Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Kung inyo nang napanuod ang Harry Potter and the Philosopher’s Stone, mayroon ka ng ideya kung ano ba ang nagagawa ng bato na ito. Ngunit ang ipinakita lamang sa palabas at ipinaliwanag ay kaunti lamang. Pero kung ikaw ay isang weeb malamang ay alam mo na ang full metal alchemists kung saan ito ang hinahanap nila edward at alphonse.

Ang philosphers stone ay laman na ng iba’t ibang libro, mga pelikula at anime. Isang bagay na kayang gawing ginto ang metal o hindi naman kaya ay magbigay ng buhay na walang hanggan. Halina’t lamin natin ang kwento sa likod ng philosphers stone.

History:

Ayon sa ilang mga research, 17th century noong makilala ang Philosoper’s stone sa mundo ng alchemy na siyang medieval ancestor ng chemistry. Noon ay ito ang nais magawa ng bawat alchemist dahil sa kakaibang kakayahan kung sakaling maayos nila itong mabuo. Ayon nga sa paniniwala, ang philosoper’s stone ay isang substance kung saan ang isang ordinaryong metal tulad na lamang ng iron,tin,lead,zinc,nickel at copper ay maaring maging ginto o isang silver.

Pinaniniwalaan nga din na ito ay mayroong kapangyariihan na gamutin ang isang malubhang sakit, pabatain kung sino ang mayroong hawak nito at mabigyan ito ng isang walang hanggang buhay. Ayon sa ilang mga research, maaring ang pinaniniwalaang mahiwagang bato ay hindi naman talaga totoong bato, ngunit maaringisang substance o isang powder na kilala bilang “Tincture” o “Prima Materia”.

Dahil sa kakaibang paniniwala sa bato na ito, inaral at pinag-eksperimentuhan ng bawat alchemist noong panahon na iyon ang bawat substance. Ang kanilang layunin na makagawa ng panibagong kaalaman mula sa mundo ng Chemistry, pharmacology at metallurgy. Noong nga ay kinilala ang ilang mga matatalinong tao noong unang panahon tulad na lamang nila Roger Boyle na siyang kinnikilala ng Modern chemistry. Maging si Isaac Newton ay pinainiwalaan din na isa sa mga taong sinusubukang gawin ang bato na ito.

Ayon sa ilang research, ang kaisipan patungkol sa mahiwagang bato na ito ay nagsimula noon pang 8th century mula sa isang Islamic Alchemist na si Geber. Pinaniniwalaan na ang alchemist na ito ay inaral ng mabuti ang Aristotelian element mula sa kanilang four basic qualities. Mula sa dryness, sa init, sa lamig at maging sa moistness nito. Dito ay nalaman nga nito na ang Apoy ay parehong mainit at tuyo, ang earth ay malamig at tuyo din, ang tubig ay malamig at ma moist at ang hangin ay malamig at mayroon ding moist.

Dito ay naniniwala si Geber na ang bawat metal sa mundo ay binubuo ng dalawa sa apat na principles. Dahil sa ganitong kaisipan,naniniwala din si Geber na kung ang isang metal ay inihalo o inilipat sa isa pang metal, maaring mabago ang ilang bagay dahilan upang magbigay ito ng kakaibang reaction. Ang ganitong mga pagbabago ay maaring magawa ng isang substance na tinawag naman niyang Al-iksir mula sa salitang Arabic.

Pinaniniwalaan nga na ito ay isang powder mula sa pinaniniwalaang mythical stone na Philosoper’s stone. Ang batong ito ay mula sa isang substance na tinatawag namang Carmot. Dahil na din sa teoryang nabuo ni Geber at sa paniniwala patungkol sa kung anong kayang gawin ng philosoper’s stone, ito ang naging inspirasyon sa isang kaalaman.

Ang kaalaman na maaring ang mga metal katulad ng mga gold at silver ay nakatago lamang sa mga alloy at sa mga ores at ang mga ito ay maaring marecover sa tamang chemical treatment. May ilan ding paniniwala na si Geber din mismo ang naka-imbento ng tinatawag na Aqua regia. Ito ay isang bagay mula sa pinaghalong muriatic at nitric acids na isa sa pinaka ginagamit upang malinis ang isang gold.

