahe na hindi nya rin maintindihan.

Kayo mga boss, naakita nyo ba ang hatman?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Iba’t iba ang mararanasa sa Near Death Experience base sa Relihiyon

Konektado ba ang pusa sa kidlat?