Kapre

Reading Time: 10 minutes

Topics

Para sa mga bata na lumaki sa probinsya , dala nito ang iba’t ibang kwento patungkol sa mga kakaibang nilalang na mayroong iba’t ibang kwento.Mula sa kwento ng lola , lolo , tito ,tita at iba pang kamag anak at kakilala na nagsasabing nakakita sila ng ganito , ganyan.Ngunit kung ikaw mismo ang tatanungin ,
Nakakita ka na ba ng malaking lalaki sa itaas ng puno tapos may hawak na sigarilyo?
Naranasan mo na bang makaamoy ng isang mabangong amoy kapag minsan ay nakadaan sa isang malaking puno?
Malamang maraming ka nang narinig na kuwento patungkol sa lalaking ito ngunit sino nga ba siya?

History:

Ayon sa Philippine mythology , ang lalaking may hawak na tabako na halos hindi nauubos ngunit ito ay nakasindi naman at nakaupo sa itaas ng isang malaking puno na may taas na halos walong hanggang sampung talampakan ay tinatawag na kapre o minsan sa ibang lugar sa bansang pilipinas ay Agta.Kung makikita ang mga mata neto ay nanlilisik sa pula at mayroong itong bigote.Sinasabing ang sinisigarilyo neto ay may kakaibang amoy na kung saan nakakapang akit at nakukuha ang atensyon ng taong magiging biktima neto.Suot ang isang tapis at isang tali bilang sinturon neto ay nagagawa ng kapre na makapag tago sa mga mata ng tao at magpapakita lamang kung gusto niya.Ayon sa mga kwento kwento , mas gusto lamang ng kapre na umupo sa puno at panuorin ang iba’t ibang tao na dumadaan sa puno kung saan ito nakatira.Ayon sa mga kwento , nakatira ang kapre sa mga malaking puno tulad ng balete, acacia , caimito at iba pang puno na malaki at nababalutan ng madaming alitaptap.Ayon din sa kwento ay mayroon itong hawak na mahigang bato na kasing laki lamang ng pugo at kung sino man ang makakuha ng batong ay maaring tuparin ng kapre ang kahit anong kahilingan neto.

Ang kapre ay hindi isang hayop o isang halimaw ,sinasabi na isa itong elemento na tagapagbantay ng isang puno o ng isang lugar at nakatira sa isang puno.

Story:

Iba’t iba ang pagkakakilala sa nilalang na ito , ang iba ay nakikita siya bilang masama ngunit ang iba ay nababaitan dito.Sabihin natin na mahilig lamang itong umupo upo sa taas ng puno at kapag naisaipan na manloko ay manloloko at kapag nakita niya na ikaw ay bastos tiyak na pagdidiskitahan ka neto.

Ang kapre ang isa sa pinaka kakatakutan ng mga bata sa bawat probinsya dahil nga sa itsura neto at sa namumulang mata sino bang bata ang hindi matatakot kung sabihan ng ganito ?
Hindi tulad ng aswang , manananggal ay sinasabi na iba ang kapre dahil ito ay mabait sa totoo nga daw ay nakikipag kaibigan pa ito sa tao at maayos ang pakikisama.Ngunit wag magpalinlang sa kanilang kaibaitan ng mga kapre hindi sila nanakit ngunit ito ay mapaglaro na kung saan maari itong manligaw ng mga umaakyat sa bundok,mayroon din itong kakayahan na magpakita ng mga lugar at bahay na makakalimutan ng biktima kung nasaan siya.Tulad na lamang ng nangyari sa mga mountain climbers na umakyat sa isang bundok sa Batangggas, sinabi na upang hindi sila mawala sa ay nag-iwan sila ng mga marka sa bawat daan na kanilang dinadaanan ngunit sila ay nagpabalik balik sa iisang lugar.May mga nagsabi na nakikita nilang umalog ang isang malaking puno at nagsilaglagan ang mga sanga at dahon neto ngunit wala namang hangin at makakarinig sila ng nakakatakot na tawa mula sa puno.Ngunit ang nilalang na ito ay masyadong mapagmahal at mahilig sa babae.Ayon sa kwento , marami ang kaso na habang tulog ang isang babae ay ito ay minomolestya ng isang kapre.Sinasabi na kapag natipuhan daw ng isang kapre ang isang babae ay gagawin neto ang lahat upang makuha ang babaeng ito.Masyadong obsessive ang isang kapre pagdating sa pag-ibig sa isang babae , masyado silang seloso at selfish (parang ikaw sa jowa mo).Sinabi na isa lamang ang mamahalin na babae neto sa buong buhay neto at susundan niya ito kahit saan ito magpunta , so stalker ang isang kapre.

May mga kuwento na dinala o kinuha sila ng kapre at dinala sa kanilang kaharian sa loob ng puno na kung saan mahiwaga.Sinasabi naman na nangunguha ito ng biktima at ibabalot sa malaking dahon at gagawing sigarilyo.

