Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Nakilala na natin ang ilang hallimaw, multo, paniniwala at iba pa mula sa Pilipinas, sa Griyego, sa Japan, sa China at iba pang bahai ng mundo. Maraming mga nilalang ang punong puno ng kababalaghan at karamihan dito ay makikita sa kagubatan. Isa na nga dito ang Leshy. Isang forest spirit na mapaglaro sa mga tao. Ayon sa paniniwala ang nilalang na ito ay umiiyak sa tuwing ang isang puno ay pinuputol.

Halina’t kilalanin natin ang mythology nito.

History:

Leshy - Wikipedia

Isa ang Leshy sa mga nilalang na mayroong pinaka magulong pinagmulan. Kapag sinabing magulo, ang paniniwala sa nilalang na ito ay iba-iba magmula sa iba’t ibang parte ng Europa. Pinaniniwalaan na mula pa noong 17th century nakilala si Leshy mula sa isang Literary work. Ang “Les” ay isang salitang Slavic na ang ibig sabihin ay forest lord.

Ito ay isang Slavic Mythology na kalat na sa parte ng eastern europe at ito na din ang dahilan kung bakit ito nagkaroon ng iba’t ibang paliwanag sa mga tao. Karamihan ay nagsasabi na totoo ang nilalang na ito at ito ay kanila nang nakasalamuha at naikwentro.

May mga naniniwala na ito ay isang tao na sinumpa, may iba naman na ito ay isang demonyo o hindi naman ay isang anghel na ibinaba sa kalangitan dahilan upang maging masama ang nilalang na ito.

The Story:

Leshy - slavic forest spirit by Theoretical part. Ornamentation, dark art,  skulls, forest, illustration. | Forest spirit, Dark fantasy art, Dark art

Ang Leshy ay ang nilalang na naninirahan sa kagubatan. Ayon sa kwento na pinaniniwalaan karamihan ng mga magulang na nakatira sa kagubatan ay ipinapadala nila ang kanilang mga anak sa loob ng kakahuyan upang maturuan ng leksyon ni Leshy.

Ang ilan ay nagsasabi na ito ay namumuhay lamang na mag-isa. Ngunit ang iba naman ay naniniwala na kasama niya sa kakahuyan ang kanyang pamilya. Nariyan ang pinananiniwalaan na kanyang asawa na si Leschachikha na maaring isang fallen angel o hindi naman isang isinumapang babae.

Ang kanyang asawa mismo ang tumanggap sa kaniya at nabubuhay ang dalawa sa kakahuyan. Pinaniniwalaan din na ang mag-asawa ay nagkaroon ng anak. May ilang naniniwala na totoo na nagkaanak ang dalawa pero meron ding mga taong may agam agam na ang sinasabing anak ay ang mga batang naliligaw sa kakahuyan at kanilang kinukuha.

Ang ilan ay naniniwala na si leshy ay mabait sa mga mababait na taong kanyang nakakasalamuha. Hindi lamang mabait ngunit ito ay nagbibigay din ng ilang regalo dahil sa kanilang kabaitan. Ilang mga paniniwala na ito ay nagbibigay ng baka para sa mga mahihirap na mamamayan.

Maging ang isang mabuting prinsepe ay kanyang tinutulungan sa paglalakbay upang makilala nito ang prinsesa na kanyang pakakasalan. Ngunit ang lahat ng nilalang ay mayroong masamang side, tulad na lamang ng paniniwala na si Leshy ay nangunguha ng mga sanggol na hindi pa nabibinyagan o hindi naman ay mga batang pumapasok sa kagubatan upang manguha ng ilang mga bunga ng puno at manghuli ng isda.

May mga paniniwala din na kung minsan ay inililigaw niya ang ilang tao na pumapasok sa kagubatan. Naniniwala ang ilan na ito ay madalas bumibisita si Leshy sa mga bahay inuman upang makainom ng ilang alak. Matapos niyang makainom ay babalik na siya sa loob ng kagubatan kasama ang mga alaga niyang lobo.

Ang ilan naman ay naniniwala sa kwento na kung ang isang tao ay nakagawa ng isang bagay na ikinainis ni Leshy at ito ay naliligaw sa kakahuyan. Ang mga ito ay gagawa ng paraan upang mapatawad at upang mawala ang inis ni Leshy sa kanila.

Ang pagbabaliktad ng damit at maging pagbabaliktad ng sapatos ay maaring makatulong upang makawala sa pagkakaligaw. May paniniwala naman na maaring makatulong ang ilang dasal upang mabaliktad ang sumpa na ibinigay ni leshy. Ang pagpapa-apoy din sa asin ay pinaniniwalaan na makakatulong.

Kung ang ilan ay naniniwala na hindi nanakit ang isang Leshy, marami pa din ang naniniwala na ito ay gumagawa ng ikapapahamak ng isang tao. Naniniwala ang ilan na ito ay masamang nilalang na gumagawa ng kakaibang iyak na maririnig sa kagubatan. Nagagawa din nitong mang-gaya ng boses ng tao na kanilang ginagawa upang mapapunta sa kanilang kweba. Kung baga aakitin ka nito o hahayaan nitong maglaro ang iyong curiousity. Sympre nga naman pag may narinig kang magandang boses ng babae, ikaw tong si superman hahanapin agad un.

Well, sa pagkakataon na mapunta ang taong ito sa kweba, hindi ito sasaktan ni leshy. Ngunit kikilitiin lamang nito ang kanilang biktima hanggang sila ay magsawa. Matapos iyon ay pakakawalan at tatanggalan ng memorya ang mga biktima upang hindi maala ang mga naganap na pangyayari. Ewan ko pero feeling ko kakaiba ang fetish ng leshy na to.

Pinaniniwalaan din na hindi lamang iisang leshy ang naninirahan sa loob ng kagubatan, ang mga ito ay nanganganak at dumadami. Dahil ang mga ito ay pinangangalagaan ang kanilang teritoryo, gagawin nila ang lahat upang hindi ito mapasakamay ng iba.

Ang ilang paniniwala na ang nilalang na ito, kasama pa ang ilang halimaw ay nakatira sa isang malaking palasyo na malayo sa mga tao. Tuwing sasapit ang tagsibol, ang mga nilalang na ito ay lalabas at mang-gugulo sa kagubatan at may paniniwala din na nangra-rape ng mga babaeng naliligaw sa loob nito.

Tuwing panahon naman ng tag-init, ang mga ito ay pumupunta sa kagubatan upang makapangloko ng mga manlalakbay, ngunit hindi nila ito sinasaktan. Sa panahon naman ng taglagas, ang leshy kasama ang iba pang mga halimaw ay nagsisimula ng gulo, at nanakot sa mga tao na mapupunta sa loob ng kakahuyan.

Pagdating ng tag-lamig, ang isang Leshy ay babalik sa kanyang tahanan at doon ay magpapahinga hanggang sa dumating na muli ang tag-sibol.

Ang ilan simbahan sa kabayanan ng eastern Europe ay kinilala si Leshy bilang isang demonyo at pinangalanan na Boruta. Pinaniniwalaan na ito ay isang demonyo o isang masamang espirito na nagbibigay ng kaalaman patungkol sa impyerno. Katulad na lamang ng iba pang paniniwala, nakatira ito sa kagubatan.

Characteristic:

Pin by Ser Santo on Tattoos in 2020 | Monster concept art, Wendigo, Witcher  art

Ito na mismo ang pinaka malakas na tagapangalaga at tagabantay ng kagubatan at nang mga hayop na naninirahan dito. Kung minsan ay inilalarwan ito bilang isang tao at ang damit nito ay balat ng isang malaking hayop. Ang ilan ay naniniwala na ang diyos ng mga baka at nang iba pang mga hayop na si Bog Veles ay si Leshy mismo na bumaba dito sa mundo. Samantalang ang iba naman ay naniniwala na si Leshy ay tagapag silbi lamang ni Veles.

Kaya ng Leshy na baguhin ang kanyang laki at iba pang katauhan ngunit madalang lamang siyang makita ng mga tao na pinapakita ang ganitong abilidad. Ang tanging bagay lamang na makakapag-sabi na siya ay nasa paligid ay mula sa kanyang malakas na tawa at pagkanta na malinaw na naririnig ng mga tao.

Sa tuwing ito ay nakikita ng mga tao, makikita ito bilang matangkad na lalaki at mayroong puting mukha na labis na kakaiba. Makikita ang kanyang buhok at balbas na isang patusok na dahon at ang kanyang balat ay katulad ng balat ng isang puno na bitak bitak. Hindi lamang sa kakaibang laki at mukha at balat, ngunit wala din itong kanang tenga, kilay at pilik-mata.

May paniniwala na ito ay maaring makita bilang isang mahirap na tao, isang gusgusin, ngunit ang mga mata nito ay nagliliwanag at ang sapatos nito ay makikita na baliktad ang pagkakasuot. Dahil sa kakayahan nitong magbago ng anyo, may paniniwala na makikita ito bilang isang puno, o hindi naman ay malaking dahon sa kakahuyan.

May paniniwala din na ang isang leshy ay mayroong maputlang balat at ang kanyang mata ay nagliliwanag na kulay berde. Kung minsan naman ay makikita ito na mayroong buntot, ang paa nito ay katulad ng isang kabayo. Ang dugo nito ay pinaniniwalaan na kulay asul, dahilan upang makita sa kanyang pisngi ang ilang kulay na asul.

Maraming naniniwala na simula pa noong unang panahon kung ito man ay makikita sa kakahuyan, mapapansin ang pulang panyo na nakatali sa kanyang kaliwang sapatos na nakalagay sa kanyang kanang paa. Mapapansin din na ito ay hindi nagtataglay ng anino.

Kung ilalarawan naman ito bilang isang demonyo o isang masamang espirito, magpapakita io bilang isang normal na katawang tao. Ngunit ang kanyang balat ay kulay asul, nagtataglay ng dalawang sungay, berdeng buhok at berbeng balbas. Kagaya nga ng sinabi ko sa umpisa pa lamang. Maraming kwento tungkol sa leshy at marami din itong paglalarawan.

Dictionnaire Infernal:

Amazon.com: Dictionnaire infernal (Spanish Edition) (9788497619387): Collin  de Plancy, Jacques-Albin-Simon: Books

Sa dictionnaire Infernal ang leshy ay inilalarawan bilang isang demonyo o espirito. Bilang esperido pinoprotektahan nya ang mga ibon, hayop at puno. Kadalasan syang nakikita na mayroong katawan ng isang tao pero ang balat nito ay kualy asul. Mayroon itong 2 malaking sungay at isang mahabang balbas ng kambing.

Ang kanyang pang ibabang katawan ay katawan ng isang kambing. Makikita din ito na may dala dalang pamalo o hindi naman ay latigo na nagpapakita na sya ang namumuno sa kagubatan.

Similar Creature:

Kung mapapansin, ang isang leshy ay isang mapaglarong nilalang na hindi pumapatay ng mga tao. Dahil hindi siya pumapatay ng tao, maihahantulad natin ito sa mga nilalang sa pilipinas na taga bantay ng mga kagubatan.

Ang mga nilalang na ang tanging kagustuhan lamang ay maging maayos ang pamumuhay ng mga hayop na naninirahan dito. Tulad na lamang nila Maria Makiling at iba pang mga Diyosa. Hindi man lalaki ngunit ang kanilang gampanin ay iisa lamang. Pwede rin silang maihalintulad sa kapre at tikbalang dahil kagaya ng leshy ang mga ito ay mapaglaro din.

Modern representation:

Leszy/Leshy/Lisovyk - Slavic Protector of the Forest - Slavic Mythology  Saturday - Brendan Noble

Sa panahon ngayon, hindi mo man makikita ang mga nilalang na mayroong kapangyarihan at mayroong kakaibang itsura. Ang mga nilalang na taga pangalaga ng kagubatan ay ang mga taong sumasagip dito. Ang mga taong gumagawa ng paraan upang walang maputol na puno at mapatay na hayop na ginagamit sa ilang mga bagay.

Pagpatay ng usa, paghuli ng mga ilang uri ng ibon na malapit nang maubos at iba pang mga hayop na tahimik na naninirahan sa kagubatan. Ang mga taong ito na mismo ang dapat pasalamatan dahil sa kanilang katapangan. Wala man silang kapangyarihan kagaya ng leshy, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang hindi lubusang masira ang ating mundo.

 

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/0VaNVn-pRO0

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend