Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 9 minutes
advanced divider

Nakilala na natin ang Bakunawa na siyang malaking ahas na kumakain ng buwan at ang nilalang din na ito ang pinaniniwalaan na dahilan kung bakit nga ba nagkakaroon ng isang eclipse nuong unang panahon. Ngayon ay pag-usapan naman natin kung ano naman itong isang nilalang na pinaniniwalaan din ng mga taga Mindanao na kumakain ng buwan.
Ewan ko ba kung bakit napakapeymus ng ating buwan. Lahat na lang ata gustong kainin sya.

History:

MINOKAWA | Mindanao's Eater of the Sun & Moon • THE ASWANG PROJECT

Hindi alam kung paano nagsimula ang kwento na ito para sa mga katutubo, ngunit noong 1906 ay naisulat ito ng pinaka unang antropologist na pumunta sa Pilipinas. Ito ay kinilala bilang si Laura Watson Benedict. Ang antropologist na ito ay pumunta sa Pilipinas upang pag-aralan ang mga taong Bagobo.
Ito na din mismo ang nagpaliwanag kung ano ang itsura na pinaniniwalaan ng mga taong Bagobo patungkol sa nilalang na ito. Ito ay grupo ng mga Malays na nakatira sa southeastern Mindanao.

Ang mga taong ito ay nakatira sa pinaka mataas na bahagi ng bundok Apo. Ayon sa pag-oobserba at pag-aaral ni Laura sa mga taong ito, ang kanilang kinakain ay mga mais, kanin, mga kamote at ilang mga gulay na kanilang tanim. Pinaniniwalaan ng mga Bagobo na ang Minokawa ay isang malaking ibon na kasing laki ng isang normal na isla.

The story:

Minokawa by Alfred Ismael Galaroza : ImaginaryLeviathans

Ayon sa kwento patungkol sa nilalang na ito, bago pa man mabuo ang mundo ay mayroon nang nabubuhay na malaking ibon at ito ay tinawag na Minokawa. Ang malaking ibon na ito, katulad na lamang ng Bakunawa ay isinusubo o nilulunok ng buo ang ating buwa. Dahil sa takot nang mga tao ay sumigaw ang mga ito at nakagawa ng iba’t ibang ingay.

Narinig ng malaking ibon ang ingay na ginawa ng mga tao at napayuko ito para tingnan kung saan nangagaling ang tunog na syang dahilan naman ng pagkakabulkas ng bibig nito. Noong buksan niya ang kanyang bibig ay nailuwa niya ang buwan at doon ay mabilis na lumayo ang buwan sa malaking ibon. Ayon din sa kwento, dahil sa kayang gawin ng malaking ibon na ito, ang buwan ang nakaisip ng paraan para makagawa ng butas na syang tatakasan nya kung sakaling magpakita muli ang halimaw.

Sa tuwig ito ay muntikan nang malunok ng Minokawa, nakakawala ang buwan at agad na nakakalusot sa isang butas na kanyang ginawa, dahilan upang muli itong makapagbigay ng liwanag sa mundo. Ito rin ang naging dahilan kung bakit may ibat ibang phases o hugis ng buwan tuwing gabi.
Ayon din sa paniniwala, hindi lamang buwan ang nilalamon ng nilalang na ito, ngunit maging ang araw din at mga tao ay pinaniniwalaan na kaya nitong kainin.

Sa tuwing tuluyan nang nalalamon ng ibon na ito ang buwan at magdadala ng kadiliman sa mundo, mag-iingay lamang ang mga tao sa mundo at ito na ang magiging paraan upang makatakas ang buwan. Dahil na din sa takot ang mga tao na makain ng nilalang na ito, gumagawa pa sila ng ilang ingay upang mapaalis ang pinaniniwalaang nilalang.

Ayon sa ilang kwento na ipinalabas naman sa telebisyon, ang Minokawa ay isa sa mga alaga ni Apo, ngunit hindi nagtagal ay ito ay napunta sa pangangalaga ni Lakas. Ginagamit ito ni Lakas sa pakikipag digma.