Ayon sa mga paniniwala , upang matakasan ang isang mapaglaro na kapre ay kailangan na hubarin ang iyong suot na damit at ito ay ibaliktad at suotin muli.Makakatulong ito upang mawala ang orasyon na ibinigay sayo neto at maari din na magsabi ng “Tabi tabi po ” kapag dumaan sa malalaking puno upang hindi magambala sa pagpapahinga ang kapre kung mayroon man nakatira na isa.Ngunit para sa mga kristyano , hindi uubra ang mga ganitong paraan sa kapre.Ang kailangan daw ay isang matinding pananampalataya upang maitaboy ang mga ganitong nilalang.Sinasabi na ang mga Christians na nasa loob ng orasyon ng isang kapre ay dinadasalan na galing sa mga scripture na galing sa bibliya.

Origins:

Sinasabi na ang salitang “Kapre” ay mula sa arabic term na “Kaffir” o isang insultong salita para sa mga black american dahil sa kanilang kulay at tawag sa mga Non-islam believer na pinaniniwalaan na gumagamit ng itim na mahika.Galing din ito sa spanish term na “kapfre” na ang ibig sabihin ay mga taong gumagamit ng mga maiitim na mahika.Ang salitang kapre ay “cafre” ay ginamit din na pantawag sa mga papuan slaves na dinala ng mga portugese sa pilipinas.

Encounters:

Sa dami ng kwento mula sa probinsya patungkol sa mga kapre , may ilan na napagtuunan talaga ng pansin tulad nalang kapre na nakatira sa isang puno sa Malacañang Palace.Sinasabi na mayroong kapre na naninirahan sa Malacañang Palace kung saan pinangalanan itong “Mr Brown”.Ayon sa kwento , matagal nang itong naninirahan sa isang matandang puno ng balete mula pa nakatayo pa mula noong 1800’s.Ayon kay Miguel Perez Rubio ang chief protocol ng Malacañang ,madalas daw na manloko ng tao si Mr.Brown tulad ng pagpapatapilok sa mga ito.Lagi niya din itong binabati ng magandang umaga at kinakamusta upang hindi siya neto paglaruan.Kumalat din ang balitang nakita ito ng isang pastor, kumpara sa ibang pastor; si Pastor Hiram Pangilinan ay naniniwala sa ganitong nilalang.Ayon sa pastor , siya ay ipinatawag sa isang pagawaan dahil ang isa sa mga trabahador neto ay nagsabi na mayroon daw itong nakikita na kakaibang nilalang.Noong dumating siya sa lugar, naabutan niyang hawak ng walong tao ang babae, dalawang tao ang nakahawak sa bawat binti dahil sa lakas neto at sa hindi nila mapakawalan dahil nagwawala ito.Ayon sa ibang katrabaho neto , nakita nila ang babae na nakatingin sa labas ng bintana at parang mayroong kinaka usap ngunit wala namang ubang tao.Pagkatapos nang pangyayaring iyo ay nahimatay ang babae at ito ay dahan dahan na bumagsak , tumataas din ang damit na suot neto at nagsimulang lumabas ang ibat ibang marka sa katawan neto.Halos limang oras ang itinigal upang lisanin ng nasabing kapre ang babae , dinasalan ito ng pastor.Ayon sa pastor nakatira ang kapre sa likod puno kung saan nagtatrabaho ang babae at nagkaroon ng interes sa babae kaya pinagsamantalahan ito.

Marami ang nagsasabi na isa lamang itong imahinasyon at kathang isip ng mga tao sa probinsya upang takutin ang mga bata , ngunit bakit may mga matatandang patuloy na nagsasabi na nakikita nila ito ? Bakit patuloy pa din ang kwento na sila ay nakakaengkwentro ng ganitong nilalang ? Kung ikaw ay bago lamang sa isang lugar at medyo madami ang malalaking puno ay mabuting mag-ingat at huwag magloko loko.Huwag mo na itong hanapin dahil baka pag nahanap mo siya ay mahanap ka din niya at isama sa kanyang kaharian (Kung mayroon man)
Kung ikaw ay isa sa mga hindi pa nakakakita ng kapre ay mabuti na sundin natin ang ilang paalala na mag tabi o magsabi na makikiraan.Hindi ibig sabihin na hindi natin ankikita ay hindi na totoo , matuto tayong gumalang sa mga bagay na hindi natin nakikita sa gayon ay kung totoo man sila ay hindi natin sila maiistorbo at hindi tayo ang kanilang pag laruan. Tama ba ?

So kung may naamoy kang mabango pagkadaan mo sa isang puno at naisipan mo na tumingala at nakakita ng usok at dalawang pulang mata na nakatitig sayo ay mabuti na huwag nang makipagtitigan dito at tumakbo na at magdasal upang hindi kana nito habulin at para na din sa ikakakbuti ng iyong buhay.

Magdasal, gumalang at tumakbo para sa buhay.

Sources

Sources

  1. https://www.philippine-tales.com/creatures/kapre
  2. http://www.wowparadisephilippines.com/legend-kapre.html
  3. https://en.wikipedia.org/wiki/Kapre
  4. https://www.rappler.com/entertainment/specials/150921-the-monsters-we-face

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Chupacabra posibleng totoo?

Si Michael The Archangel ba ang tagapagtanggol ng Sanlibutan?