Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Sa tuwing tayo ay pupunta sa isang birthday party ng mga bata, Kadalasan ang pinakahihintay nila ay ang pagpapakita ng clown o hindi naman kaya ay mga magicians.

Pero sa kasamaang palad ay hindi lahat ng bata ay gusto ang nakakatakot na ngiti, makulay na mukha at kasuotan ng nilalang na ito. Well, kung hindi ka takot sa itsura nito, good for you at na enjoy mo ang iyong childhood.

So, maiba tayo. Isa sa pinaka kilalang clown sa panahon ngayon ay si Pennywise, the dancing clown. Ang clown na ito ay nakilala sa libro at palabs na “IT”.

Alamin natin kung ano pa ba ang kwento patungkol sa nakakatakot na clown na ito.

History:

Ang nobelang “IT” na isinulat ni Stephen King ay inilabas noong 1986. Nakilala ang kanyang libro dahil sa dami ng pahina nito na naglalaman ng kakaibang kwento at katatakutan.

Ang libro na ito na ginawa ng halos apat na taon ay naglalaman ng 1138 pages. Ang librong “IT” ni Stephen ay pangalawa sa pinakamahaba na isinulat nyang libro. Ayon sa panayam kay Stephen King patungkol sa libro, ang kanyang inspirasyon upang mabuo ang kwento ay mula sa isang Norwegian fairytale na “The Three Billy Goats Gruff.”.

Bukod pa dito, inamin ni Stephen na habang isinusulat niya ang kwento ay nasa impluwensya ito ng droga. Inamin nga ng manunulat na mula noong kabataan niya ay dumaan ito sa adiksyon mula alak hanggang droga. Mula noong 1978 hanggang 1986 ay nasa impluwensya siya ng ipinagbabawal na gamot.

Si Stephen King ay kilala pagsusulat ng katatakutan at dahil dito, kinikilala ito bilang Master of horror. Sa pagpapa-isip nito sa mga tao sa lahat ng kanyang ginagawang libro, mula katatakutan, siyensya fiction, crime at mga fantasy novels. Kinikilala niya ang “IT” bilang Final exam sa horror.

“I thought to myself, ‘Why don’t you write a final exam on horror, and put in all the monsters that everyone was afraid of as a kid?'”

“I’m going to do it like a fairy tale. I’m going to make up a town where these things happen and everybody ignores them.'”

at ganoon nga ang ginawa niya sa kanyang libro na “IT”.

In The Movie:

Para sa mga nakapanuod na nang movie malamang ay alam na ninyo ang nangyari mula Chapter 1 hanggang Chapter 2 nito. Mula sa Chapter 1 movie, ang lahat ay nagsimula sa pagkamatay ng isang bata na si Georgie.

Dito ay makikita na ang payaso na si Pennywise mula sa sewer. Ipinapakita din sa Chapter I ang ilang scence patungkol sa pambubully ng mga bata. Kinilala nga ang “Loser club” na sina Richie, billie, Edie at Stan. Ang transferee na si Ben na puntirya naman ng mga bully na grupo nila Bowers. At ang pinaka kilalang babae sa kanilang eskwelahan na si Beverly.

Ang bawat bata sa palabas ay mayroong kanya kanyang mga kwento. Si Billie na siyang namatayan ng kapatid, si Eddie na sakitin at masasabing mama’s boy, si Stan na sumusunod sa kanyang ama at si Richie, well malamang ay iniisip ng marami na walang problema si Richie pero makikita sa Chapter II ang lihim nang matagal na itinatago nito.

Makikita kung paano kinaharap ng mga bata ang iba’t ibang takot nila sa buhay. Mula sa sakit, sa larawan, sa isang pangyayari at maging mismo sa kanilang mga magulang.

Doon ay nagsama-sama sina Richie, Edie, Billy, Stan, Mike, Ben at Beverly upang kalabanin si “pennywise” at maging ang kanilang mga takot. Sa dulo ng Chapter I ay nangako ang mga bata na kung si “pennywise” man ay babalik, sila ay babalik din upang tapusin ang kanilang nasimulan.

Mula sa Chapter II, 27 years muli ang lumipas at ang losers club ay mayroon nang ibat ibang buhay at mga propesyon. Pero nagsimula na namang lumabas at pumatay ang nakakatakot na Clown na si Pennywise.

Bumalik ang lahat ng ala-ala, masasakit, masaya at maging ang pinakatagong sikreto ng isa’t isa. Doon nalaman nila na si “It” ay hindi isang multo o halimaw, ngunit isa itong alien na napunta sa Derry noong unang panahon. Nalaman nila kung paano ito patayin gamit ang isang ritual at doon ay nagawa nilang patayin ang halimaw na ito.

Pennywise:

Isa sa pinaka malaking tanong ng mga nanunod ng “IT”, totoo nga ba si Pennywise? Minsan nga ba itong nabuhay? o isa lamang karakter mula sa isip ng napaka galing na manunulat?

Ito na nga ang second most googled word ng mga manunuod at tumangkilik sa libro at programa. Ngunit ang lahat nga ng ito ay hindi totoo. Ayon sa panayam kay Stephen King, ginamit niyang pinaka full form ang clown upang matakot ang mga bata.

Makikilala natin si Pennywise mula Chapter I hanggang Chapter II na isang creature na mula pa noong unang panahon. Well, masasabi na isa itong alien na nagpapalit palit ng anyo hanggang sa makuha nito ang kaanyuaan ni Pennywise.

Mapapanood nga sa Chapter II ng IT kung paano na encounter ni Beverly si IT sa kaanuyahan ng isang matandang babae. Noon ngang ang matandang beverly ay bumalik sa kanilang tahanan sa Derry, inabutan niya dito ang isang matandang babae na naninirahan sa kanilang tahanan noon.

Ikinuwento ng matanda, ang pagtatugkol sa kanyang ama na nagtatrabaho sa isang circus. Doon ay makikita si Pennywise na walang suot na kahit anong make up sa mukha. Maging sa libro nga ay hindi naipaliwanag ng Manunulat na si Stephen kung paano naging Pennywise ang isang IT. Kung paano nito nakuha ang kaanyuhan ng clown na ito.

Si It ay dumating sa mundo millions of years ago at nagland sa North America sa bayan ng Derry. Matagal nang namuhay si IT bago pa man mabuhay ang mga tao. Noong mabuo na ang Derry taong 1715, dito nagsimula ang cycle of feeding ng nilalang. Matapos nitong kumain ay mananahimik ito o dadaana sa hibernation at muli itong mabubuhay matapos ang 27 o 30 years na pagkakatulog.

Ayon kay King”clowns scare children more than anything else in the world.”. Si IT nga ay pinupuntirya ang mga bata ng Derry upang maging pagkain. Maging ang utak ng mga matatandang nakatira sa Derry ay kaniyang namamanipula dahilan upang hindi mapansin ng mga ito ang mga batang nawawala.

Sa nobela makikilala si Pennywise bilang si Bob Gray. Pero ito lamang ang nakalagay sa kwento. Bukod sa muling pagkabuhay ni “it” kada 27 years, maari din itong mabuhay ng biglaan dahil sa ilang masasamang pangyayari. Mababasa nga sa nobela na si it ay muling nagising noong 1957 dahil sa pagpatay ng isang ama sa kanyang anak. Ito ang kwento ni Dorcey Corcoran na hindi na ipinakita sa movie.

Dahil na din sa takot ng mga tao sa Derry, hindi na lamang nila pinapansin ang mga masasamang pangyayari at hinahayaan na lamang nila ito. Ngunit ang lahat ay nagbago noong ang mga matatapang na Losers ay nagsimuang kaharapin ang kanilang takot.

Dahil nga sa hindi masyadong naipaliwanag kung paanong si Bob Gray ay naging si It, ang mga Fans ay nakagawa ng kwento sa nangyari at pinagdaan ng totoong Pennywise. Naniniwala ang mga theorist na si Pennywise ay isang totoong tao noong nakaraang panahon. Nagkaroon ng malalim na interes ang shapeshifter na ito kay Bob Gray.

Dahil na din sa pagiging entertainer nito, kinuha niya ito upang mas makagala pa lalo sa lugar ng Derry. Mabilis itong makakapag pakita sa mga bata upang kaniyang kainin ang mga ito at mabilis niyang matatakot ang mga ito na siyang pinaka gusto ng halimaw.

Kung tatanungin ba kung totoo ang isang Pennywise. Ang sagot ay hindi. Ang lahat ng pangyayari sa libro ay mula lamang sa kathang isip ng manunulat. Ngunit halos lahat ng pangyayari dito ay base sa mga tunay na pangyayari.

Ang mga pambubully at maging ang homosexual act na hindi na ipinakita sa movie at maging ang pagpapakita nito ng racism. Isa pa nga sa pinaka totoong nangyari dito ay ang pinaka unang scence na makikita sa Chapter II ng It.

Ang pambubully sa dalawang magkasintahang lalaki. Ito ay mula sa tunay na kwento ni Charles O Howard.

Charles O Howard:

 

Taong 1984 noong kasama ni Charles ang kanyang kasintahan na si Roy noong sila ay pauwi noong maganap ang pangyayari. Sa kanilang paglalakad ay nakasalubong nila ang tatlo pang teenagers na nasa edad 15, 16 at 17.

Dahil nga sa pagiging bakla ni Howard, nilait at hinabol ito ng tatlong teenagers at nang mahuli ay pinagtripan at sinaktan ito. Matapos nito ay itinapon ito sa tulay. Si Howard ay may sakit na asthma at hindi rin marunong lumangoy ang binata. Nakatakas naman kanyang kasintahan sa mga lalaki, dahilan upang makatawag ito ng tulong. Pero huli na ang lahat.

Nahuli naman ang mga gumawa nito pero dahil teenagers, sila ay pinakawalan at dinala sa Maine Youth Center.

Bangor Maine:

Marami din ang naghahanap kung totoong lugar ang pinagyarihan ng lahat. Ang Derry Maine ay isang fictional town na ginawa lamang ni Stephen King. Ngunit ang totoo, ginawa niyang inspirasyon ang Bangor Maine kung saan siya lumaki at nakatira hanggang ngayon.

Ang Bangor Maine ay mismong inilarawan ni Stephen hindi lamang sa IT ngunit maging sa iba pa niyang nobela. Ang Derry Maine na nakakatakot, ay isang normal lamang na siyudad. Nagkaroon din ng report na nagkaroon ng isang prank mula sa lugar. Ang paglalagay ng pulang lobo sa mga sewer o mga kanal na labis na ikinatakot ng local na nakatira dito.

Ito din ang dahilan kung bakit maraming umalis at maging ang mga pulis ay nagulat sa pangyayari.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/3DCU43lTFbA

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend