Kumakatok

Reading Time: 8 minutes

Topics

Ugali na ng mga pilipino na kapag may kumatok sa kanilang bahay ay magtatanong muna kung sino ito o di kaya’y sisilip sa labas ng bintana.Hindi dahil sa akyat bahay kung hindi dahil sa isang kwento.
Paano kung hating gabi , mag-isa ka lamang sa loob ng iyong bahay lumamig ang simoy ng hangin ng biglang may kumatok sa pintuan.Pinagbuksan mo ito ngunit wala kang nakita o kanit ano sa labas ng iyong bahay.
Sumilip ka sa bintana at nagtanong ngunit walang sumagot , at noong bukasan mo ang pinto ay wala kang nakita na kahit sino.

Ang pagdampi ng malamig na hangin sa iyong katawan ay dahilan upang gumana ang iyong imahinasyon at magsimulang mag-isip ng kung sino man ang kumatok sa iyong pinto sa gitna ng gabi.

Ngunit kanino nga ba galing ang mga katok na ito ?

History:

Kilala ang Relihiyon Visaya bilang isa sa mga pinagmulan ng mga nakakatakot na nilalang ngunit hindi katulad ng mga aswang na kumakain ng laman loob ng tao , marahil ay mas nakakatakot kung marinig mo ang tatlong beses na katok.

Kumakatok o “manoktok” na kilala sa lugar ng visaya ay kumakatok sila hindi dahil manghihingi ng tulong , ng limos , o mamasko ngunit dahil magbibigay sila ng isang babala.Ang tatlong tao na gumagala tuwing gabi at bigla na lamang kakatok sa iyong bahay.Pinaniniwalaan ng mga taga probinsya na ang tatlong ito ay nagbibigay ng isang senyales na mayroong mamatay sa iyong pamilya o kamag-anak, ayon sa paniniwala ay maaring ang pinaka matanda sa pamilya ang mamamtay o ang kamag-anak na mayroong malubhang sakit.

Ang mga naninirahan sa probinsya ng luzon at visaya at nagsasabit ng krus o di kaya ay nagguguhit ng krus gamit ang puting pintura sa kanilang pinto upang hindi huwag dalawin ng tatlong ito.

Noong world war 2 ay dumami ang kwento patungkol sa tatlong mangagatok na ito.Isa sa mga ekspalnasyon ay dahil sa dami ng bahay at mga estblishamento ang nasira noong panahon na ito dahilan ng pag onti ng bahay na kakatukin ng tatlo.

Dahil sa lalong sumikat ang kwento patungkol sa tatlong ito ay kumalat na din ang mga kwento na kumakatok na din sila sa bawat buildings , hospital at pati sa mga simbahan.

Appearance:

Isang batang babae at dalawang matandang lalaki ay nakasuot ng balabal.Ito ang deskripsyon sa tatlong mangangatok, nakayuko lamang sila dahilan upang hindi makita nag kanilang mukha at kung ano ang kanilang mga itsura.

Similar Creature:

Kahit na ito ay sa pilipinas mismo nagmula, may mga nilalang na pinapaniwalaan sa ibang bansa na halos kapareha lamang neto.Ito ang Banshee, ang nilalang na ito ay pinaniniwalaang spirito ng kalikasan o isang diyosa.Ang ginagawa ng nilalang na ito ay magbigay ng babala sa mga tao noong unang panahon sa europa, sa kanilang pamilya na malapit nang mamatay.Pinaniniwalaan na ang banshee ay iiyak sa bawat apat na miyembro ng pamilya , ang kanilang iyak ang magsisilbing sensyales sa mga tao.Sa bawat lugar sa europa ay iba iaba ng paglalarawan kung paano ito umiyak, may nagsasabi na mahina lamang at makakapagbigay ng magaan na pakiramdam.Pinaniniwalaan na nagpapakita din ang banshee sa mga lugar na malungkot at walang buhay.
Nariyan dina ng Yonaki babā ng japan, isang yokai o isang demon sa katawan ng matandang babae.Naniniwala ang mga japanese na ito ay nanatili sa labas ng kanilang bahay at iiyak ng napaka lungkot at pati sila ay malulungkot din, mayroon namang paniniwala na ito ay isang malokong demonyo na sumasabay sa iyak ng isang malungkot na tao at ang iyak na ginagawa neto ay isang nakakaloko na iyak.Ngunit mas pinaniniwalaan na ang nilalang na itoay nag bibigay ng isang senyales bago dumating ang isang unos o kahit anong masamang pangyayri.

Story:

Ang tatlong ito ay pinaniniwalaang kakatok ng tatlong beses sa iyong bahay pagkatapos ay aalis din kaagad.Ayon sa mga matatanda ay hayaan lamang at huwag pagbuksan ang ganitong katok.Pagkatapos kumatok ng tatlong ito ay lilipat naman sila sa ibang bahay.Dahil sa walang nagtatangkang magbukas sa pinto kapag nakarinig ng tatlong katok at walang pagtugon kung ito ay tatanungin nila.Ang mga paranormal expert ay hindi kung ang mga ito ay tao ba , demonyo , o ang sariling bersyon ng mga pilipino na Angel of Death.Pinaniniwalaan na kapag pinagbuksan ng pinto ang tatlong ito ay maaring ikaw ay sundan at guluhin nila.Pinaniniwalaan na dadaan ang ilang araw matapos marinig ang katok ay makakabalita na lamang ang nakarinig neto na mayroon nang masamang nangyari

Walang pinaniniwalaan na panlaban sa mga nilalang na ito , ngunit mas mabuting magdasal na lamang at mag-ingat.
Pinaniniwalaan na ang tatlong ito ay maaring sundo, isang sundo na kukuha sa isang kaluluwa at hindi alam kung saan ito dadalhin.

Kung sakali man na ikaw ay naging isang kaluluwa , maaaring makasalmuha ang sundo na ito.

Sa dami ng paniniwala ng mga pilipino patungkol sa kamatayan ng isang tao o sa isang bagay na kapahamakan ang dulot.Mga pamahiin tulad ng tulad ng pagbagsak ng picture frame , pag-iikot ng plato sa tuwing aalis ang isang tao habang sila ay kumakain at marami pang iba na kasama na sa buhay ng bawat pilipino.
Kung sakaling may narinig man tayong katok sa ating pinto , at kung wala tayong inaasahan na bisita o kung sino ay mas mabuting huwag natin itong buksan.Hindi dahil sa takot sa mga mangangatok ngunit para sa iyong sariling kapakanan.
Ang panahon ngayon sa pilipinas na sobrang gulo na kahit sino ay maaring maging biktima.Akyat bahay , magnanakaw at iba pang masasamang tao na maaring gumawa ng masama sa iyo.
Kung ikaw ay takot ay ayos lamang, ngunit mas mabuti nang hindi magtapang tapangan upang makasigardo sa kaligtasan nang ating buhay.
Kung iniisip mo na alam mo na ang lahat at kaya mo na ang lahat ay hindi nakakatulong upang humaba pa ang iyong buhay , matuto na sumunod sa payo ng mga matatanda upang makaligtas sa kahit anong elemento sa mundo o sa kahit anong klase ng masasamang tao sa panahon ngayon.

Sources

Sources

  • http://www.opinyon.com.ph/index.php/features/science/710-the-legend-of-kumakatok
  • http://www.opinyon.com.ph/index.php/rated-18/news/mystery-news/710-the-legend-of-kumakatok
  • https://www.aswangproject.com/nangangatok-door-knocking-spirits/
  • https://mythology.wikia.org/wiki/Banshee

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ba ang Chupacabra? Isa ba itong imahinasyon o totoong nilalang?

Mga posibleng lokasyon ng Ark of Covenant