Nicholas Flamel:

Malamang ay narinig na ng iba sa inyo ang pangalang nicholas flamel lalo na sa mga harry potter fans. Ayon nga sa kwento, ito ang nag-iisang tao na nakagawa ng Philosopher’s stone. Kung ating inaakala na ang taong ito ay mula lamang sa utak ng manunulat na si J.K Rowling. Well nagkakamali tayo.

Si Nicholas Flamel ay isang totoong tao. Ito ay ipinanganak noong 1330 sa Pontoise malapit sa Paris. Ayon sa ilang mga record, ito ay isang bookseller at nagmamay-ari din ng dalawang shops sa Paris, France.

Ang asawa ni Flamel ay dalawang beses na naging byuda, dahilan upang ang yaman nito ay mapasakanya. Doon ay nakilala niya si Nicholas at naging asawa. Ang dalawang mag-asawa ay nabuhay ng isang normal na tao na mabait at mapagbigay. Nagbibigay din sila ng donasyon sa kanilang simbahan.

Bukod sa maayos nilang pamumuhay, nabuo din ang isang paniniwala na si Flamel ay isang alchemist bago pa man ito mamatay noong taong 1418. Makikita ang libingan ni Flamel sa Paris na siya mismo ang nagdesinyo noong 1416. Bago pa man ito mamatay noong 1418 ay nakagawa na ito ng sarili niyang libingan. Ang kanyang silid aklatan ay iniwan niya sa kanyang pamangkin na si Perrier.

Dito ay nagsilabasan na din ang iba’t ibang paniniwala, ang paniniwala na si Flamel ay hindi talaga namatay at ito ay buhay pa din noong panahon na iyon. Pinaniniwalaan din na ang pagkamatay ng asawa nitong si Perenelle ay wala ding katotohanan at ang mga ito ay pumunta sa India. Ang kumakalat na kwento at paniniwala, si Flamel ay nakakita ng isang kakaibang libro na mula sa isang estranghero.

Makikita nga na ang libro ay isinulat ng isang tao na nagngangalang Abraham, ang iba ay kinikilala ito bilang Abraham the Mage at Abraham the Hebrew. Dahil ang libro ay nakasulat sa salitang Griyego, Hebrew at iba pang salita na wala sa kaalaman ni Flamel, sa laman na mga simbolo ng libro ay napagtanto ni Flamel na patungkol sa Alchemy ang laman nito.

Lumipas ang napakaraming taon, napakaraming tao ang nakilala ni flamel,at napakaraming lugar ang kanyang napuntahan para ma decode lamang ang mga nakasulat sa loob nito. Dito ay napagsedisyunan niyang pumunta ng Espanya at doon ay nakilala niya ang isang Jewish Scholar na si Maestro Canches. Ayon sa kay Canches, kinilala nito si Abraham bilang earliest master ng Jewish mystical tradisyon tulad na lamang ng Kabbalah.

Dito ay pinaniniwalaan na ang ilang bahagi ng libro na dala ni Flamel ay naisalin nito at nakipagsundo na ito ay sasama sa Paris para maitranslate ng buo ang libro. Ngunit ayon naman sa kwento ay hindi na nakaabot pa sa Paris ang Jewish na ito dahil sa nalagutan ito ng hininga dahil sasakit noong sila ay bumibyahe. Dahil si Flamel ay naturuan na ni Canches habang sila ay nasa biyahe, hindi na mahirap para sa kanya na mag-isang intindihin ang buong libro.

Mayroong paniniwala na ang libro ay ginamit ni Flamel upang ito ay makakuha ng kakaibang laki ng pera. Dahil sa kanyang yaman ay napansin ito at pina-imbetigahan ni Charles IV ngunit wala itong natapuan na kakaiba sa buhay ni FLamel.

Ang iba naman ay naniniwalan na walang kinalaman sa alchemy si Flamel at ang kwento patungkol sa kakibang libro ay isa lamang haka-haka. Pinaniniwalaan na halos nabuhay pa ng anim na centuries ang mag-asawang Flamel at hindi na muling uminom ng elixer dahilan upang tumanda at mamatay na lamang ang dalawa.

Philosopher’s Stone:

Bukod sa kwento na mayroon sa Harry Potter, may ilang kalat na kwento pa din patungkol sa mahiwagang bato na ito. Isa na nga dito ay medyo makabibliya. Ito na ang pagbagsak ni Lucifer sa mundo. Ayon nga sa paniniwala, si Lucifer ay kinikilalang angel of Ligh at ang literal na ibig sabihin ng kanyang pangalan ay “light bringer”.

Halos karamihan ay alam na na kung bakit ibinaba si Lucifer sa lupa. Ayon sa paniniwala, hindi lamang basta-basta ibinaba si Luci sa mundo ngunit nagkaroon pa ng maatikabong labanan mula sa ibang anghel. Doon ay natalo ang buong hukbo ni Lucifer at ang mga ito ay nagmistulang mga bulalakaw na bumaba sa lupa.

Pinaniniwalaan na si Lucifer ay makikitang nag-gagala sa Garden of Eden. Mayroong suot na korona sa kanyang ulo at makikita dito ang nagliliwanag at malaking Emerald na bato. Magmula noong ito ay bumagsak sa lupa, ang malaking bato na ito ay nawasak at naghiwa-hiwalay. Ito ang dahilan upang ang ibang anghel at iba pang nillalang sa mundo ay kuhanin ang bagay na ito.

Ang emerald nga na ito ay naipasa bilang holy grail na kung saan naipasa na sa iba’t ibang tao at nagawa na mula sa iba’t ibang bagay. Ngunit ayon sa ilang paniniwala, ang mga alchemist noong unang panahon ay mas nais mahanap ang mga bagay na ito dahil ito ang kinikilala nilang philosoper’s stone. Para sa mga taong ito, ang bato na mula kay lucifer ay nagtataglay ng substance kung saan makakagpigay ng kaalaman patungkol sa pagbalik sa langit.

May iba namang nagsasabi na ang stone na ito ay hindi isang literal na pinaniniwalaang bato ay hindi isang bagay,ngunit ito ay isang “enlightenment experince”. Hindi kailangan ng mga formula at kung ano-anong eksperimento upang makuha ito, ngunit ang mga napagdaanan natin sa buhay ang makakapagbigay nito. Ang pagkilala ng mabuti sa sarili,s a ating purpose sa mundo at iba pang bagay sa mundo ay ang pinaniniwalaan na sinisimbolo ng philosoper’s stone.

Characteristic:

Sa bawat paglalarawan ng mahiwang bato na ito, madalas itong inilalarawan bilang kulay pula at kulay puti. Ang mga kulay na ito ang pinaka mahalagang kulay sa mundo ng alchemy at nagtataglay din ng ilang symbolic meaning. Ang kapangyarihan nitong gawing isang ginto ang isang bagay at makapag bigay ng pagka immortal sa taong makakainom nito.

Kung sa tunay na buhay tayo titingin. Maaring makagawa ang isang tao ng isang Philosoper stone na siyang nakakapag paginto sa isang bagay. Sa tamang substance na gagamitin, ilang pag-intindi gaya nga nang naisip ni Geber, maaring makagawa ang tao ng isang Philosoper stone.

Kung ating titignan sa mundo ng mahika, hindi natin sigurado kung mayroon nga bang katotohanan ang bagay na ito. Kung mayroon nga bang ganitong uri ng bato o bagay na minsan ay nagawa ng tao. Madami nang tao ang nag-aral at sumubok pero walang sapat na ebidensya na nagpapatunay na totoo nga ito. Ngunit maari din naman na naisip na ito ngunit wala pang nakakagawa mismo o hindi naman kaya ay talagang nakatago ito ng matindi.

Immortal Life:

Kung tayo naman ay pupunta sa Greek mythology, mayroon din tayong makikilalang “Elixer of life” na pinaniniwalaang pagkain ng mga immortal. Mula nga sa mga makikitang kwento at paniniwala sa mga ancient religous texts, ang pagiging immortal o ang pagkakaroon ng mahabang buhay ay konektado sa isang natatanging pagkain na tanging mga Diyos lamang ang maaring kumain.

Ang mga kinikilala ngang mga Diyos ay kailangan kainin ang pagkain na ito upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan, ang kanilang kalakasan at pagkakaroon ng buhay na walang hanggan. May paniniwala din na kung ang isang normal o mortal na tao ang siyang nakakain sa pagkain na ito. Kanya ding makakamit ang buhay na walang hanggan.

Mababasa sa mga kwento ng mga Greek gods ang tinatawag na Ambrosia at nectar. Ito ang pinaniniwalaang pagkain at inumin ng mga immortal gods at ito nga ay mababasa sa mitolohiya ng mga griyego patungkol sa pagkabuhay o pagka panganak ni Zeus.

Ngunit pinaniniwalaan din na bago pa man ang mga ito, ang paraan ng mga kinikilalang diyos ay ang paglangahap ng amoy o enerhiya ng kanilang mga namatay na kalaban. Pinaniniwalaan na sa gawain na ito ay kanilang nakukuha ang kalululuwa at enerhiya ng mga nito.

Ang Ambrosia ay nagmula sa sungay ng isang kakaibang kambing na nagngangalan namang Amalthea na pinaniniwalaang namang foster mother ni Zeus. Ang sungay na ito ang siyang nagbibigay ng walang hanggang supply ng Ambrosia at siyiang nakakapagbigay din ng iba’t ibang pagkain para sa lahat ng nilalang.

Ayon sa paniniwala ang ambrosia din ang siyang ginagamit ng mga diyos upang gumamot ng mga may sakit, nagpapagaling ng mga sugat at maging mga peklat at ilan pang mga kakayahan na siyang magpapagaling at magpapaganda muli sa katawan ng isang nilalang.

Kung tayo naman ay dadako sa paniniwala ng mga Vedic at Zoroastrian, makikilala natin dito ang isang espesyal na inumin na siyang pinaniniwalaan din na iniinom ng mga diyos at ito ang kinikilalang Soma at Haoma. Ang inumin na ito ay pinaniniwalaang makukuha sa katas ng di kilalang halaman.

Kung ito nga ay iinumin, magkakaroon ng walang hanggang buhay ang nilalang na makakainom nito. Pinaniniwaalaan na nga ang lider ng Devas na si Idra at ang diyos na si Agni ay umiinon ng galon galong Soma at Haoma.

Kung tayo naman ay pupunta sa Egypt, dito ay makikilala natin ang kwento patungkol kina Thoth at Hermes Trismegistus na silang kinikilalang Diyos ng buwan, ang mga ito ay pinaniniwalaang umiinom ng isang “Liquid gold”. Pinaniniwaalaan na ang inumin na ito ang nagbibigay sa kanila na mabuhay ng matagal o pang habang buhay.

Mula sa Sumerian texts, kinikilala nga si Ninhursag na siyang goddess ng mga bundok at isa sa pitong diety ng Sumerrian gods. Ang goddess na ito ay pinaniniwalaang nagkakatawan bilang isang baka. Ayon sa kwento, ang gatas na inilalabs nito ay iniinom ng mga diyos at maging mga hari noong sinaunang panahon at doon ay sila ay nagiging imortal at nagkakaroon ng kakaibang lakas.

Mula naman sa Hindu Religion, pinaniniwalaan na ang gatas na siyang tinatawag na Amrita ay iniipon at siyang iniinom ng mga Diyos upang maging isang imortal, ngunit ito ay hindi maaring inumin ng isang mortal na tao. Ang gatas na ito ay makikita sa mundo ng mga tao,d ahilan upang ipadala nila ang isang ahas upang ito ay ipunin at dalhin sa mga Diyos.

Ang pinaka huli ay ang pinaniniwalaan ng mga Chinese na ‘Peaches of Immortality’ na kapag kinain, ito ay magbibigay ng pagiging immortal sa mga Diyos at kung kainin naman ito ng isang mortal na tao, maari din niyang makamit ang kakayahan na ito.

Ang buhay nga ng isang tao ay isang beses lamang. Kapag ikaw ay namatay, ito na ang huli at least ito ang paniniwala natin dahil wala pa naman bumabalik sa hukay na may solid proof evidence pero mahirap un dahil hindi naman pwedeng dalhin ang cellphone sa kabilang buhay para magrecord pag namatay ka diba? So word of mouth lang talaga..

Dahil ang ilang mga tao noon hanggang ngayon ay nais humaba ang buhay dahil sa mga nais nilang gawin sa kanilang buhay, hahanap at hahanap ito ng paraan upang makamtam ito.

Totoo man o hindi ang isang elixir of life o isang philosopers stone, i enjoy natin ang ating buhay habang tao ay may oras pa. Gawin kung ano ang nakakasaya sa atin. Maikli lang ang buhay at nakakalungkot kung patapos na ito ay hindi mo pa nagagawa ang nakakapag pasaya sa iyo.

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/iw4dFMlSCs8

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend