Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Reading Time: 14 minutes
advanced divider

Ang karagatan ng ating mundo ay sobrang lalim at sobrang laki at mmahirapa makilala ang lahat ng nilalang na nakatira dito. May mga kwento ng mga mangingisda na nakakita raw sila ng isang napakalaking nilalang, isang nilalang na kayang balutin ang isang barko ng kanyang mga galamay. Isang nilalang na hindi nakikita ng mga normal na tao.
Ang kraken.

Halina’t Kilalanin natin mabuti kung ano nga ba ang nilalang na ito.

History:

The Legendary Kraken: The Real Animal Behind the Monster | Ancient ...

Naniniwala ang mga Scandinavian o ang isang rehiyon na makikita sa Northern Europe na ang isang Kraken ay malaki at nakakatakot na nilalang na nabubuhay sa pinakailalim ng karagatan. Naniniwala ang mga tao sa lugar na ang nilalang na ito ay inaatake ang kahit anong sasakyang pandagat , malaki man ito o maliit.

Pinaniniwalaan na ang nilalang na ito ay kasing laki ng isang isla na makikita sa gitna ng isang karagatan. May ilang kwento na maraming mangingisda ang nagiging biktima dahil pinagkakamalan nilang isang isla ang katawan ng isang Kraken. Ang kraken ay unang nabanggit sa kwento ni Orvar-Oddr na kwento ng isang lalaki na maraming nagawang kabutihan.

Ayon sa kwento, mayroong dalawang malaking nilalang na nabubuhay sa karagatan .Ang Hafgufa at ang isang Lyngbakr. Ayon sa paniniwala, ang isang Hafgufa ay katulad ng isang paglalarawan sa kraken. Noong taong 1250, nagkaroon ng isang report na mula sa naman sa Norwegian scientific work at ito ay patungkol sa isang Kraken. Ayon sa report, mayroon lamang dalawang Kraken ang nabubuhay at kanilang nakita, hindi ito makapagparami dahil sa hindi sapat ang kanilang nakakain.

Noong 1735, isang botanist at isa ding zoologist na si Carolus Linnaeus ang nagsabi na ang isang Kraken ay isa lamang cephalopod na kanyang inilagay sa ginawa niyang taxonomy book na pinamagatang Systema Naturae. Ngunit hindi nagtagal, natanggal ang pahina na ito noong nagkaroon ng maraming edisyon ang libro..

Kraken Description:

Kraken | Cryptid Wiki | Fandom

Ayon sa ilang mga paniniwala, sa laki ng nilalang na ito mayroon itong kakayahan makagawa ng isang whirlpool sa gitna ng karagatan. Mayroon itong mahahabang galamay na kanyang ginagamit upang mapatumba ang malalaking mga sasakyang pandagat at ang kanyang ibang mga kaaway. Dahil sa malaking bibig ng nilalang na nito, nakakagawa ito ng kakaibang tunog. Ang mga pangil na mula mismo sa kanyang bibig at mga galamay ay pinagkakamalang malaking bato na nakalutang lamang sa karagatan.

Dahil sa ganitong paglalarawan sa nilalang na ito, maraming tao ang natatakot na maglayag sa karagatan. Ang mga malalaking alon at malalaking isda ay walang panama sa nilalang na ito. Dito pa lamang ay makikita na natin na isang delikadong nilalang ang Kraken. Paggawa ng whirlpool at paglunok ng mga malalaking barko ang isa sa pinakakilalang feat ng isang kraken. Pinaniniwalaan na hindi niya kagutustuhan na kainin ang mga taong nakasakay sa isang barko.

Naniniwala din ang ilan na dahil sa mabilis na pangyayari at sa kawalang kakayahan ng mga tao na makawala pa sa bunganga ng Kraken, hindi na nakakaligtas ang mga taong ito. Pero kagaya ng ibang mga malalaking nilalang, hindi naman palaging nasa ibabaw na bahagi ng karagatan ang isang Kraken, mas madalas itong nanatili sa pinaka ilalim ng karagatan at nagpapahinga.

Ayon sa mga naniniwala sa Kraken, hindi dapat sisihin ang nilalang na ito kung sakaling aatake ito ng malaking barko. Kumbaga hindi ito kasalanan ng isang kraken dahil naguguluhan ito at masyadong naiingayan sa pagdaan ng isang barko, kung kaya’t pinapalubog niya ang mga ito. Introvert pala itong kraken.

Ang mga nakakain ng Kraken ay kanyang ibibalik muli sa kanyang bibig upang maipanghuli muli ng mga isda na pupunta sa kaniyang bibig. Well, kung iisipin nakakadiri ito, sympre nginuya mo na tapos iluluwa mo pa. Pero iba ang buhay pagdating sa wild hindi katulad sa atin na binibili ang ating kinakain, ito ang kanyang paraan upang maraming isda ang pumunta sa kanyang bibig at kanyang makakain. Ayon sa paniniwala, gamit ang tunog na mula sa bibig ng Kraken mayroon itong kakayahan makagawa ng isang malakas na lindol sa ilalim ng karagatan at sa mga isla na kalapit nito.

Kraken and the Bible:

Leviathan - Wikipedia

Kung ang bibliya ang tatanungin patungkol sa nilalang na ito, isa lamang ang sagot ng mga taong nag-aaral nito. Ang Leviathan.
Mababasa sa ilang verses na makikita sa bibilya, katulad na lamang ng sa Job 41:1-34

“Can you draw out Leviathan with a fishhook or press down his tongue with a cord? Can you put a rope in his nose or pierce his jaw with a hook? Will he make many pleas to you? Will he speak to you soft words? Will he make a covenant with you to take him for your servant forever? Will you play with him as with a bird, or will you put him on a leash for your girls? …

sa Psalm 74:14 na nagsasabi namang “You crushed the heads of Leviathan; you gave him as food for the creatures of the wilderness.”

Sa Psalm 104:26 “There go the ships, and Leviathan, which you formed to play in it.”

at ang pinakahuli ay ang sa Isaiah 27 na nagsasabing
“In that day the Lord will punish with his sword- his fierce, great and powerful sword- Leviathan the gliding serpent, Leviathan the coiling serpent; he will slay the monster of the sea.”

Kahit na magkaiba ang kanilang paglalarawan, ang kraken bilang maraming galamay at ang leviathan bilang isang malaking ahas. Marami ang naniniwala na iisa lamang ito at nagkaiba lang sa paglalarawan. Sa lakas, sa kakayahan nito at kung saan ito makikita. Ayon sa ilang mga mag-aaral ng bibliya, ang isang Leviathan ay nasabit na sa iba’t ibang mga nilalang na kilala sa iba’t ibang mga kwento. Mula sa isang Dinosaur, na napunta sa isang buwaya, sa isang dragon, at kasama na nga dito ang isang Kraken.

Ayon naman sa ilang mga nag-aaral patungkol sa pangalan ng nilalang na ito, kung hahanapin sa Modern Hebrew ang ibig sabihin ng isang Leviathan ay walang iba kung hindi isang balyena.

Kraken and The Colossal Octupus:

160-Foot Giant Squid Hoax: How Big Do They Really Get?

Dahil ang mga scientist ay hindi naman naniniwala ng basta-basta sa ganitong bagay at nilalang, ang mga ito ay naghanap ng ilang mga ebidensya. Noong 18th century, ang Kraken ay nabigyan ng isang paglalarawan na ito ay mukha ng isang malaking alimango at mayroong malalaking galamay na parang pugita. Noong 1802, isang French scientist na si Pierre Denys de Montfort ang nagkaroon ng isang libro na pinamagatang Natural history of mollusk.

Ayon sa kanyang libro, ang malaking nilalang na pinaniniwalaan ng mga Norwegian ay isang Kracken octopus. Naniniwala si Pierre na mayroon pang mas malaking nilalang ang nabubuhay kumpara sa kinikilalang halimaw na ito. Ito ay ang kanyang tinatawag na “Colossal octopus” na kung saan nakapagpatumba na nang dalawang malalaking barko.

Ayon sa ilang mga research, ang isang Kraken ay kilala natin bilang isang malaking pugita at may paglalarawan din na ito ay isang malaking pusit na nabubuhay sa dagat. Ang isang colossal octupus ay maaring ang halimaw na matagal na nilang pinaniniwalaan. Ayon kay Pierre, ang nilalang na ito ay isang malakas at mas madalas na makita sa ibabaw ng karagatan na kung saan madali lamang makikita ng isang tao o nang isang mangingisda.

Ayon sa ilang mga eksperto, kahit na hindi kasing laki ng isang isla ang ilang mga pusit o ilang mga pugita, ang mga malalaking uri nila ay mayroong kakayahan na makapag patumba ng mga malalaking isda na nabubuhay sa karagatan. Ayon sa ilang report noong taong 1930’s, ang mga malalaking nilalang na ito ay umatke ng halos tatlong malalaking sasakyang pandagat.

A Real Giant Squid:

Giant Squid - Description, Habitat, Image, Diet, and Interesting Facts

Sa matagal na panahon, ang mga eksperto ay tagumpay na nakakita ng isang malaking squid o pugita na nabubuhay sa karagatan. Ayon ilang pag-aaral, ang mga eksperto ay nakakita ng halos 43 feet o 13 meters long na pinaniniwalaan na nito ay kasing bigat ng isang sasakyan. Ayon sa mga eksperto, hindi madaling hanapin ang ganitong kalaking nilalang sa ilalim ng karagatan dahil sa lalim, sa dilim at sa sobrang ilap ng mga nilalang na ito.