Minokawa Charateristic:

minokawa | Tumblr

Katulad na lamang ng nasabi ko kanina, ito ay isang malaking ibon na pinaniniwalaan ding halos kasing laki ng isla ng Bohol. Ang tuka at maging ang mga kuko nito ay pinaniniwalaang kasing tigas ng metal o bakal. Sa sobrang laki ng kanyang mga mata ay makikita mo na mismo ang sarili na para bang ikaw ay tumapat sa salamin. Which make sense naman kasi nga higanteng halimaw ito. Imaginine mo na lang kung kasing laki ng mata mo ung mata ng minokawa diba?
Ang mga pakpak at maging ang mga balahibo nito ay matutulis na para bang isang espada. Ang malaking ibon na ito ay nakatira sa labas ng kalawakan na kung saan palagi na lamang niyang sinusubukang kainin ang buwan at araw ngunit palagi itong napipigilan ng mga tao.

Similar Mythology:

Kung ating titignan, mayroon din isang nilalang na pinaniniwalaan ng ibang tribo sa Pilipinas. Nariyan na nga ang Bakunawa sa isang video natin, isa pa ang kinikilala ng mga Nisaya na Baua na kung saan ito ay nabubuhay sa kalangitan. Ang Baua ay namumuhay sa isang kweba na matatagpuan sa kalangitan na tinatawag namang Calulundan.

Sympre hindi rin papahuli ang ibang bansa, makikta ang iba’t ibang klase ng dragon na pinaniniwalaan ng mga taga Japan , China at maging sa Europa.

Dahil hindi pa lubos ang kaalaman na mayroon noong unang panahon, ang isang normal o natural na pangyayari sa labas ng kalawakan ay nagagawan nila ng kakaibang kwento. Ang isang eclipse na kung saan pinaniniwalaan ng ating mga ninuno na kinakian ng malaking ibon o malaking ahas ang ating buwan.

Well, hindi natin masisi ang mga tao noong unang panahon. Ang mga ito ay gumawa ng kanilang sariling paniniwala at kaparaanan na masasabi natin na hindi basta na lamang nagpapatalo ang mga tao sa Pilipinas.

Modern Representation:

Rowena L. Salvacion on Twitter: "Mga usisero sa aksidente @dzbb… "

Sa katanuyan ang minokawa ay nabubuhay sa bawat isa sa atin. Yes thats true. Hindi nyo alam? Well ano ba ang kwento ng minokawa kanina? Diba nuong narinig nya ung ingay ay tiningnan nya ito? And yet paulit ulit itong nangyayari considering na tuwing eclipse ayon sa kwento tinataboy ng ating mga ninuno. Imagine this, sobrang laki ng isang nilalang tapos napakaliit na tunog ay talagang narinig nya pa, o ung tipong makarinig lang ay talagang makikiusyoso.

That’s right, ang minokawa na nabubuhay sa atin ay ang tinatawag na pagiging usisero at usisera na ung tipong kahit naglalakad ka lang tapos makita mong may naguumpukan sa isang bahagi ng kalsada, ikaw tong si usisero, pupunta agad duon para makiusyoso at nakalimutan mo na na pinapabili ka ng nanay mo ng asin at mantika at everytime na merong kumpulan sa kanto nyo, 99% makakisyuso ka kahit alam mo na kung ano ito. Ganitong ganito ang minokawa.

Well, hindi naman masama ang makiusyoso, dahil sa bagay na ito ay malalaman mo kung ano ba ang nangyari. Ngunit hindi lahat ng bagay ay dapat na puntahan at bigyan ng pansin. Matuto pa din tayong mag-ingat.

Meron ba kayong mythological character na gustong itopic? How about ang mga urban legends na mayroong mga halimaw? Kung may naiisip kayo na hindi pa naitotopic dito sa channel, inaanyayahan ko kayo na magregister sa aming website at isubmit ang inyong request ng sa ganuon ay hindi mawala sa kawalan at makain ng minokawa ang inyong request.

advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.