Menu

Switch to the dark mode that's kinder on your eyes at night time.

Switch to the light mode that's kinder on your eyes at day time.

Sa panahon ngayon, uso na ang pagsasama ng dalawang magkaibang hayop upang makapagproduce o makapaglabas ito ng bagong lahi. Halimbawa na lamang ang pinagsamang lion at isang tigre na matatawag na Liger.

Ang offspring ng isang lalaking leopard at babaeng lion ay matatawag namang Leopon na kung saan tagumpay na nagawa sa Japan sa kanilang Kosien Hansin Park sa Nishinomiya City.

Ang pinagsamang Zebra at Donkey naman ay matatawag na Zonkey, ang pinagsamang wolf at isang aso na siyang makakapaglabas ng matatawag na Wolf dog na kung minsan ay makakapag pakita ng ugaling aso at minsan naman ay makakapagpakita ng ugali ng isang wolf.

Bago pa man ang mga hybrid na ito, mayroong nang kwento patungkol sa isang nilalang na pinaniniwalaan ng mga Griyego mula pa noong unang panahon. Ang kinikilalang Chimera.

Alamin natin kung anong klaseng nilalang ba ito.

History:

Mababasa ito sa iba’t ibang tula at panulat ng mga kilalang philosper at manunulat noong unang panahon. Tulad na lamang nina Homer, sa kanyang Illiad taong 8th century B.C.

“He killed the Khimaira, obeying the portents of the immortals.”

Kay Hesoid na isang kilalang manunulat din sa Greece sa kanyang librong na Catalogues of Women Fragment 7 na isang Greek epic noong 8th o 7th century B.C.


“With him [Pegasos (Pegasus)] Bellerophon caught and slew the fire-breathing Khimaira (Chimera).”,

at sa kanyang librong Theogony

“She bore the Khimaira (Chimera), who snorted raging fire, a beast great and terrible, and strong and swift-footed.”


Maging si Plato sa kanyang Republic noong 4th century.

“One of those natures that the ancient fables tell of, as that of the Khimaira (Chimera)”

Sa description of Greece ni Pausanias, sa Greek national history na isinulat ni Aelian noong 2nd A.D at iba pang libro na mula sa panulat ng mga sinaunang griyego noong unang panahon ay nabangit ang nilalang na ito.

Pinaniniwalaan na ang inspirasyon ng isang Chimera ay ang Sun Goddess na si Sekmet na sinasamaba ng mga Egyptin noong unang panahon. Ang Goddess na minsan ay inilalarawan bilang isang lion na bumubuga ng apoy, tatlong daang taon bago pa man lumabas ang kwento patungkol sa Chimera.

Ayon sa isang British poet, historical novelist, critic at classicist na si Robert Graves, ang Chimera ay isang simbolo sa kalendaryo ng “Tripartite year” kung saan makikita dito ang mga seasonal emblems na leon, kambing at ahas.

Kilala nga ito sa Foreign Lycia ngunit mas nakilala ito sa plorera ng greece madalas ay ginuguhit ang nilalang na ito. Makikita nga ang larawan ng isang Chimera sa mga proto-Corinthian style na ginagamit ng mga greek painters sa mga plorera noong 670B.C.

Story:

Pinaniniwalaan na ang isang Chimera ay mula kina Typhon na isang higanteng ahas at si Echidna na isa namang kalahating tao na mayroong katawan ng ahas. Pinaniniwalaan nga na ang ama ni Chimera na si Typhon ay isa sa pinaka delikadong nilalang na kinatatakutan ng mga sinaunang tao sa greece nuong sinaunang panahon.

Ang dalawang mag-asawa na ito ay hindi lamang nagluwal ng isang Chimera ngunit sila din ang magulang ng ilan pang pinaka kinatatakutang nilalang sa Greece. Tulad na lamang ng kilalang Lynean Hydra, Sphinx, Nemean Lion at maging si Cerberus.

Ayon sa paniniwala, ang Chimera ay nakakagala ng matiwasay at kinatatakutan sa lungsod ng Lynean. Ngunit hindi natinag ang isang Demigod na siya’y kalabanin.

Ito ay si Bellerophon na anak ni Poseidon sa isang magandang babae na isa namang mortal. Noong bata pa si Bellerophon ay nakagawa ito ng isang krimen dahilan upang ipadala ito kay King Proteus na kinikilalang hari ng Egypt noon.

Dahil nakitaan ito ng hari ng magandang potensyal, hindi niya ito pinarusahan at kinupkop na lamang. Pero inakusahan si Bellerophon ng asawa ng hari na siya’y pinagsamantalahan nito. Nagalit ang hari at nakaisip ito ng paraan upang mapatay si Bellerophon.

Dahil nga hindi lingid sa kaalaman ni Proteus na anak ng Diyos si Bellerophon, alam niyang hindi ito madaling patayin. Ibinigay ni King Proteus si Bellerophon sa kanyang Father-in-law na si King Iobates, na siya namang nakaisip ng isang paraan upang mawala ang binata.

Binigyan nito ng isang pagsubok si Bellerophon. Ang pagpatay sa Chimera. Kung sakaling mapatay niya ito ay makakalaya na siya sa kamay ng mga hari. Inakala ng dalawang hari na walang laban si Bellerophon sa isang Chimera dahil sa taglay nitong lakas at kakayahan at isa pa 3 iba’t ibang halimaw ito at may kakaibang kapangyarihan kaya naman wala talagang laban si bellerophon kung tutuusin.

Subalit ang hindi alam ng dalawa ay kasama ni Bellerophon ang kanyang kapatid sa ama na si Pegasus na isang mahiwagang kabayo. Dahil sa pagtutululngan ng dalawang magkapatid ay napatay nila ang chimera ng walang kahirap-hirap.

Bago mamatay ang Chimera ay nagkaroon ito ng anak sa kanyang kapatid na si Orthrus. Ang paniniwala ay hindi niya kapatid sina Nemean Lion at Sphinx ngunit kaniyang mga anak kay Othrus.

May ilang paniniwala naman na kung sakaling makakita ang isang tao ng Chimera. Isa itong masamang pangitain. Pinaniniwalaan na ang Chimera ay nagpapakita bago maganap ang isang delubyo. Halimbawa na lamang ang isang malakas na bagyo, pagputok ng bulkan at maging paglubog ng isang malaking barko.

Characteristic:

Ang Chimera ay hindi lamang isang hayop na nagtataglay ng kakaibang bangis. Ito ay isang nilalang na nagtataglay ng ulo at katawan ng isang leon at ang buntot nito ay isang ahas. Bukod dito ay mayroon pa itong pangalawang ulo sa gitna ng kanyang katawan.Ang ulo ng isang kambing na siya namang nagbubuga ng apoy.

Sa tagal ng panahon, iba’t ibang paglalarawan na din ang naibigay sa nilalang na ito. Pinaniniwalaan na mayroong itong pakpak o hindi naman ang likod na katawan nito ay isang ahas. Pinaniniwalaan na walang makakatalo sa isang Chimera dahil nga nagtataglay ito ng lakas ng isang leon, talino ng isang kambing at lason na mula naman sa ahas.

Ang pinaka kilalang kapangyarihan nga nito ay ang kanyang apoy na inilalabas ng kambing na nasa likod nito. Palagi itong galit at laging nagpupunta sa ilang mga maliliit na lugar upang kumain ng mga kambing. Bukod sa pagkain ng mga alagang kambing ng mga tao ay naninira at nanununog din ito ng mga taong nanahimik at walang ginagawang masama sa kaniya. Kumbaga pinagttripan nya ang mga ito. Ito ung tipong tulog ka sa bukid habang ang mga kambing o tupa ay malayang naglalakad sa bukid tapos magigising ka na lang sa init, un pala eh lechon na ang labas mo.

Similar Mythology:

Ang pinaka katulad na nilalang na ito ay ang kinatatakutan ding halimaw sa Persian mythology. Ang Manticore. Ito ay mayroong katawan ng isang leon at ulo ng isang tao, habang ang buntot naman nito ay nagtataglay ng mga tusok-tusok na nagtataglay din ng lason.

Ngunit ang kaibahan lamang ay tao ang kinakain ng isang manticore at nakatira ito sa kagubatan.

May paniniwala naman nuong 5th Century BCE an ang chimera ay personification lamang ng isang volcanic mountain. Kasi nga ang colcanic mountain ay mayroong kagubatan, may mga slope at may summits. Ang ahas ay nakatira sa ibaba ng bulkan kung saan mayabong ang kagubatan. Ang mga kambing naman sa mga matatarik na lugar kung saan gustong gusto nilang umakyat habang ang mga lion naman ay nasa pinakatuktok at duon naghahanap ng kanilang makakain.

Media:

Magumpisa tayo sa anime, sa palabas na bleach sa battle of karakura arc, ang mga arrancars na sina Emilou Apacci, Franceska Mila Rose at Cyan Sun sun ay sinakripisyo ang kanilang kaliwanag kamay para makagawa ng chimera like creature na tinawag nilang Ayon. Mayroon itong buhok ng lion, buntot ng ahas at ang goat traits nito ay napalitan ng usa.

Sa bakugan naman, ang bakugan griffon ay mas katulad ng chimera dahil meron itong katawan ng leon makaliskis na paa ng kambing, pakpak ng isang dragon at ang buntot nito ay isang ahas.

Sa larong Castlevania legacy of darkness, habang nakikipaglaban kay ortega, magpapalit ito ng anyo bilang isang chimera kung saan mayroon itong malaking pakpak, ulo ng leon na may kakayahang magbuga ng apoy, Ulo ng isang ahas na kayang magdura ng lason at isang ibon na kayang maglabas ng sonic attack.

Sa final fantasy naman from 1 – 10, common na common na ang chimera, pati sa final fantasy XIV ay mayroon ding boss fight para dito. Kagaya ng final fantasy, ang dragons dogma rin ay finieature ang chimera bilang boss fight pero mga common boss lang ang mga ito. Mayroon itong ulo ng lion na nakakagawa ng melee attacks, sa bandang likuran naman nito ay ang ulo ng kambing na kayang mag cast ng long range spells at ang buntot nito ay isang ahas na depensa nito kung sakaling lalapit ang player o susubukang akyatin ang chimera and yes malaki ang chimera ng dragons dogma.

Sympre hindi rin mawawala ang god of war. Sa god of war 3 bago meron itong 3 phases. Ang unang phase ay ang ahas ang mas dominante kung saan dudura ito ng mga nakakaparalisang lason. Kapag naputol na ang ahas, papasok na ito sa 2nd phase kung saan ang lion ang magiging dominante. Kakalmutin nito si kratos at magbubuga ng malalaking bola ng apoy. Matapos matalo ni kratos ang leon, ang kambing na ang huling huli at susugurin nito si kratos kagaya ng pagsugod ng kambing. May kakayahin din itong magbugay ng apoy.
Sa tekken, ang 2nd form ni ogre na mas kilala na tru ogre ay katulad ng isang chimera. Meron itong ulo na katulad ng isang leon, sungay ng isang kambing, pakpak at balat ng isang dragon at isang malaking ahas sa kanyang kanang kamay.

Chimera today:

Sa panahon ngayon,ang salitang Chimera ay ginagamit sa mga Scientific research upang maipaliwanag ang mga hayop na nagtataglay ng higit pang genes base sa kanilang itsura.

Dahil nga din ang Chimera ay pinagsamang-samang hayop na leon, kambing at ahas. Ang salita na din na ito ang naging gamit upang mailarawan ang isang kakaibang hayop o isang hybrid na hayop sa panahon ngayon.

Ang ilang mga western scholars ng Chinese art ay ginagamit ang Chimera upang ipangtawag sa isang nilalang na kanila namang pinaniniwalaan na binuo ng apat na nilalang.

Hanggang sa panahon ngayon nga ay madami pa ding eksperimento na ginagawa ng mga eksperto sa mga hayop,upang makagawa ng panibagong lahi ng isang animal.

 

SOURCCES

Sources

Credits at the end of youtube video:

  • https://youtu.be/a2E4cy2PH4c

OTHER MYTHOS

Report

Back to Top
Share via

Ad Blocker Detected!

Please consider supporting us by whitelisting this website in your adblocker settings.

Refresh

Add to Collection

No Collections

Here you'll find all collections you've created before.

Send this to a friend