Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Ang manticore ay isa sa mga kinatatakutan ng mga persian. Isa itong halimaw na ayaw mong makasalubong sa gitna ng kagubatan dahil kung hindi ka man nito mapatay sa kanyang mga ngipin, ang lason nito ang papatay sayo.

History:

Manticore- by arvalis on DeviantArt

Ito ay mula sa paniniwala ng mga Persian. Ang sinaunang pangalan nito ay Merthykhuwar. Mula sa salitang “Martya” na ang ibig sabihin ay “Man” at “Xwar” na ang ibig sabihin naman ay “to eat”.Tinawag ito ng mga sinaunang Persian na “Man-eater”.

Ang katawagan nito sa Ingles na “Manticore” ay mula sa Latin word na “Mantichora”. Isang Greek physician na kinilala bilang si Pausanias ang pumunta sa korte ng Persian king na si King Artaxerxes II. Ayon kay Pausanias, isa ang Manticore sa mga nakilala niyang kakaibang nilalang noong siya ay bumisita sa Persia.

Noong una ay inakala niyang isa lamang itong simpleng tigre at nagtataglay ng kakaibang bahagi ng katawan, ngunit dahil sa kakaiba ang kanyang pagkakalarawan sa nilalang, hindi ito pinaniwalaan ng nakakarami. Dikalaaunan ang nilalang na ito ay lumabas na din at mababasa sa isang libro na isinulat ni Aristotle na pinamagatang Naturalis Historia at maging sa ilan pang mga libro patungkol sa ma hayop.

Mula sa mga Medieval bestiaries o mga libro patungkol sa paglalarawan sa mga hayop na mula sa mga manunulat ng Griyego at mga Romano, ang Manticore ay itinuring tunay na nilalang at nabubuhay noong Europeran middle ages.

Story:

Manticore - Wikipedia

Ayon sa paniniwala, ito ay kumakain ng kahit anong hayop at nilalang maliban lamang sa isang elepante at lahat ay kinakain ng manticore. Ang ibig sabihin, wala itong iiwanang laman, buto o kahit ano na matitira sa katawan ng kanyang napiling biktimahin.

Ang Manticore ay mas mahilig kumain ng laman ng tao kesa sa ibang laman ng mga hayop. Hindi lamang isang ang gusto nitong putahe, pinaniniwalaan na kung may pagkakataon ay kaya niyang lantakan ang halos tatlong katawan ng tao ng sabay-sabay.

Kung ikukumpara nga sa ibang hayop ang isang Mantiacore, maging ang lahat ng gamit sa katawan ng kanyang bibiktimahin ay kanya ding kinakain dahilan upang walang ebidensya ang matira sa kanyang pagpatay. Dahil sa ganitong gawain, ang tanging ebidensya na lamang na matitira ay ang kakaunting dugo mula sa lugar ng pinagkainan.

Isa pa paniniwala ng mga tao noon sa Persia, kung ang isang tao ay nawala at hindi na muling nakita ang kahit anong huling suot, gamit na hawak o dala, isinisisi na sa Manticore ang pagkawala nito. Ayon sa mga kumalat na paniniwala, ang isang Manticore ay madalas dinadala ang isang tao sa masukal o magubat na lugar.

Mula sa matataas na damo at mga halaman, maitatago nito ang kakaibang katawan at maipapakita lamang ang kanyang ulo na pinaniniwalaan na isang mabalbas na matanda. Kung ang isang biktima ay sobrang lapit na sa matandang kanilang nakita, ito na ang pagkakataon ng Manticore upang atakihin at kainin ang tao na kanyang nadala sa kagubatan. Sa mga nalilito, nuong unang panahon ang manticore ay pinaniniwalaang may ulo ng isang matandang lalaki at ito ang ginagamit nyang disguise sa kanyang biktima.

Ayon sa paniniwala, ang mga taong nabibiktima ng mabangis na nilalang na ito ay hindi napapansin ang ilang bagay na kanilang nakikita at naririnig. Pinaniniwalaan na ang isang Manticore ay may kakayahan na makapaglabas ng kakaibang musika sa kaniyang bibig. Ang tunog ng isang trumpeta na kung maririnig ay malalaman na malapit lamang ang Manticore sa lugar.

Isa na din ang isang matandang nasa kakahuyan o kagubatan na tanging ulo lamang ang makikita dito. Ayon sa mga paniniwala, ang mga taong nakakaligatas ang nakakapagkwento at makakapagpatunay na ang manticore ay totoo.

Characteristic:

Manticore - Modern Mythos

Ayon sa paglalarawan sa isang Manticore, mayroon itong ulo ng isang tao na isang matandang mabalbas na lalaki at nagtataglay ng kulay asul o hindi naman ay abo na mata at katawan ng isang leon. Ang buntot nito ay patulis na para bang katulad ng isang tarantula na kanyang din ginagamit upang makapatay ng kanyang kakainin. Pinaniniwalaan na ang buntot nito ay nagtataglay ng isang lason na kanyang itutusok sa mga biktima. Ito rin ay matutulis at mayroong abilidad na magbato ng mga spikes sa biktima nito.

Kilala din itong mayrong tatlong row o bahagi ng mga matutulis na ngipin. Ayon sa ilang mga paglalarawan nito sa makabagong panahon, ang iba ay naniniwala na ito ay nakakalipad dahil sa kanyang pakpak. Pinaniniwalaan din na ang balahibo na mayroon ang isang Manticore ay hindi tinatablan ng kahit anong bagay dahilan upang mahirap at hindi ito mapatay ng kung sino man.

Ang katawan nito ay isang malaking leon na nagtataglay ng kulay pulang balahibo. Kilala din ang nilalang na ito sa kanyang natatanging bilis na hindi mapapantayan ng kahit sinong nilalang o hayop. Dahil nga ito ay may ulo ng isang matanda, pinaniniwalaan na ito ay isang matalinong nilalang.

Ayon sa mga paniniwala, ang nilalang na ito ay maaring mapatay sa kanyang batang edad. Well, kung makakita ka man ng isang batang Manticore, madali lamang itong patayin dahil ang kanyang matibay na balahibo ay hindi pa nabubuo. Habang bata ang nilalang na ito, ang kanyang nakakalasong buntot ay hindi pa din nabubuo dahilan upang habang bata pa ay hinahanap na ito ng ilang mangangaso.

Ayon sa paniniwala, ang tanging kahinaan ng isang Manticore ay ang kanyang bibig. Ngunit kahit na ito ay mapatay, dahil ito nga ay isang mythical creature muli lamang itong mabubuhay dahil sa kanyang kapangyarihan. Ayon din sa paniniwala, ito ay makikikita lamang sa kagubatan ng India. Ang nilalang na ito ay hindi makikita sa mga bayan ng America at Europa, ngunit ang ilan naman ay nagsasabi na ito ay namataan sa Greece.

Similar Creature:

Pin by daniel asyn on Legends | Chimera mythology, Greek creatures,  Mythical creatures

Kung ito ay ikukumpara sa iba nilalang, ang itsura ng Manticore ay pinaniniwalaang katulad ng isang nilalang na ng mga Griyego. Ang isang Chimera na inilalarawan bilang isang leon at nagtataglay pa ng isang ulo ng kambing sa likurang bahagi nito. Ang buntot ng isang Chimera ay pinaniniwalaan namang mayroong ulo ng isang ahas dahilan upang ito ay maging delikado dahil sa lason na dala nito.

Maari din itong maihantulad sa isang Sphinx na pinaniniwalaan sa bayan ng Ehipto at maging ng mga Griyego. Ayon sa pagkakalarawan sa isang Sphinx, mayroon itong ulo ng isang tao at ang katawan nito ay katawan ng isang leon. Katulad din ng ilang paniniwala sa Manticore sa pagkakaroon ng pakpak, pinaniniwalaan din na ang isang Sphinx ay nagtataglay ng pakpak ng isang agila at mayroon ding buntot ng ahas.

Ayon sa paniniwala,ang isang Sphinx ay isang babae dahil sa itsura na mayroon ang ulo nito.

Tigers and lions:

Ayon sa ilang mga tao at mga manunulat ang isang Manticore ay isa lamang normal na hayop na nabubuhay sa loob ng kagubatan ng India. Ang kwento patungkol sa nilalang na ito ay isang pagpapakilala sa pinaka malaki at pinaka magiting na tigre na nabubuhay sa India. Pinaniniwalaan din na ang kwento patungkol sa mabangis na nilalang ay isang paraan upang maipailawanag ang pagkawala ng ilang mangangaso at taong pumupunta sa loob ng kakahuyan ng bansa.

Ito na nga daw mismo ang pinaka madaling eksplenasyon para sa mga taong nawawala sa gubat, imbes na sabihin na malamang ay nakain ito ng mga tigre at iba pang malalaking nilalang na makikita sa gubat. Kinikilala din ang kwento upang maging panakot at maging babala sa mga nagtatangka at nagtatapang-tapangan na taong nais pumasok sa gubat ng mag-isa.

Ito na rin ang naging dahilan kung bakit inilarawan ito bilang isang lion dahil ang mga griyego nuong unang panahon ay hindi pa pamilyar sa mga tigre at mas alam nila ang lion.

Media:

Sa one piece, ang mga manticore ay mga man eating animals na makikita sa level 2 ng impel down. Ang level 2 ay tinatawag na beast hell. Mayroon silang katawan ng lion at caricature ng mukha ng isang tao, basically hindi sila mukhang nakakatakot, mukha silang mga weird. Kaya nilang gayahin ang sinasabi ng isang tao pero hindi nila ito naiintindihan.

Sa Larong Dark Souls, ang mantocire ay isang sanctuary gurdian. Mayroon itong puting balahibo at 4 na pakpak pero ang mukha nito ay hindi tao, mayroon itong 2 sungay na katulad ng sa kambing. Ayon sa official description ng larong ito, walang may alam kung ano ang nilalang na ito at posibleng isa itong demonyo.

Sa larong God of War ascencion, ang manticore ay isang minibossfight. Isa tong wyvern like beast na mayroong ulo ng isang leon at ang mga ngipin nito ay katulad ng sa pating habang ang kanyang pakpak ay pakpak ng isang dragon dragon.
Ang manticore din ang nagsilbing inspirasyon para sa mga halimaw ng monster hjunter na sina Teostra at Lunastra. Isang babae at isang lalaking halimaw. Meron silang katawan ng leon, pakpak ng isang paniki at mahabang buntot. Ang kanilang katawan ay pinalilibutan ng kaliskis at mayroon ding sungay sa kanilang ulo at higit sa lahat, bumubuga sila ng apoy.

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:
  • https://youtu.be/O02wmyLNC9I

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend