Manananggal

Reading Time: 12 minutes

Topics

Nuong mga bata pa tayo, kilalang kilala na ang kwento na ito magpasa hanggang ngayon ay pinaniniwalaan natin ang nilalang na ito or should I say halimaw. Madalas natin itong naririnig na kinikwento ng ating mga nanay o ng mga lolo at lola. Pero panigurado ang ilan sa atin ay mayroong mga kakaibang experience patungkol sa nilalang na ito.
Nakarinig na ba kayo ng pumapagaspas na isang malaking ibon sa gitna ng gabi? Kung hindi pa, wag nyo ng pangarapin na makarinig nito.

History

Ang manananggal ay isang uri ng aswang na may kakayahan na lumipad at mahati ang katawan. Mula sa salitang “Tanggal”, naalis o nahati. Ang mga manananggal ay humihiwalay sa kanilang katawan upang maghanap ng kanilang makakain. Ano ang kanilang pagkain I hear you ask, dugo at laman loob ng isang tao pero para sa kanila, ang pina masarap na parte ay ang puso at atay ng isang tao.
Tulad ng aswang ay takot din ito sa bawang at asin, lumalayo din sila sa mga matatalim na bagay, sa liwanag at takot sila sa buntot ng pagi.

Ang kalahati ng kanilang katawan ay mabuti nilang itinatago kung saan hindi agad madaling makita ng mga tao. Nakita na natin sa mga pelikula kung saan tinatago ito ng manananggal sa bundok kung saan walang mga tao. May mga kwento rin na pumupunta ito sa malaking kweba kung saan duon nya iiwan ang kanyang kalahating katawan.
Mahalagang itago ang kanilang kalahating katawan dahil ito ang isa kahinaan nila. Pinaniniwalaan na kapag hindi pa nakakabalik ang manananggal sa katawan nito bago mag umaga ay matutunaw at mamatay ito. Mamatay din ito kung lalagyan ng asin at bawang ang kalahati neto na syang magiging dahilan upang hindi ito makadikit sa kanyang katawan o makabalik hanggang sa masinagan na ito ng araw at maging abo.

Noong 1927, ang unang pagpapakita ng manananggal sa telebisyon sa pinaka unang horror film na pinalabas sa bansa at pagkatapos nito ay sunod-sunod na ang iba pang palabas na patungkol sa nilalang na ito.

Origins:

Sinasabi na ang pinagmulan ng manananggal ay sa parte ng visayas tulad ng Capiz, Ilo-ilo, at antiquue. Tinatawag din itong “Abat” sa east Visayas, “Aswang na lupad” o lumilipad na aswang sa bicol,”Boruka” o isang uri ng mangkukulam sa ilocos at “Mangalok” sa Palawan.
Ang mag ito ay naninirahan sa magubat na lugar at tulog sila ng buong araw at takot magpakita sa tao kapag umaga, may mga nagsasabi din na mayroong normal na buhay ang mga ito at maaring nakakasalamuha sa araw-araw.

Pinaniniwalaan na maaring ipasa ng manananggal ang kanyang kapangayrihan sa tamang oras, hindi ito mamatay hanggat wala itong mapapasahan depende na lamang kung may papatay dito. Ayon sa kwento, sa loob ng katawan ng isang manananggal ay mayroon nabubuhay na sisiw; itim na sisiw. Kailangan niya itong ipasa sa apo, anak o sa kahit sinong kamag-anak na mayroon ito. Magkakaroon ng ritwal upang ipasa ang sisiw upang mabuhay sa ibang katawan at magsisilbing taga-hanap ng pagkain upang mapanatili itong buhay at maipasa muli sa iba.
Ayon sa kwento ay normal na tao lamang ang mga ito hanggang sa mapasahan at mabuhay sa loob ng katawan nila ang sisiw at magsisimulang maghanap ng pagkain na laman loob ng tao.

Ang manananggal ay maaring matandang babae sa isang baryo o sa isang liblib na lugar. Sa kagustuhan na mapakain ang sarili at magpadami ng lahi ay mas pinipipili nito ang mga tahimik na lugar. Dito ay malaya netong nagagawa ang gusto netong gawin. Kahit na kilala ang mga ito na buntis ang binibiktima, maari din nilang maakit ang isang lalaki at gawing masarap na hapunan. Dahil nga sa umaga ay makikita sila na magandang babae, madami ang mahuhumaling sa kagandahan na taglay neto at mayaya nila ang isang lalaki sa kanilang lungga at wala itong kaalam alam na ito ang katapusan niya.

Mayroong mga pangontra upang malayuan ng manananggal ang isang buntis at kung sino man ang gusto netong biktimahin. Nariyan nga ang pag-iwan ng butil ng kanin, abo, asin, bawang o suka sa gilid ng bahay o sa kahit saang sulok na maaring pasukan neto. Takot din sila sa mga matutulis na bagay, sa holy water, malaking krus at buntot ng pagi. Maari mo din itong saksakin ng isang matulis na kahoy ng puno ng kawayan.

Pero good luck sa pagsaksak mo ng kawayan sa manananggal. Tiyak na bago ka pa makakuha ng kawayan eh naka fly away na un.

Tungkol sa buntot pagi hindi ko alam kung bakit takot sila dito, ang Nakita ko ay matagal daw maghilom ang sugat na makukuha nil amula dito kumpara sa ibang sandata at nagsisilbi itong latigo sa kanila. Pero sa tingin ko ito ay dahil sa ang buntot ng pagi o ung stingray ay makamandag ang lason.

Appearance

Pinaniniwalaan na ang manananggal ay isang magandang babae ngunit pagsapit ng gabi ay magbabago ito ng itsura at mahahati sa dalawa ang katawan. Magpapahid ito ng langis sa kawatan habang dahan dahang humihiwalay ang bewang at ilalabas neto ang pakpak neto na sinasabing parang pakpak ng paniki. Mula sa magandang babae ay magiging isang panget na babae ito na katakot takot ang itsura.
Habang tumatagal, ang kuko nito ay humahaba, ang kanyang katawan ay nagkakaroon ng mga balahibo na parang isang balahibo ng hayop. Ang kanyang mga mata ay inilalarawan din bilang mapula na parang puro dugo.
Habang ang kanyang dila ay may iba’t ibang paglalarawan, ang iba sinasabi na sobrang nipis nito na kayang pumasok sa mga maliliit na butas sa bubong o ung pinagbutasan ng pako. Habang ang iba naman sinasabi na invisible o hindi nakikita ang dila nito.
Sa dulo ng kanyang dila ay Matulis na syang tutusok sa pusod ng isang buntis na babae. Hindi ito agad mararamdaman ng babae marahil ay mayroong anathetic effect ang dila nito na normal na nakikita sa mga vampire bats.
Dahil sa mahilig ito sa dugo, maihahalintulad ito sa isang Bampira na umiinom ng dugo ng tao.

Similar Creatures:

Sympre hindi lang sa atin merong manananggal, sa ibang lugar ay mayroon din nito. Although hindi katulad ng sa atin, kasi unique ang sa atin. Biruin mob a naman, tatanggalin nito ang kalahating katawan tapos ibabalik nya bago magumaga. Imaginine mo ang sakit nuon. Bakit di na lang dalhin ang kalahati diba? Bakit kailangan iiwan pa, papaano kung may adik na nakakita, eh di narape pa sya, pag balik ng mananaggal sa katawan nya. Boom buntis na. Pero lumalayo na tayo.

Ang mga kalapit na bansa na Indonesia at Malaysia ay may kwento din patungkol sa ganitong nilalang at tinatawag itong Penanggalan na kung ilalarawan ay pinagsamang bampira at manananggal sa malay peninsula, at Krasue sa thailand.
Ito ay lumulutang na babae at pinaniniwalaan na kumakakin ng laman loob ng tao. Sa japan ay mayroong pinaniniwalaan na katulad ng manananggal at tinatawag na Nukekubi, hindi ang katawan ang umaalis sa nilalang na ito kundi ang ulo neto at gumagala upang maghanap ng pagkain na katulad naman ng ChonChon mula sa mapuche. Pinaka huli ay isang nilalang na kilala sa Caribbean ang Soucouyant na sumisipsip ng dugo ng biktima neto.

Stories:

Alam naman natin na mahilig ang manananggal sa buntis kung saan ito ay aatakihin niya habang natutulog. Hindi ang nanay ang pinaka puntirya neto kundi ang batang na nasa sinapupunan nito. Mula sa bubong at gamit ang mahabang dila ay maari niyang kainin ang bata sa loob ng tiyan ng nanay. Pinaniniwalaan na ang manananggal ay laging may kasama na ibon na kung tawagin ay “Tiktik” o tikling, isa itong panlinlang sa mga tao. Kapag malapit ang tiktik ay malayo pa ang manananggal at kapag malayo ang tunog ay nasa malapit lamang ang nakakatakot na nilalang. Kadalasan sa mga kuwento ay, may matandang lalapit sa buntis na babae, hahawakan neto ang kanyang tiyan at magtatanong ng kung ano-ano tungkol sa kalagayan ng bata sa sinapupunan. Doon ay magsisimula ang mga gabing may kumakalabog sa bubong ng bahay at ibang pakiramdam ng isang nagdadalang tao. Kung hindi ito mababantayan ng maayos ay maaring mamatay ang bata sa sinapupunan dahil nakain na ito ng manananggal.

Ayon sa iba, ang mga matatanda na nagpapaanak sa mga buntis ay mga aswang, kinakain nila nag pusod ng bata well ayon sa kawento. Kaya ingat din ang mga taga probinsya kung sino ang magpapa-anak sa kanila dahil sa takot para sa kalagayan ng kanilang anak.

Kahit sa modernong panahon ngayon ay marami pa din ang kwento patungkol sa mga ganitonmg nilalang. May mga kwento na sinusundan sila ng tiktik o nakakita sila ng tiktik at nagsasaboy agad sila ng asin sa buong paligid ng bahay at nakita nila ang isang ibon na kulay puti lamang, minsan ay nagbabalat kayo daw itong aso, baboy at kung ano ano pa upang makapasok sa bahay ng bibiktimahin nito.

Noong 1992 ay kumalat ang balita tungkol sa manananggal na gumagala sa manila. Ayon sa isang biktima, inatake daw siya neto at nakita niya ang hating katawan ng babae na walang saplot, magulo ang buhok, mahaba ang kamay at matalim ang kuko pati ang ngipin. Ayon pa sa isa sa mga residente ay nakita nila itong lumipad. Isa pang kwento noong 1992, isang grupo ng kalalakihan ang sinundaan ang pinaniniwalaang manananggal sa kanilang bahay at naabutan nila sa bahay neto ang isang matandang babae na kung saan nawawalan ng isang daliri sa paa dahil inatake daw siya ng manananggal. Dahil sa hindi sila naniniwala ay pinahawak nila ng buntot pagi ang matanda at walang nangyari dito.

Kung ano anong kwento at paniniwala upang malabanan ang nilalang na ito na hindi mo naman alam sa sarili mo kung totoo ba o hindi. Malamang ay naranasan mo nang may kumalabog sa inyong bahay habang may nakatirang buntis sa inyo. Biglang pagtahol ng aso sa gabi kahit wala namang tao at iba ibang pang ingay na maririnig sa gitna ng gabi. Siguro ay kwento lamang ito upang ingatan natin ang mga nagdadalang tao.

Pero ang mundo ay punong puno ng kababalaghan na hindi mo alam kung paniniwalaan mo ba o hindi. Tulad ng laging paalala ng mga matatanda, mag-ingat sa mga taong nakakasalamuha at huwag agad magtitiwala. Madami ang napagkakamalang aswang o manananggal sa panahon ngayon ngunit kadalasan ay maling hinala ito. Kadalasan ay isang matanda na tahimik na naninirahhan sa kanyang bahay ay susugudin ng tao dahil pinagkamalan itong aswang ng walang sapat na ebidensya.

Mabuti ang maging maingat ngunit huwag tayong maging mapang husga sa ibang tao, sigaruduhin muna natin ang mga bagay-bagay bago magkaroon ng isang konklusyon ng sa ganon ay hindi nakaka abala ng ibang tao. Hindi basehan ang itsura at pamumuhay ng isang tao upang pagkamalan siyang aswang o mananaggal.

Sources

Sources

  1. https://cryptidz.fandom.com/wiki/Manananggal
  2. http://www.mangkukulam.com/folklore/349/Mananggal
  3. https://www.philippine-tales.com/creatures/manananggal
  4. https://thoughtcatalog.com/brianna-wiest/2019/10/how-suzanne-moloneys-hs-diagnosis-inspired-her-become-an-entrepreneur-helping-others-with-skin-disorders/
  5. https://cryptidz.fandom.com/wiki/Manananggal

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Different type of display panel – COMPLETED

Darkweb para sa mga whistleblower?