Lilith

Reading Time: 11 minutes

Topics

Lucid Dreams 

Kung tayo ay matutulog , nakakapunta tayo sa ibang mundo, o lugar, o maaring maging ibang tao tayo.Ito ang tinatawag na panaginip.Sinasabi na mayroon tayong walong klase na panaginip.Nariyan ang tinatawag na dayream kung saan nagagwa natin ito habang gising tayo.
Ito ang pangyayari na alam ng isang tao na nanaginip siya.Habang nagyayari ang ganitong panginip, maaring makontrol na tao ang sarili niyang panaginip.Ang Nightmares o ang bangungot,reccuring dreams o ang panaginip natin na paulit-ulit.Ang healing dreams o ang panaginip na patungkol sa kalusugan ng isang tao , Prophetic Dreams o ang panaginip maaring mangyari , signal dreams o isang babala , epic dream na kung saan hindi madaling kalimutan na panaginip at ang huli na Lucid Dreaming na kung saan alam natin na nanaginip tayo habang tayo ay nasa loob ng panaginip.

Dahil sa kayang gawin ng lucid dreaming , marami ang gusto makaranas neto.Sinasabi na ang iba ay nagsasanay pa upang magawa ito.

Origins & History:

Sinasabi na noong 350BC unang nilarawan ni aristotle ang lucid dreaming sa kanyang maikling kwento na “On Dreams” sinulat niya ang katagang “when one is asleep, there is something in consciousness which tells us that what presents itself is but a dream.”maiintindihan natin na malinaw niyang ipinapaliwanag alam ng isang tao na nanaginip siya.Dumaan ang panahon noong 415 A.D naibalita ang unang kaso ng lucid dreaming galing sa isang pasyente ng St.Augustine’s.Sinasabi din na ang lucid dreaming ay nagkaroon ng mahalagang parte sa history ng islam Muhammed’s “Laylat al-Miraj”(isang Muslim holiday) kung saan inaala ang nightime travel ng propetang si muhammed mula mecca hanggang jerusalem at sinabi na nakaakyat daw ito ng langit at binigyan ng isang utos sa mga muslim na magdasal ng limang beses kada araw.Noong 12th century isnag espanyol na si Sufi Ib El-Arabi ang nagsabing ang kakayahang makontrol ang panaginip ay isang essential ability sa mga aspiring mystic.

Noong 8th Century isang Tibetan Buddhists na nagsabing unang nagturo kung paano gawin ang lucid dreaming.Natutuhan nila kung paano kontrolin ang panaginip gamit ang “Dream Yoga”, gamit ang technique na tinatawag na Wake Induced Lucid Dreams (WILD) kung saan mananatili kang gising habang natutulog hanggang marating ng isang tao ang dream state.Ang unang tao na nagpangalan sa gantiong kalse ng panaginip ay si Marquis d’Hervey de Saint-Denys noong 1867 sa nkanyang libro na ” Les Rêves et les Moyens de les Diriger; Observations Pratiques” o ” Dreams and the Ways to Direct Them: Practical Observations”

Ngunit mas binigyan ng parangal ang isang Dutch psychiatrist na si Frederik van Eeden sa kanyang isinulat na libro na”A Study of Dreams” kung saan isinulat niya ang “”The seventh type of dreams, which I call lucid dreams, seems to me the most interesting and worthy of the most careful observation and study.” kinikilala din siya bilang pinaka una na na experience ang lucid dream ng halos 352 na beses sa loob ng apat na taon mula January 20, 1898 hanggang December 26, 1912.”I obtained my first glimpse of this lucidity during sleep in June, 1897, in the following way. I dreamt that I was floating through a landscape with bare trees, knowing that it was April, and I remarked that the perspective of the branches and twigs changed quite naturally.”

Science:

Sabi sa pag-aaral sa isang Lucidity institute , nagsisimula ang lucid dreaming kapag nasa gitna na tayo ng panaginip at narealize na ng isang tao na nanaginip siya at hindi totoo ang nagyayari.Kung mararanasan mo ang lucid dreaming ay aakalain mo gising ka talaga kung saan lahat ng senses mo ay gumagana.Sa pag-aaral ng isang parapsychologist na si Keith Hearne na unang nakadiskubre ng scientific evidence ng lucid dreaming noong 1975.Ipinaliwanag niya ang pag galaw ng conscious eye kapag naglulucidd dreaming (gamit ang isang volunteer).Nararanasan natin ang ganitong panaginip sa rapid eye movement REM stage o ang dreaming state at ang lucidity ay na nangyayari kapag nararanasan natin ang REM burst o ang muscle activity ng katawan natin ay mahina.

Ang Lucid dreaming ay maaaring magsimula sa dalawang paraan.Maaring habang mahimbing ang tulog at nasa kalagitnaan na ng panaginip ay mayroong mangyayari sa tunay na mundo na makakapag realize sa iyo na nasa loob ka ng isang panaginip, at maari namang biglaan kang nagising sa mahimbing na pagkakatulog at nakatulog ka ulit ng hindi mo namalayan na nagising ka pala.

Sa pag-aaral ng isang grupo ng mga eksperto sa Germany , base sa kanilang pag-aaral “self-reflection in everyday life is more pronounced in persons who can easily control their dreams. The area of the brain responsible for self reflection (among others) is significantly larger among lucid dreamers.” .Makakatulong ang lucid dreaming para maiwasan ang isang bangungot at maari netong pagalingin ang problem solving skills ng isang tao.Kung ang isang tao ay aware na siya ay nanaginip , maari netong isipin at gawin ang lahat ng kagustuhan ng walang makakapigil dito.

How:

Sa loob ng matagal na panahon , ilang test at pag-aaral na ang naisagawa upang magawa ang lucid dreaming ngunit hindi pare-pareho ang lumalabas na resulta.Gamit ang 169 Australian nakita sa pag-aaral na mayroong tatlong techniques na nanguna upang magawa ang lucid dreaming.Ang reality testing, Mnemonic Induction Lucid Dreaming at ang Wake-Back-to-Bed.

Ang patuloy na pagtatanong sa sarili kung ikaw ba ay nanaginip at pag gawa ng iba’t ibang pag-galaw ay sinasabing “Reality Testing” , maari mong takpan ang iyong ilong sa iyong panaginip upang malaman mo na nanaginip ka lamang, maaring tumalon sa ulap at maaring tumingin sa orasan.Kung patuloy na gagawin ang ganitong technique , masasanay na ang iyong utak at magiging natural ang laging pag tatanong sa sarili at sa paligid upang malaman na nanaginip ka lamang.
Ang pag-iisip kung ano ang iyong mapapaginipan at pagsambit ng isang mantra tulad ng “Next time I’m dreaming I want to remember that I am dreaming.” ay matatawag na Mnemonic Induction Lucid Dreaming na mas effective.Maari din na isipin ang huling panaginip maghanap ng isang sign na nagsasabing nasa loob ka na ng panaginip.
Ang paggamit ng Mnemonic Induction Lucid Dreaming ay maaring isabay gawin sa Wake-Back-To-Bed kung saan mag kailangan mag alarm isa o dalawang oras bago ang normal na oras ng pag-gising, gumising at pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik ulit sa pagkakatulog

Sleep Paralysis:

Ito ay isang kalagayan na mararanasan kapag tayo ay natutulog at magigising ngunit hindi makagalaw at posible din ang paghirap sa paghinga.Mararanasan itong maranasan habang natutulog o tinatawag na hypnagogic o predormital sleep paralysis , at sa paggising mula sa pagkakatulog na tinatawag hypnopompic o postdormital sleep paralysis.

Mas kilala ito bilang isang bangungot,kung saan hindi ka talaga makakagalaw kahit sa iiyong panaginip.

Maari din na makaramdam ng hallucination at matinding takot habang nararanasan ito.Sinasabi na hindi naman ito nakakamatay ngunit maaring pagmulan ng anxiety at sleep disorder tulad ng narcolepsy o pagtulog ng hindi namamalayan o sa madaling salita pagkahimatay.

Bad Effect:

Sa patuloy na pag gawa ng Lucid Dreaming ay maaring mag lead sa addiction.Sinasabi na ang ibang gumagawa ng lucid dreaming ay nag tatake ng drugs upang makatulog kaagad.Maari itong maging obsession na gusto mo na lamang matulog upang matakasan ang realidad.Maaring makaranas ng False awakening kung saan akala mo ay gising na ngunit hindi pa at kapag narealize mo na nasa loob ka pa din panaginip ay maaring makaramdam na hirap ng paggising at matatrapep ka sa sarili mong panaginip ngunit sabi sa pag-aaral ay magigising ka pa din kung sakaling maranasan mo ito.Isa din na sinasabing nararanasan ng mga nag lulucid dream ay sila ay nakakaranas ng Sleep Paralysis , Exhaustion o pagkapagod mula sa pagkakatulog dahil maaring maapektuhan ng paglulucid dream ang sleeping pattern kung lagi mo itong ginagawa.Ang Lucid Dreaming ay isa pa din panaginip at minsan ay makakaranas ka ng nightmares na kung saan sobrang takot na ikaw mismo na sa loob ng lucid dream ay aakalin mo na totoo ito at maaring pagsimulan ito ng Somniphobia o Fear of Sleep dahil nga sa paulit ulit na pagkaranas ng nakakatakot na panaginip.Isa sa pinaka kilalang side effect ng Lucid dreaming ay ang pagkilala sa realidad at panaginip kung saan maaring mapaghalo ang nangyayari sa tunay na mundo at sa mundo ng panaginip dahil dito ay marami din ang takot na makaranas ng Lucidity.May mga malalang pangyayri na alam mong nasa realidad ka ngunit naiisip mo pa din na nananginip ka na maaring makagawa ka ng mga bagay na hindi normal sa tunay na mundo.

Danger:

Noong late 1970’s at early 80’s , marami ang kaso ng mga nangamatay na asian ang namatay sa US mula sa kanilang pagtulog, marami ang naniniwala na dahil ito sa lucid dreaming , sleep paralysis , at mag masasamang panaginip.Ngunit lumabas sa ginawang imbestigasyon ay ang mga ito ay mayroong iba’t ibang sakit sa puso tulad ng Brugada syndrome kung saan iregular ang pagtibok ng puso at maaaring resulta ay kamatayan.

Sinasabi na wala pang report o kahit anong balita na nagsabing maari kang ilagay ng lucid dream sa delikadong sitwasyon sa buhay tulad ng pagka coma.Kung mamatay man ang isang tao sa panaginip , maari lamang itong gumising at huminga ulit.

Sources

This is your modal header title

  1. https://facthacker.com/different-types-of-dreams/
  2. https://www.world-of-lucid-dreaming.com/history-of-sleep.html
  3. https://sites.psu.edu/siowfa15/2015/09/10/the-science-behind-lucid-dreaming/
  4. https://www.newsweek.com/lucid-dream-howto-guide-instructions-1445163
  5. https://www.webmd.com/sleep-disorders/sleep-paralysis#2
  6. https://exemplore.com/dreams/Can-Lucid-Dreams-Kill-You

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Si Lucifer at Satan magkaiba? | 7 prince’s of hell Part 2

Freemason Part 2 – Ano ang Order of templars at ang masonic knights?