Laman Lupa

Reading Time: 8 minutes

Topics

Ang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming kababalagahan. Hindi multo ngunit mga nilalang  na pinaniniwalaan na nakatira sa ibang lugar o dimensyon. Ang mga nilalang na kung saan kakaiba ang katauhan ang pagkakakilala sa kanilang lahi. Kung pagsasama-samahin ang lahat ng nilalang na nasa Pilipinas, specifically ang lower mythology, ang lahat ng ito ay matatawag na laman lupa.

Sa totoo lang, nuong bata pa ako kapag sinabing laman lupa, ito ung mga nuno sa punso. Pero hindi pala. Ang mga nilalang na nakatira sa ilalim ng lupa o ilalim ng mundo. Ang mga duwende, mga tikbalang, mga engkanto at iba pang mga nilalang na nabubuhay sa isipan ng mga Pilipino. Ang mga nilalang na ito ay matagal nang kinatatakutan ng iba’t ibang probinsya sa Pilipinas. Halina’t kilalanin pa natin ang iba pang mga lamang lupa.

History:

Mula pa noong unang panahon, mula sa mga probinsya ng Luzon, Visayas at Mindanao. Kung ang ibang bansa ay mayrong H.P Lovecraft na kung saan ipinakilala ang iba’t ibang mga nilalang at kung ano pa ang  mga kakayahan nito, sa Pilipinas ay mayroon naman tayong kinikilalang Maximo D. Ramos.

Si Maximo D. Ramos ang pinaka sikat na manunulat ng mga nilalang na kilala natin ngayong panahon. Para sa kaunting kaalaman kung sino ba ang taong ito, si Maximo o Max ay kilala din bilang Imong ay ipinanganak noong Nobyembre 18,1910. Karamihan sa mga nagawang libro ni Imong ay patungkol nga sa mga kakaibang nilalang na pinaniniwalaan ng mga Pinoy.

Ang pinaka sikat niyang mga gawa ay ang mga  “Philippine Myths, Legends and Folktales,” ; “Creatures of Philippine Lower Mythology” ; “The Creatures of Midnight.” at ang “Creatures of Philippine Lower Mythology” na inilabas noong 1971 mula sa University of the Philippines.

Ngunit ang ibang kwento naman at paniniwala ay naipasa na lamang sa bibig. Ang iba ay nagmula sa paniniwala ng mga mananakop na dumating sa ibang bansa. Karamihan sa mga kwento ay patungkol sa mga nilalang na makikita lamang tuwing gabi, at mayroong nakakatakot na itsura. Ang iba ay masama, ang iba ay mabuti, samantalang ang iba ay wala namang paki-alam sa mga tao.

Karamihan sa mga kwento ay pinaniniwalaan na nakita ng ilang mga tao kung kaya’t mas lalo itong pinaniniwalaan.

The Story:

Karamihan sa mga kwento na maririnig ay ang isang Tikabalang na makikita sa kakahuyan. Kilala ang tikbalang bilang tagapanakot ng mga mahihinang tao na umaakayat sa mga bundok. Ang tikbalang ang sinisisi sa mga pagkaligaw ng ilang mga taong napupunta sa mga magugubat na lugar.

Ang isa pang lamang lupa ay ang Duwende. Malamang ay alam mo na kung ano ba ang kwento patungkol sa nilalang na ito. Ito ay isang maliit na nilalang na mapaglaro. Base sa kulay na patulis na sombrero ang kanilang ugali at kakayahan kumbaga depende yan sa sumbrero nila. Makes me wonder kung ang sumbrero nila ay natatanggal ba o hindi. Kasi diba kung sinusuot nila un, pwede palang magpanggap ang siang itim na dwende na puti.

Ang mga Kapre na pinaniniwalaan na makikita sa itaas ng puno ay isa ding lamang lupa. Kung ito ay nagustuhan ang isang babae, ito ay gagawa ng paraan upang mapasakanya ito sa santong dasalan o santong paspasan man.

Ang  tinatawag na Agta , Bawa at Ungo ay isa ding uri ng lamang lupa na kung saan maari itong makita sa mga puno katulad ng isang kapre o hindi naman ay maaring sa isang gusali. Ayon sa mga kwento ay madalas itong naninirahan sa mga puno ng Santol o hindi naman ay puno ng Balete. Ang mga agta ay pinaniniwalaan na lumalabas tuwing alas otso ng gabi hanggang alas kwatro ng umaga.

Ang mga ito ay maaring lumakad lamang mag-isa o mag-gala at pinaniniwalaan din na minsan ay sumasalubong ito sa mga tao. Kapag ito ay nagalit ay maglalag ito ng mga sanga sa puno na kanyang tinitirahan.

Ang ibang kwento patungkol sa mga lamang lupa ay sa lupa mismo ito naninirahan, literala na nakadikit ang mga ito sa lupa. Ang  iba ay nakatira sa kweba at ilang  mga liblib na lugar sa mga bundok. Ayon sa ilang mga kwento ay ang mga taong nawawala sa kagubatan ay kanilang kinain o kinuha.

Kung minsan ang mga lamang lupa at ang mga engkanto ay iisa lamang. Ang mga ito ay nabubuhay sa ibang mundo, ngunit sila ay naggagala sa ating mundo upang gawin ang kanilang gusto.

Charateristic:

Karamihan sa mga ugali at kakayahan ng mga nilalang na ito ay pare-pareho lamang.

Ang tikbalang ay maaring magpakita bilang tao, ngunit mas kilala ito bilang tao na mayroong katawan na kabayo. Ang isang duwende na maliit, at nakatira sa mga punso na makikita sa mga kagubatan.

 

Ang iba ay mayroong mapupusok na mata, mabalahibo at kung minsan ay makikita ito na isa talagang halimaw. Ang ilang mga lamang lupa ay pinaniniwalaan na mabibilis, mayroong kapangyarihan na maari nilang ibigay ang iyong gusto.O hindi naman ay gamitin nila ang kapangyarihan nila sa iyo mismo.

 

Ang mga masasamang lamang lupa ay pinaniniwalaan na kumakain ng tao o nangunguha ng mga tao sakaling ito ay kanilang matipuhan. Ang ibang paniniwala ay wala naman talagang pakialam ang mga ito, ngunit sa sandaling sila ay nagambala, mas malaking perwisyo ang kanilang maibibigay.

 

Kung minsan, ang isang  lugar sa Biliran ang pinaniniwalaan na tirahan ng lahat ng elemento sa mundo. Dito ang mga ito ay nagkikita kita at nagsasama-sama. Parang ballroom lang ang set up. Malamang may binibigay na invitation ang mga ito para makaattend sa biliran.

 

Modern Days:

 

Sa panahon ngayon, nabago na ang  pagtingin sa lahat ng bagay. Ang mga kwento na ito ay nabubuhay na lamang sa mga lilblib na lugar. Mga lugar na hindi pa nagiging modernisado, sa mga bundok, sa mga isla at sa iba pang tagong lugar sa Pilipinas. Iba’t ibang mga palabas na din ang nagawa upang ang mga ito ay ipakilala.

 

Karamihan ay makikita na ipinapalabas ng Shake rattle and Roll na kung saan ito ay patungkol sa mga kakaibang nilalang na nakakasalamuha ng mga tao sa iba’t ibang sitwasyon.

 

Hindi man natin alam kung mayroon bang katotohanan o hindi, ang pag-iingat mula sa pagpunta sa isang bagong lugar ay magandang gawain. Hindi dahil sa natatakot ka o naniniwala ka sa mga espiritu, laman lupa o engkanto. Hindi natin alam kung ano ang  nandirito at mas mabuting makinig tayo sa mga payo ng mga taong  matagal nang naninirahan sa lugar na ito.

Hindi naman masamang  mag-ingat at huwag maging mayabang lalo na kung bagong salta lang sa isang probinsya. Ilang beses ng tinuro sa atin yan ng mga pelikula. Kaya’t magsilbing aral sana iyon.

Sources

Sources

  1. https://www.reference.com/world-view/maximo-d-ramos-27f9257ff29979ed
  2. https://erwinc09.wordpress.com/tag/lamang-lupa/
  3. https://www.geni.com/people/Maximo-Dumlao-Ramos/6000000019483472672
  4. http://www.mysiquijor.com/MagicCreatures.html
  5. https://steemit.com/history/@jhairahdignos/tikbalang-the-demon-horse-or-believe-it-or-not

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Darkweb para sa mga whistleblower?

Syokoy