Noong taong 2012, ang grupo ng mga eksperto na mula sa Japan’s National Science Museum at kasama na din ang Japanese public broadcaster na NHK, nasakasihan ng grupo kung anong klaseng pamumuhay ang ginagawa ng isang malaking pusit. Ayon kay Dr. Clyde Roper ng Ocean Portal Team, ang malaking nilalang na ito ay unang nakilala ng mga eksperto noong taong 2006.Matapos ang mahabang taong pag-oobserba, nahila sa Ogasawara Island sa bansang Japan ang halos 24-foot o 7 meter na pusit upang ipakita sa maraming tao mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon sa pag-aaral na kanilang ginawa mula sa kanilang nahuling nilalang, ang malaking pusit na ito ay nabubuhay lamang ng halos limang taon at isang beses lamang kung makapaglabas ng kanyang anak. Ngunit ang mga babaeng pusit ay maglalabas ng milyon na maliliit na itlog, na kung saan ang iba ay makakain ng iba pang nilalang na nabubuhay sa ilalim ng karagatan at ang iba naman ay makakaligtas at mabuhay ng matagal.

Nito lamang taong 2013, ang mga eksperto ay nakapaglabas na nang footage patungkol sa malaking nilalang na ito.Sa lalim na 2,000 feet below, sa karagatan ng Pacifico nakitang gumagalaw at kumakain ang malaking nilalang na ito. Ayon kay Edie Wider na siyang kumuha ng footage, maaring ang kanilang nakita sa video ay posibleng aabot sa 30 feet long, samantalang ang pinaka malaking pusit naman na nairecord ay aabot sa 55 feet ang haba.

Ayon kay Widder,


“The reason we know giant squids exist is that they happen to float when they die. But we really [have] only explored 5 percent of the ocean, and I think we’ve explored that in the wrong way. I think we’ve scared a lot of animals away. So what about the stuff that doesn’t float when it dies?”

Ayon kay Dr.Roper, kung nanaisin ng isang tao na makakita ng sang malaki at buhay na pusit ay maari itong pumunta sa mga malalamig na banda ng katubigan at sa lalim na aabot mula sa 1,650 feet o 500 meters hanggang sa pinaka malalim na parte. Ang mga eksperto ay gumawa na nang iba’t ibang paraan upang makita ang mga malalaking nilalang na ito.

Sa tulong ng National Geographic Society, nagawa nilang makapaglubog ng isang mallit na camera na kanilang ikinabit sa isang sperm Whale. Gamit naman ang isang robotic submersible na kinikilala bilang Autonomous Underwater Vehicle, nagawa nilang magbakasakali na hanapin ang malaking nilalang na ito. Ngunit nauna itong nakita ng mga researcher mula sa Japan.

We don’t know kung ano nga ba ang nabubuhay sa pinaka ilalim ng ating karagatan that is a fact. Dahil hindi pa natin nalilibot ang pinakailalim nito. Ngunit para sa akin, mas mabuting hindi na guluhin ang mga tahimik na mga nilalang na ito. Hindi man sila kilala ng mga tao, malamang ay mayroong dahilan kung bakit nasa halos pinaka-ilalim na bahagi sila matatagpuan.

Ang kwento ay isang kwento, maari mo itong paniwalaan, maari din naman na hindi.

Meron ba kayong mythological character na gustong itopic? How about ang mga urban legends na mayroong mga halimaw? Kung may naiisip kayo na hindi pa naitotopic dito sa channel, inaanyayahan ko kayo na magregister sa aming website at isubmit ang inyong request ng sa ganuon ay hindi mawala sa kawalan at makain ng kraken ang inyong request.

SOURCCES

Sources

  1. https://northatlanticblog.wordpress.com/2015/04/08/leviathan-the-biblical-sea-monster/
  2. https://www.babynamewizard.com/baby-name/boy/leviathan
  3. http://www.unmuseum.org/kraken.htm
  4. https://www.npr.org/2013/01/13/169274472/the-kraken-is-real-scientist-films-first-footage-of-a-giant-squid
  5. https://ocean.si.edu/ocean-life/invertebrates/giant-squid
  6. https://mythology.net/monsters/kraken/
  7. https://www.ancient-origins.net/news-myths-legends-europe/legendary-kraken-00267
  8. https://www.greekmythology.com/Myths/Norse/Kraken/kraken.html
advanced divider

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
close

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.