Kilala nyo ba si Walking Sam?

Reading Time: 10 minutes

TOPIC

Sa mga native american, particulary sa Pine Ridge sa may south dakota ay mayroong kakaibang pangyayari. May mga ilang grupo na nagpatiwakal at lahat ng ito ay naiuugnay sa isang malicous spirit.

Kilala sya sa tawag na walking Sam. Kung babasehan natin ang pangalan mukhang wala namang issue, napakaharmless hindi ba. Pero wag kayong papaloko dahil si o ang walking sam ay isang anino na kinukumbinsi ang mga tao na magpakamatay. Kadalasan itong maririnig na bumubulong sa tenga ng isang biktima at sinasabing wala itong kwenta, walang silbi at dapat magpakamatay na.

Whether its true or not, ang depression at social oppression ay nagiging malaking problema sa panahon ngayon.

Urban Legend:

Ayon sa Native American Lore, si Walking Sam ay isang sinaunang nilalang, pero mas naiuugnay ito sa mga spiritual beings na tinatawag na “Stick Indians”.

Ang Stick Indians ay mga shadow people o dark people. Ayon sa alamat, ang mga stick indias ay iniistalk ang kanilang biktima at mararamdaman nito ang kamatayan na dulot ng mga stick indians.

Ang isang palatandaan na ang stick indians ay tinataraget ang isang indibidwal kapag nakarinig ito ng pumipito. Kapag ang biktima ay sinundan kung saan nanggagaling ang pagpito na ito, ang mga stick indians ay mapaparalyze ang biktima at mahyhypnotize o hindi naman kaya, mababaliw.

Kapag ang isang nilalang ay binastos ang stick indians, ang mga ito ay maghihiganti sa kahit anong paraan.

Ang mga tribo ng Native american ay kinatatakutan ang nilalang na ito at para sa kanila isa itong totoong nilalang na dapat iwasan. Si Walking Sam ay posibleng isa sa mga stick indians at pinaniniwalaang sya ang pinakamalakas sa mga ito.

Sa atin pag sinabing urban legend, kwento kwento lang pero iba si walking sam. Dahil ang mga elders at adults ng mga tribo ay naniniwala dito, in fact binabalaan nila ang iba na wag maglakad ng magisa sa gabi dahil isang masamang elemento si Walking Sam.

Sa katunayan isang matandang babae ang kinontak ang opisyales ng gobyerno para humingi ng tulong dahil sinusundan sya ni Walking Sam. Inilarawan nya pa ang itsura nito. Ayon sa kanya, isa itong matangkad na nilalang at mayroong subrero.

Suicides:

Ang kwento ni Walking Sam ay naging maugong nitong mga nagdaang taon lalo na sa south dakota native american communities. Ito ay dahil sa biglaang pagtaas ng suicide rates. Nuong December 2015, mayroong natalang 103 suicide attempts kung saan dating nakatira ang Oglala lakota tribe.

Ang Sioux Nation tribe ang talagang tinamaan sa mga suicide na ito dahil kadalasan group suicide ang nangyayari. Ayon sa isang local, mayroong humigit kumulang sa 200 suicide attempts sa loob lamang ng 3 buwan.

Sa 200 na ito, 9 lang ang napatunayan pero karamihan sa mga biktima ay mga bata. Ang pinakabatang naitala ay 12 taong gulang at walang naitalang biktima na lampas 24.

Maraming group suicides ang napigilan dahil na din sa tulong ng online. Dahil mas nagiging aware ang mga parents, teachers at iba pang mga communities. Ang mga matatanda at mga magulang ay nakakita ng mga lubid na nakatali sa puno.

Napigilan din ng mga teachers ang pagpapatiwakal ng grupo ng mga babae na nag pledged na sabay sabay silang magpapakamatay. Ang nakakatakot dito, napigilan ito na nasa process na ng pagpapakamatay, in short, kakaunting oras o minuto lamang at wala na silang maabutang buhay.

Ang iba sa mga bata ay nagpopost ng mga suicide techniques at ang iba ay gumagawa pa ng facebook groups para sabay sabay nila itong gagawin. Casual ang paguusap sa grupo na para bang isa lamang school activity ang kanilang gagawin.

May iba naman nagpopost ng video kung papaanong magtali ng lubid at ang iba ineecourage na saktan ang sarili at sinasabing gawin ito. Kung hindi man naenganyo ang isang  manonood na magpatiwakal, kahit papaano, ito ay nagkakaroon ng suicidal thoughts.

Sa katunayan, isang facebook posts ang nagpakita ng mga lubid na nakatali sa mga puno, malapit sa isang maliit na kumunidad na mayroon lamang 1000 katao. Ang mga tribal police ay naniniwala na ang mga lubid na ito ay iniwan para maging imbitasyon na para bang nageenganyo sa mga taong angkakaroon ng suicidal thoughts.

Si John Two Bulls, yes pangalan nya talaga yan. Isa syang pastor sa tribo. Nakarating sa kanya ang balita na mayroong grupo ng mga bata ang magpapakamatay sa may kakahuyan. Agad nyang pinatawag ang iba pang mga miyembro at dali dali silang sumugod sa kaakhuyan. Dito nakita nila ang mga lubid na ginawa ng mga bata. Natagpuan din nila ang mga bata na handa na sa kanilang gagawin. Mabuti na lamang at nakarating sila, agad nyang kinausap ang mga bata at pinangaralan.

Ayon naman sa iba, walang kinalaman si Walking Sam dito, ito ay dulot ng bullying depression, racism at iba pang mga social issues. Habang ang iba naman naniniwala na si Walking Sam ang bumubulong sa mga bata para mas lalong mapagtibay ang kanilang desisyon na magpakamatay.

Walking Sam:

Si Walking Sam ay mas masama kumpara sa mga ibang stick indians dahil si walking sam ay susundan ang biktima at hahanap ito ng paraan para maiparamdam sa biktima na wala syang kwenta. Mararamdaman ng biktima ang mabigat na hangin, makakarinig din ito ng mga boses. Magpapatuloy ito hanggang sa ang biktima ay hindi na ito makayanan at kitilin ang sarili nitong buhay.

Ang iba nilalarawan si walking sam bilang isang matangkad na nilalang at may mapayat na pangangatawan. Ang nakakatakot sa itsura nito ay ang dala dala nitong mga biktima sa kanyang katawan na para bang isang collection.

May ibang naniniwala na gusto lamang ng kasama ni Walking Sam. Ayon kasi sa alamat, isa syang espiritu na sinumpa kung saan sya ay mananatiliu sa mundo, magisa. Marahil ang mga bata na kanyang inuudyok ay para may makasama sya. Gayunpaman, masama pa rin ang intensyon ni Walking Sam.

Ayon naman sa isang account, hindi masasama ang mga stick people. Oo mga bayolente sila at agresibo pero hindi sila to the point na masasama o demonyo. Ayon sa isang lalaking nakasalamuha ang mga stick people, sila ay mga spirito lamang ng kagubatan, pinoprotektahan lamang nila ang kanilang mga nasasakupan at kapag pumasok ang isang nilalang sa kanilang teritorya ng walang pahintulot, ang parusa, kadalasan ay kamatayan. Ayon sa lalaki,kailangan lamang respetuhin ang mga ito.

Depression:

Sympre hindi mawawala ang depression. Pag depress ang isang tao mas susceptible ito. Ang kahirapan din ang isa sa mga dahilan ng depression. Kadalasan ang mga ito ay dahil sa drugs, kung saan nakikita ng mga bata na ang mga magulang nila ay nalulong sa droga, kasama na ang pag-aaway dahil sa kahirapan at papasok na ang mental at physical abuse.

Matindi ang depression na papasok sa bata. Posibleng si Walking Sam, ay isang personification ng nasabing depression kung saan narinig ito ng isang biktima na nakakaranas ng depression at dahil dito, nagmamanifest si walking sam na infact hindi naman totoong nilalang.

Dahil sa mabilis na pag-angat ng suicide rates, ang oglala sioux tribe president na si John Yellow Bird Steele ay nagdeklara ng state of emergency. Mabuti na lamang at ang Administration for native americans ay ginawaran sila ng 400,000 emergency money para maagapan ang paglala ng suicide rates.

Si Walking Sam man ay isang kwento kwento o totoong nilalang, naging sentro ito ng pagtaas ng suicide rates nuong 2015 sa pine ridge. Totoo man o hindi  si walking sam, hindi madedeny na ang mga suicide attempts ay totoo at ang mga ito ay kailangan ng tulong.

Luckily for us, wala pa naman reported sightings kay walking sam. Bihirang bihira bumigay ang mga pinoy sa depression. Kapag bumigay man, talagang grabe na ang depression na yon. Kaya kung sino man ang nakakaranas ng depression, talk it out. Wag nyong sarilihin. Sabi nga ni satanas sa isang meme, suicide is not the answer, you got to outlive your enemies.

Source 1
Source 2

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mydoom

Ang kwento ng Griffin at bakit sinisimbolo nito si Hesukristo?